Isang buwan na ang lumipas mula ng bumalik sila sa Japan. Isang buwan nadin laging tulala at parang wala sa sarili si Glai. Dahil walang laman ang isip niya kundi si Rhi. Si Rhi. Si Rhi lang.
"Babe, I have a surprise for you.." nakangiti pero mababakasan ng lungkot ang mukha ni Soln. Sabay tayo sa harapan niya. Kasalukuyan silang nasa sala ng apartment nila.
Di niya ito nilingon. Bakit ba kasi ang hilig nitong mag surpresa. Hindi ito ang panahon para doon. Wala siya sa mood.
"Wish I could be the one, the one who could give you love.
The kind of love you really need.
Wish I could say to you, that I'll always stay with you...
But baby that's not me.."Parang slow motion na napatingin siya bigla dito. Kumakanta ito ngayon. Habang matamang nakatingin sa kanya. Nakangiti nga ito pero napakalungkot naman ng mukha nito. Napansin niya din na nangingilid na ang mga luha nito sa mata.
"You need someone
Willing to give their heart and soul to you.
Promise you forever
Baby that something I can't do...
Oh, I could say that I'll be all you need..
But that would be a lie..""I know I'd only hurt you,
I know I'd only make you cry..."Tuluyan ng tumulo ang mga luha nito. Napahinto din ito sa pagkanta. Makailan din itong lumunok habang titig na titig sa kanya.
"I'm not the one you're needing.."
Humagulgul na ito. "I love you.... goodbye..."Bigla siyang napatayo. Hindi siya tanga para hindi ma gets ang ibig nitong sabihin. Ito ba ang sinasabi nitong surprise?
"I'm now letting you go babe.." sabi nito sa pagitan ng pag iyak. "Hindi ko na kayang makita kang ganyan ng dahil sa akin.."
Nilapitan niya ito at hinawakan ang magkabila nitong pisnge. Umiiyak na rin siya. "Babe.. ano bang pinagsasabi mo... di ako nag kakaganito dahil sa iyo.." tugon niya.
Ngumiti ito ng mapait. "Yeah. Oo nga naman. Hindi ako ang dahilan kung bakit ka nag kakaganyan..... si Rhi diba?"
Bigla niyang nabitawan ang pisnge nito. Paano nito nalaman.
"Hindi ako manhid babe. At mas lalong hindi ako bulag para hindi makita kung paano kayo magtitigan ni Rhi nung nasa Manila pa tayo.... mas pinili ko lang talaga manahimik." Malumanay nitong sabi. "Hindi ko alam kung nain love ka agad sa kanya o-----"
"She's my ex. Siya ang dahilan kaya.... nagpunta ako dito sa Japan. To forget her..." putol niya sa sinasabi nito.
"Now I know..." malungkot nitong pagkakasabi.
"Hindi ko sinadya Soln. Akala ko wala na tong.... itong nararamdaman ko sa kanya. Pero nung umuwi ako sa Pilipinas at nakita ko siya, bumalik lahat ng nangyari seven years ago. Pati ang pagmamahal ko sa kanya na akala ko nawala na ng tuluyan biglang bumalik. At ngayong nalaman ko ang katotohanan kung bakit niya akong nagawang saktan dati.... gusto kong humingi ng tawad sa kanya.." tuluyan ng tumulo ang mga luha niya.
Ngumiti ito. "Hindi nawala ang pagmamahal mo sa kanya kahit kailan. Nabalot lang ng sakit ang puso mo kaya akala mo nakalimutan mo na siya..." huminto ito sandali. Saka bigla na naman itong umiyak. "Hindi ko kayang mawala ka sa akin..... mahal na mahal kita Glai.... pero mahal na mahal mo siya at alam kong mahal na mahal ka din niya...." humihikbi na ito ng iyak. "Kaya kahit na napakasakit para sa akin...." hinawakan nito ang pisngi niya. "You're free now,"
Humihikbi narin siya sa pag iyak. For four years totoong minahal niya ito. Kaya nasasaktan din siya sa nangyayaring ito ngayon. Hindi siya nakasagot sa sinabi nito.Pinahid nito ang mga luha saka ngumiti. "I have another surprise." Nakangiti nitong sabi bago may kinuha sa isang drawer sa sala na iyon. At iniabot sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/52377695-288-k327402.jpg)
BINABASA MO ANG
Second Chance
FanfictionWalang matagal na panahon sa dalawang taong totoong nag iibigan.. Sa kabila ng mga pinag daanan.. Love will still find ways..