[Iya's POV]
Weeeee!! Super saya ko todaaaayyyy!!!
Niyaya lang naman ako ni Jann na maglunch. It's like my first time haha.
Eee bat ba? Antagal na nga kasi naming hindi nagsasabay eh. Kaya nung tinext niya ako, hindi na nawala ang ngiti ko. Heaven !
"Hoy! Ayusin mo nga yang mukha mo!"
eshh. Eto naman ang panira ng mood eh. Hello? I'm having my moment here? Like what I've said before.. moody na naman po si Mr. Roid Vergara -____-
"Ang KJ mo naman eh. Can't you just be happy for me?"
"Happy happy mo lelang mo. Wag ka nga munang magpakasaya dyan!"
"Bakit naman hindi? Excited nga ako eh!"
"Tss ang pagkakatanda ko nung pinabasa mo sakin yung text niya, MAY SASABIHIN DAW SIYA SAYO."
"Oh, eh natural maglulunch kami ng sabay kaya syempre mag uusap talaga kami. Ewan ko sayo!"
"Haaaaaay!! Bakit ba ang slow slow mo?? Eh pano kung sabihin niya sayong break na kayo? Oh ano? Ang engot mo naman eh!"
Oo nga noh? Eh! Hindi. Erase erase ang lakas manghypnotize neto. Naniwala naman ako!
"May smiley face kaya yung text niya -3-"
"Tsss Iya, alam yung salitang 'tanga' ?"
"Oo naman! Tingin mo sakin, bobo?"
"Haaaay! Spell tanga! I-Y-A !" Sabay nagface palm siya.
Ewan kung ano tawag dun, basta yung palm niya, sinampal niya sa mukha niya.
Haha, edi facepalm nga XD
"Dyan ka na nga! Nakakaengot ka!"
Ehh? Bwisit talagang kumag yun!
------------------------------
*kriiiiingg*
Omagad! Ayan na si krrriiiinnnggg! Ngayon lang ata ako hindi nairita sa kriiinnggg na yan!
Yehey lunch break na!!
Nag ayos na ako at nagpunta sa labas ng pinto ng room namin.
I'm waiting...
5minutes...
8minutes...
Still waiting...
12minutes...
Hey, uhh I'm still waiting!...
15minutes...
"Hey sorry I'm late, tara?
At ayun! Nagniningning ang aking mga mata *u*
Walang umiimik samin habang naglalakad. Hanggang sa makarating kami sa garden ng school.
"Iya, i'll go straight to the point"
"Go ahead.. ano ba yun?" Tapos na siyang kumain, hinihintay na lang niya ako. Sinasadya ko ngang bagalan para mas matagal pa kaming magkasama.
"Malapit na kasi...". Humaygad, yung birthday ko pala! Oo nga malapit na waaaaah!
"Uhmm malapit na kasi ang exam.. balak kong magpatutor kay Jenny." A-ano daw? Paulit? Exam? Eh yung birthday ko, naalala niya? Hello? August 10 na po?
Mauuna na yun kesa sa exam eh. August 25 pa first grading exam grrrr.
"Ahh.. uhmmm.."
"So? What?"
"A-anong what?"
"Di mo gets?"
"Ha? Uhmm wait.."
Buffering...
Buffering...
Eh? Hindi talaga. Ano bang meron?
"Payag ka?"
"Ah! Okay, yun lang pala eh."
"Okay, sige so hindi tayo ulit makakapagsabay. Every Saturday din akong may tutor so wag mo muna akong itetext. Sige bye, una na ko. Bilisan mo dyan."
Yun na yun?
Ay teka! Magpapatutor? Eh bat kay Jenny pa? Pwede namang sakin ah. Ganun na ba ako kabobo? Nasa star section naman ako ah. Ano ba problema nun sakin?
Grabe yan. Tas iniwan pa ako dito?! Haist!