Chapter 5

1.2K 64 1
                                    

Kahit inaantok pa ay pilit na bumangon si Rhi. Mariin siyang napapikit ng maramdaman niya ang sakit sa ulo. Hinilot niya ang magkabila niyang sentido. Ano ba nangyari kagabi. Ang last na natatandaan niya ay..... bigla siyang napadilat. Dahan dahan siyang lumingon sa kanan niya, kung saan nakita niyang mahimbing na natutulog si Chyn sa kama nito at si Glai sa kama din nito. Nakadapa si Chyn samantalang si Glai naman ay nakata gilid habang nakatalikod. Napangiwi din siya ng mapansin niya na naka panty lang siya at maluwang na t-shirt. Sino sa dalawa ang nagpalit sa kanya kagabi? Nahiling niya na sana si Chyn. Ano ba kasi nangyari kagabi? Sana wala siyang kagagahang ginawa. Tiningnan niya ang orasan sa side table ng kama niya. 6:15 na ng umaga. Narinig niya rin ang mahinang alon na nag mumula sa labas. Bigla siyang tumayo at naghalungkat sa bag niya. Naisip niyang maligo ng maaga sa dagat. Tamang tama din iyon para mawala ang amats niya. Agad siyang nagbihis. At ngayon nga ay naka two piece nalang siya. Isang kulay itim na two piece. Tahimik na lumabas siya sa cottage.

======

"Ang ganda ng view ano?"

Napalingon si Glai sa likod niya. Nakita niyang naka ngiti si Chyn habang humahakbang ito palapit sa kanya. May hawak hawak din itong kape. Halos sabay lang silang nagising. Nauna nga lang siya dito ng ilang minuto. Pagka gising niya ay agad niyang napansin na wala sa kama nito si Rhi. Tanging ang t-shirt lang nito na siya mismo ang nagsuot dito kagabi ang nakita niya sa kama nito. Paglabas niya sa mini terrace ng cottage ay nakita nga niya di kalayuan si Rhi habang lumalangoy. Nasa medyo malalim ito na parte. Napansin niya din na may iilan din ang naliligo ng mga oras na iyon.

"Wow, kaya naman pala ang aga mong nagising dahil may serenang lumalangoy," sabi parin nito ng tuluyan ng makalapit. "No wonder kung bakit mas gumanda ang view." Nakangiti parin na dadag nito.

Napa iling na lang siya habang sumisimsim sa kape niya. Alam niyang si Rhi ang tinutukoy nitong serena.

"So hot!" Pagkuway wika nito.

Kunot noong nilingon niya ito.

"Nitong kape... napaka hot," tumawa ito.

"Chyn.... may gusto ka ba kay Rhi?" Di niya na natiis na itanong.

Bigla itong napaubo dahil sa tanong niya. "Ako?" Sabay turo sa sarili nito. "May gusto kay Rhi?" At tinuro naman nito si Rhi na naglalangoy parin. "Yuck Glai! Parang kapatid ko na kaya iyang babaeng iyan. And hindi ko siya type." Maya maya ito naman ang napakunot noo. "Hmm.... baka naman ikaw ang may gusto pa sa kanya?"

Tumawa lang siya sa tanong nito.

"Kasi ganyan ang mga type mo e. Matatangkad, sexy mahahaba ang buhok-----"

"Sira!" Putol niya sa sinasabi nito.

"Bakit totoo naman ah..........ay teka maiba tayo, ano nangyari kagabi ha?" Ngumiti na naman ito ng makahulugan.

"Oo nga no? Ano nangyari kagabi at di mo ako pinuntahan ha? Na plush ka ba sa anidoro?" Sita niya dito.

"Eh, pasensya naman. Nasalubong ko kasi iyong isa sa client namin ni Rhi, nagkataong nagbabakasyon din sila dito. So I grab the chance na kausapin siya and pinagbigyan naman ako." Paliwanag nito.

"Akala ko ba magba bakasyon tayo dito? E bakit may business na nangyari?" Tugon niya.

"Eh sayang din kasi eh. Bakit ba? Ano ba talaga nangyari kagabi?" Tanong nito.

"Wala! Di mo na kailangang malaman."

"Ah.. siguro may nangyaring rated SPG no?" Ngumisi ito.

Napangiti nalang siya sa sinabi nito.

"Ay yung ngiting iyan.. maraming nabiktima dyan e. So meron ngang nangyaring SPG kagabi?" Di makapaniwalang tanong nito.

Tinitigan niya lang ito.


Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon