Tatlong araw ng di nakikita ni Glai si Rhi. Magmula nung nag dinner silang apat. Di niya naman magawang tawagan ito dahil halos oras oras silang magkasama ni Soln. Kung tutuosin dapat di niya na iniisip pa si Rhi. Pero parang nag karoon ng sariling isip ang puso niya kaya kahit anong gawin niya ay di ito mawala sa isipan niya. Siguro dahil na rin sa mga araw na nagkasama sila. Umiling siya sabay buntong hininga. Remember Glai siya ang dahilan kung bakit ka nag punta sa Japan at nagpahirap sa kalooban mo sa unang tatlong taon mo sa doon. Kaya huwag kang padadala sa ilang linggo na nagkasama kayo. Tandaan mo, sinaktan ka niya. Paalala niya sa sarili niya.
"Babe, nagyayaya si Kat na mamasyal. Gusto mo bang sumama?" Tanong ni Soln na di na niya namalayan na nakalapit na pala sa kanya.
"Kat?" Kunot noong tanong niya.
"Yeah my cousin," nakangiting tugon nito.
"Ahmm... babe, gusto ko rin sanang puntahan si Chyn. Alam mo na.. ilang araw nalang babalik na tayo sa Japan. Gusto ko lang sana siyang makausap kahit sandali." Wika niya kay Soln.
"Yeah sure. Go ahead babe.." nakangiti parin nitong tugon. "Alam ko din namang gusto mo silang maka bonding bago tayo bumalik sa Japan."
Ngumiti nadin siya at bigla siyang napa isip. Ang mga ngiti nito ang naging dahilan kaya lumiwanag ang buhay niya sa Japan. In short nakalimutan niya ang sakit ng nakaraan. Sakit na si Rhi ang gumawa.
"Babe? Tulala ka nanaman." Pukaw nito sa kanya.
Ngumiti siya ng ubod ng tamis. Saka niya ito hinarap ng lubusan. Hinawakan niya pa ito sa magkabilang balikat. "I'm just so lucky to have you in my life for four years. I love you babe," tugon niya habang titig na titig dito.
"Hmm ang sweet naman yata ng babe ko ngayon," nakangiting tugon nito.
"Bakit? Lagi naman akong sweet ah." Nakangiti niya ring tugon bago ito mahigpit na niyakap. "Thank you so much Babe."
"For what?" Kunot noong nito habang yakap din siya.
"For everything." Maikli niyang sagot saka pinakawalan ito.
"Cause you're my everything babe. I can't lose you. Masyado kitang mahal." Madamdamin din nitong tugon.
Ngumiti din siya. Ngiting puno ng emotions. Ngiting sanay di mapalitan ng lungkot.
=======
Mula nung malaman ni Rhi ang tungkol kina Glai at Soln ay pinilit ulit mabuhay ni Rhi. Namatay na siya dati 7 years ago pero pinilit niyang mabuhay. Kaya ngayon ay ginagawa niya ang lahat para maging busy ang sarili at kahit papaano ay makalimutan si Glai. Pagdating niya office ay wala pa si Chyn. Dun niya lang din napansin na nagtext ito at pinapaalam na mali-late ito ng dating. Agad siyang puwesto sa table niya at binuklat ang ilang folder. She open her computer and start to do some things. Humingi din siya ng kape sa Secretary niya. Habang nakayuko at binabasa ang isang report ay may kumatok sa pinto. Dahil akala niya ang secretary niya ang kumatok ay di na siya nag abala pang tingnan ito ng buksan nito ang pinto at tuluyang pumasok.
"Rhi?"
Agad siyang napaangat ng mukha ng marinig niya ang boses ng taong inakala niyang secretary niya. "Glai.." bigla siyang napatayo.
"I'm sorry. I didn't know na nandito ka." Wika nito.
"Yeah right, you didn't know na nandito ako? Pero alam mong dito ako nagtatrabaho diba? So malamang siguro nandito ako." Sarcastic niyang sabi.
"Si Chyn talaga ang sadya ko." Tugon nito.
"Mali-late siya ng pasok. You should call her first sana." Tugon niya. Pagkasabi niya nun ay napalingon siya sa pinto ng kumatok ang secretary niya at pumasok ito. "Thank you Grace," sagot niya ng tanggapin niya ang kape mula dito. "Ikaw Glai? What do you want to drink?" Baling niya dito.
![](https://img.wattpad.com/cover/52377695-288-k327402.jpg)
BINABASA MO ANG
Second Chance
FanfictionWalang matagal na panahon sa dalawang taong totoong nag iibigan.. Sa kabila ng mga pinag daanan.. Love will still find ways..