CHAPTER 16

57 9 2
                                    

[Jenny's POV]

Hindi ako natigil kakatakbo. Pagod na ako.

Pagod na pagod na talaga ako. Sana sa pagtakbo ko, maiwan ko sa daan tong nararamdaman ko. Hindi ko alam kung sinong pipiliin ko.

Hindi ko alam kung anong pakikinggan ko,,

yung utak ko ba na nagsasabing "mali, dahil may masasaktan ako. Masasaktan ko ang kaibigang matagal ko nang kasama. masisira ang pagkakaibigang iningatan namin ng sobra."

O yung puso ko, na nagsasabing "ipaglaban ko. magpaka-selfish ako. kasi ako ang mahihirapan/masasaktan pag hindi ko ipinaglaban. pagsisisihan ko pag wala akong ginawa."

Ayoko naaa! Hindi ko na alam kung saan ako lulugar.

hanggang sa mapadpad ako dito sa rooftop.

Sumalampak ako sa floor, sinandal ko ang likod ko sa pader na medyo malayo sa door at humagulgol ng iyak.

wala akong pakialam kung may makakita o makarinig sa akin.

[Jann's POV]

I was back to my senses nang sigawan ako ni Reine sa field.

Yea. She told me na nakita niya si Jenny takbo ng takbo. Ni wala daw siyang pakialam kung may mabunggo siya, hindi na daw niya nakita kung saan nagpunta kaya ako ang hinanap niya para pagalitan.

Kaya eto, hinahanap ko siya at nagtatanung-tanong kung kani-kanino. baka alam nila kung saan siya napadpad.

"Hindi ko na napansin eh. Sorry"

"Ewan ko din bro, pasensya na."

"Hmm hindi ko na napansin, basta umiiyak siya."

"Ah.. oo, she went this way kaya lang ang bilis niyang tumakbo kaya hindi ko na namalayan kung san siya nagpunta"

After sabihin nung babae na dumaan siya dito, wala nang nakakita sa kanya..

Dahil medjo pagod na rin ako, naisipan ko munang magpunta sa rooftop para magpahangin saglit. Bigyan ko na rin muna si jenny ng time..

Nakakailang steps pa lang ako papuntang rooftop, naririnig ko na ang iyak ng isang babae. mali. hagulgol pala, ang lakas eh.

Bigla kong naalala, si Jenny umiiyak nga pala. Kaya dali-dali akong umakyat.

*booogshhh* [Sound epek kunwari ng door hihi. wag na kokontra, bangag ang author eh -.-]

Fool's WingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon