*kriiiiiiiingggggg*
[Iya's POV]
Grabe asan na ba yung alarm clock ko? Hindi ko makapa..
Ayoko pa kasing imulat ang napakaganda kong mga mata..
*kriiiinnnggg!*
Oo na, ayan na oh! Pipindutin na kita wag ka ng magngangawa!
At eto nga.. napabangon ako ng de-oras.
"Waaaah! Good morning sunshine!" :D
wee.. first day of class ngayon. kakaexcite! fourth year na kooo! ^_^
Naligo na ko agad at nagbihis saka bumaba para mag almusal. Nasa hagdan pa lang ak nang...
"Good morning sweetie. Una na kami ng mommy mo ha" sabi ni daddy
"Eatwell okay? Take care, good luck sa first day. Love yah baby" dagdag pa ni mommy sabay flying kiss
"Eh?!" - ako naman, nga-nga =___=
"Sige ate carol, alis na rin po ako."
"Teka, miss Iya hindi ka pa nag aalmusal."
"Di bale na po, wala na rin naman akong gana eh."
"O sige, eto" sabay abot sakin ng lunchbox
"Pag gutom ka, kain ka na lang sa school mo ha."
nagpasalamat ako then umalis na.
------------------------------
*kriiiinnnngg*
Jusko kelan ba mananahimik yang mga lintek na kriiiing kriiing na yan!
"Oh hey!" ah, si Jenny.. ang bestfriend kong mas topak pa sakin >:D
"Hi, musta?"-me
"Eto, baliw pa rin. Hmmp di ko na itatanung kung kamusta ka obvious na sa muka mo. What happened ba?"
"Eh kasi--"
"Your parents ulet?"
"Uhmm.. o--"
"Wala na naman time sayo?"
"Parang--"
"Busy na naman sa trabaho?"
"O--"
"Kaya hindi mo ulit kasabay kumain?"
"Uh--"
"Tapos with matching take care baby and kiss sa cheeks or forehead?"
"Teka nga! Andame mo nang itinanong hindi mo maan lang ako hinayaang magsalita eh."
See? Mas topak talaga siya sakin!
"Ay oo nga. Pero.. hay, o sige nga, ikwento mo nangyari kaninang umaga bat ka na naman nagkaganyan, eh as far as i know lagi namang ganun eh. lagi kang hindi nasasabayan ng parents mo papuntang school. Minsan mo lang din sila makasabay kumain. At kapag may problema ka nahihiya kang lumapit sa kanila para humingi ng tulong. Oh ano? sige nga?"
"Teh, OA lang? ano pa bang ikwekwento ko, eh ikaw na nagkwento."
"Ay oo nga noh. Hay tama na nga yan, ui balita ko gwapo daw yung transferee eh, ayan na ata parating na"
"Hay ayan ka na naman eh. To talaga basta gwapo. pss!"
"Gaga! Ako lang ba? Pero teh, seryoso gwapo nga siya ^_^"
"Che, tigilan mo nga ako. May Jann na ako."
"Hay ewan ko sayo, mas gwapo to kay Jann promise! Ayiee, lilingon na yan :D"
At ako naman si uto-uto, aba lumingon nga, ay tanga -___-
. . .
"What?!" bigla pa akong napatayo
"Oy, anong what? ang sabihin mo, HOT! Gwapo noh? Pogi diba? Pogiii!! Yummy. Ayayay! XD"
"Hay nako Jenny, sinasabi ko sayo. Suplado yan! Mayabang! Panget ugali. I swear magsisisi ka!"
"Weh? Magkakilala kayo? Wow!"
"Gaga. anong wow ka jan! Bwiset yan sa buhay. Lika na nga." pinilit ko si Jenny pero ang lola niyo, ayaw paawat susme! tumalikod na nga lang ako =__=
habang nagwa-walking pretty ako..
*kalabit kalabit*
"Ano?" irritated kong tanong nang hindi lumilingon
*kalabit uit*
"Ano ba?!"oops, napasigaw ako, nagtinginan sakin yung mga students
This time, humarap na ako sa kumakalabit sakin.