Chapter 7

1.1K 60 3
                                    


Naging masaya ang bakasyon nila sa Palawan. Well para kina Rhi at Glai. Wala kasing oras na hindi nag sasama ang dalawa. Nag re-reklamo na nga si Chyn sa kanila, kasi halos hindi na ito napapansin idagdag pa na di nila ito sinasama pag may gusto silang puntahan. Pero alam ni Rhi na naiintindihan siya nito. Bukod kanino man si Chyn lang ang bukod tanging may alam kung ano ang pinag daanan niya sa loob ng 7 years.

Isang araw na ang lumipas mula ng makabalik sila sa Manila. At ramdam na ramdam ni Rhi ang pagbabago sa buhay niya. "Good morning!" Masaya niyang bati kay Chyn ng pumasok na ito sa office. Dahil hindi naman nito ini-expect na papasok siya ay nagulat ito.

"Wow! Isang napakalaking WOW! Anong milagro ang nangyari at nandirito ka ngayon? At naunahan mo pa talaga ako sa pagpasok ha," sabi nito habang tinutungo ang sarili nitong table.

"Grabe milagro talaga?" Tanong niya habang nakapwesto din sa table niya. Magkatapat ang table niya at ang table nito.

"Oo.. dahil sa loob ng pitong taon ngayon ka lang pumasok ng hindi pinipilit... and please include the good morning greet. Ngayon mo lang ako binati ng ganon," tugon nito.

Napaisip siya sa sinabi nito. Di nga niya matandaan na binati niya ito.

"Well.. I can't blame you. Alam kong masaya ka dahil nag kaayos na kayo ni Glai.. Pero hanggan kailan to Rhi? 6 days from now babalik na siya sa Japan." Bigla itong sumeryuso.

"Kaya nga ginagawa ko ang lahat Chyn para di niya na maisipan pang bumalik doon. Hindi parin nag babago ang plano kong ipa realize sa kanya na nandito ang buhay niya." Na ako ang buhay niya. Gusto niya sanang idagdag pero nahiya siya.

"May patutunguhan ba iyang ginagawa mo? Kasi Rhi sa bandang huli baka ikaw ang maka realize na ginagawa mo lang iyan para sa sarili mo." Tugon parin nito

She paused for a while.

"Does she love you? Nag confess na ba siya na hanggang ngayon mahal ka parin niya?" Tanong nito ng hindi siya sumagot.

Tinitigan niya ito. "Hindi niya man sabihin pero nararamdaman kong mahal niya parin ako. At kung dumating na nga ang araw na mas pipiliin niyang bumalik sa Japan..... tatanggapin ko. Tutal kasalanan ko naman eh. Kung bakit kami nag kahiwalay dati."

Humakbang ito palapit sa kanya. "Saksi ako sa lahat ng paghihirap mo sa loob ng pitong taon Rhi. At kahit pa best friend ko si Glai, I mean naging best friend ko dati hindi ako makakapayag na magdusa ka na naman sa sakit dahil sa kanya. At kung may kasalanan ka man ay iyon yung hindi mo pagsabi ng totoo sa kanya kung bakit mo siya hiniwalayan."

"Ayoko lang siyang mapahamak.." tanging nasabi niya.

"Kaya ikaw ang napahamak."

Hindi na siya tumugon dito. Alam niyang nag aalala lang si Chyn sa kanya. Pero disidido na siya. Gagawin niya ang lahat para hindi na umalis pang muli si Glai. Pitong taon na ang nayasang sa buhay niya dahil wala ito sa piling niya. Hindi na siya papayag na mawala pa ito muli.

"Iyong cellphone mo nag ri-ring,"

Napalingon siya sa cellphone niya na nasa ibabaw ng table. Ang lalim kasi ng iniisip niya kaya di niya na napansin ang pag ring nun. Napangiti siya ng mabasa sa screen ang pangalan ng tumatawag. "Glai...." sagot niya. Nakita niyang tumaas ang isang kilay ni Chyn pag ka bangit niya sa pangalan nito. Naglakad na din ito pabalik sa sariling table.

"Good morning Rhi. Nasaan ka ngayon?" Tanong nito sa kabilang linya.

"I'm in the office right now. Bakit?" Tanong niya din sa kabilang linya.

"Ah.. hmm nandyan naba si Chyn?"

Napalingon siya kay Chyn. "Uhmm.. wala pa siya. Everyday naman iyon late pumasok eh,"

Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon