Chapter 4

1.2K 64 0
                                    

Biglang napadilat si Rhi ng marinig niya ang announcement ng flight attendant. Di niya namalayan na nakatulog pala siya. Eh paano halos hindi siya nakatulog kagabi dahil sa kakaisip kung ano ang mangyayari sa bakasyon nilang ito. Pinapakabit na sa mga pasahero ang seatbelts nila dahil ilang minuto nalang ay lalapag na ang airplane na sinasakyan nila sa airport ng Palawan.
Oo sa Palawan nila napili mag bakasyon. Napagkasunduan kasi ni Glai at Chyn na mag island hopping. And no choice siya kundi ang sumang ayon nalang din. Napatingin siya sa bintana at tanaw na niya ang runway. Ng mapabaling siya sa kanan niya ay ganon nalang ang gulat niya. Paanong napunta si Glai sa tabi niya. Tanda niya kanina si Chyn ang katabi niya at si Glai ay nasa unahan nila naka upo malapit din sa bintana. So paano to napunta sa tabi niya? Napakunot noo siya. Saka sumilip sa unahan niya. Nakita nga niya dun si Chyn. Maya maya ay muli niyang tinitigan si Glai. Himbing na himbing ito sa pagtulog. Naka headset pa nga eh. Bahagya ding nakabaling ang mukha nito sa gawi niya. Tinawag niya si Chyn at lumingon naman ito. "Paano ka napunta dyan ha? Diba magkatabi tayo kanina?"

"Eh nagmakaawa kasi iyang si Glai... gusto ka niya raw makatabi, eh alam ko namang iyon din ang gusto mo kaya pinagbigyan ko na," sabi nito sabay ngiti ng makahulugan.

"Chyn tumigil ka nga. Bakit nga kayo nag palit ng upuan?" May kahinaan niyang tanong dito.

"Eh takot daw siya pag malapit sa bintana kaya nakipag palit siya ng upuan sa akin." Tugon parin nito.

"Nakipag palit ka naman," sita niya dito.

"Eh sa takot nga siya e. At tsaka ikaw Rhi ha? Ikaw na nga itong binibigyan ng pabor dyan para makatabi si Glai, ikaw pa tong may ganang magalit.. wag ganyan oiii!" Kunway galit din na tugon nito.

"Ssh! Tumahimik ka nga.. baka marinig ka niya. Baka isipin pa niya na totoo iyang sinasabi mo," sita niya parin dito.

"Ay bakit hindi ba totoo?" Nakataas kilay na tanong nito.

Pinandilatan niya lang ito ng mata. Nag behave naman ito saka umayos ng upo. Muli niyang ibinaling ang pansin kay Glai na himbing parin sa pagtulog. Tinitigan niya ito ng maigi. Mula sa mata nitong nakapikit, sa matangos nitong ilong at sa mapula nitong labi. Kahit sa pagtulog napa kaganda parin nito. Para talaga itong anghel. Hindi na niya namalayan ang pagtaas ng kanang kamay niya para himasin sana ang tungki ng ilong nito. Parang may sariling utak ang kamay niya. Naisip niya siguro naman hindi ito magigising kung hihimasin niya saglit ang ilong nito. Mukha namang mahimbing ang tulog nito e. Bago pa magbago ang isip niya ay dahan dahan niyang inilapit ang hintuturo sa ilong nito. Kunting kunti nalang ng bigla nalang.......

"Rhi? Anong ginagawa mo?" Wika ni Glai na mukhang naalimpungatan. Tinanggal nito ang headset sa tenga nito.

Nanigas siya ng bigla nalang ito dumilat at makita ang kamay niyang nabitin sa ere malapit sa ilong nito. Bigla niyang naikuyom ang kamay. "Uhmm... ano kasi... uhmm.. gigisingin lang sana kita. Nag announced na kasi ang Flight attendant na ikabit na ulit ang s-seatbelt," galing ng palusot niya.

Kumunot ang noo nito. "Bakit sa mukha ko papunta iyang kamay mo? Sasampalin mo ba ako?" Tanong nito na nakangiti.

Napangisi siya sa tanong nito. "Bakit ko na naman iyon gagawin?"

"Para magising ako?" Nakangiti paring tugon nito habang titig na titig sa kanya.

Huwag mo ako ngingitian ng ganyan baka mahalikan kita. Sabi niya sa isip niya.

"Excuse me ma'am, paki kabit nalang po ulit sa seatbelts niyo. Malapit napo kasi tayong lumapag," magalang na sabi ng flight attendant sa kanila.

Sabay pa silang napalingon. Di nila namalayan na nakalapit na pala ito sa kanila.

Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon