CHAPTER 21

72 10 3
                                    

[Roid's POV]

"Urrrghh!"

na jasin-i silh-eo!

geugeous eun-in cheoleoman!

naega ihaehal sueobsneun

babo! babo!!!

aish!!

** Naiinis ako sa sarili ko!

hindi dapat ganito!

hindi ko na talaga maintindihan kung bat ganto!

stupid! stupid!!!

sh*t!! **

Pasensya na, ganyan talaga ako pag galit ako. lalo na pag mag-isa.

Haixt! Makapasok na nga! Si Ms. Megaphone kaya papasok?

Tsk. badtrip yung babaeng yun! Siya lang naman ang dahilan kung bakit ako nagkakaganto.

pagkatapos kong i-park ang pinakamamahal kong lamborghini, siyempre deretcho ako sa room namin para tignan kung  pumasok si Iya.

Naglalakad ako sa hallway nang matanaw ko si Jann.

"Oh pare, mukang aning ka ah? Anyare sayo?"  narinig kong sinabi ng kasma niya.

"Mahabang kwento. Teka, CR lang ako." pagkasabi niya non, napatigil siya, nakita niya akong nakatingin sa kanya. Sinamaan ko siya ng tingin. At nagdiretso papunta sa room namin.

Pagkarating ko sa loob ng room.. *lingon lingon*

Wala pa siya. Teka, 7:55 na ah

Usually, 7:30-7:40 nandito na yun. 8 kasi ang start ng klase namin.

Matawagan nga.

Wonder how i got her number?

Resourceful ako ganun talaga.

Kadi.. kay Reine. Tss hirap na hirap pa akong kunin. Tae napagtripan pa ako, lalo na ng silver na yun. Peste!

*FLASHBACK*

Kinaladkad ko si Iya palabas ng park .. hawak ko yung kamay niya.. bakit ba, eh sa gusto ko ngang hawakan eh! Kaso para siyang timang na bigla na lang tumakbo palayo sakin. TSSS. Di ko na siya hinabol tutal ilang hakbang na lang nakarating na siya sa bahay nila. Aning talaga! Tinakbo pa niya!"

Nagpunta muna ako sa town. Ayoko pang umuwi eh.

Hindi maalis sa isip ko yung mukha ni Iya. Yung muka niyang nangangamatis. Halos masubsob na nga siya sa lupa kakatago ng muka niya eh. Laptrip! LOL

Ewan ko, hindi ko mapigilang ngumiti. Ang babaw palang kiligin ng babaeng yun!

Nagpunta ako sa starbucks, yun ang nakita kong pwedeng paglipasan ng oras eh.

Pagpasok ko, nakita ko sina Reine at Silver.

Mukhang tuwang tuwa sila ah, maistorbo nga!

"Can I disturb you for a while?"

"Ano pa nga bang ginagawa mo?"

TSSS ang sungit talaga ng babaeng to. Kung di lang to kaibigan ni Iya, inupakan ko na to, pero syempre kahit papano hindi pa rin ako pumapatol sa babae.

"Tss.. oi ikaw alam mo na ba?"

"Ang alin?"

"Yung tungkol sa mga kaibigan mo."

napatigil siya sa pag inom ng frapuccino niya at napatingin sakin ng may 'worried look'

"Tss. Naturingan kang kaibigan nung dalawa, hindi mo alam?"

"Chillax pare, ako ang lagi niyang kasama kaya hindi niya pa alam, ano ba yun?" sabat ni Silver

"Nahuli ni Iya si Jenny at Jann na naghahalikan."

"Shet. kamusta si Iya, anong ginawa niya?"

"Umiyak, natural. Nasaktan nga eh, alangan namang magpa-party party siya?"

*toink*

"Tae. makabatok ka naman!" kahit papano boto ako sa baabeng to. Si Iya agad ang tinanong kung kamusta siya eh.

"Nakakaengot ka naman eh! Seryoso ang peg natin tapos mamimilosopo ka?"

tapos biglang nag-iba expression niya. naging malungkot na.

"Ito na nga ba kinakatakot ko eh"

"wait. So alam mo?"

"O-oo. matagal na."

"Nasabi na rin sakin ni Reine, kaya medyo iniiwas ko muna siya sa dalawa. Mahirap na, maiipit siya eh. Dalawang bestfriends niya yun."

"Kung pwede nga lang *sob* yung lalaking yun ang mawala eh*sob* Hindi sana nasasaktan *sob* yung mga kaibigan ko ngayon *sob*"

tuluyan na siyang umiyak pagkasabi niya nun.

"kung pwede lang sana.." sabi naman ni Silver

"Tama na yan, oi pare patigilin mo nga siya, ayokong nakakakita ng babaeng umiiyak eh. Tignan mo, kumakalat yung itim sa mata niya, muka na siyang zombie."

"Eto na nga oh. pinapatahan na."

"Tanga, eyeliner to! Anong itim sa mata? PUPIL?! kumakalat yung pupil, ok ka lang?"

"Sorry naman. Di ko alam yang kabaklaang pinaglalagay niyo sa mga mukha niyo eh."

"Oi, nga pala. Kunin ko nga number ni Iya."

"Bat di mo kunin sa kanya?"

"Eh sa nahihiya ako eh! Dali naaa!"

Nagtinginan silang dalawa sabay ..

"AYIEEE!"

"Ui roid! Gumaganon?!" - Reine

"Naks. Congrats! Binata ka na pare!" - Silver

Sabay silang nagtawanan.

"Dali na kasi! Para number lang eh!"

At ang dami pa nilang pang-aasar na ginawa sakin.

bago ko makuha, nagpalibre pa sila sakin ng Frappe.

Grabe tong dalawang to! Bagay nga talaga sila!

*END OF FLASHBACK*

Fool's WingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon