CHAPTER 8

60 10 1
                                    

 [Silver's POV]

Hi, I'm Silver Angelo Scott, may I help you? ^_^

haha. eto ako, nagseserve ng drinks sa mga visitors. nagwowork ako sa William's Catering services para may pang aral at pang buhay araw-araw. Actually, sideline lang to. Minsan lang kasing may mga nagpapacater

Mula nang tumuntong ako sa highschool, naging independent na ako. Ayoko nang laging kino-compare. Kaya lumayas ako sa bahay. masyado bang mataas ang pride? Sorry naman.

Pff. para kasi kay daddy, si kuya Tyler at ang younger sister kong si Iver lang ang anak niya.

Odiba, andrama! itakwil ba naman ako? Pero siyempre, ipapamuka ko sa kanya na kaya kong mabuhay.

Si mommy naman, may iba ng pamilya pero binibigyan pa rin naman niya ako ng sustento. Kahit papano makakatulong din yon sa pang araw-araw na pamumuhay ko.

------------------------------

"Wow, she's so pretty" sabi ng isang lalaki sa likod ko.

"Ganda talaga ni Reine. Dyahe, nakakatibo!" -sabi naman ng isang babae sa side ko.

sino daw? si reine? yung cosplay queen sa Constellation Academy? Yung first love ko? XD

dali-dali naman akong lumingon. Dyahe! Oo nga, ang ganda talaga niya! bagay sa kanya kahit na anong style niya.

Yea. Kilala ko si Reine, bukod sa C. Academy din ako nag aaral, siya yung palaging inaasar sa akin ni kuya Tyler noong magkapit-bahay pa kami.

Lumipat kasi sila noon sa village namin galing sila sa States. First time ko pa lang siyang nakita, na inlove na talaga ako sa kanya, kahit ang taray taray pa niya sakin noon, at di namamansin. Gustung gusto ko nga siyang titigan mula sa bintana ng kwarto ko eh.

Di din nagtagal, lumipat sila ng ibang village.

kasabay non, ang paglayas ko sa bahay.

-----------------------------

"Waiter!" oh, wait may customer

"Ano ho sa inyo ma'am?"

"Ito na lang, sige salamat." sabay kuha ng strawberry wine sa tray na hawak ko.

"Ah, Tania? Miss Tania Gonzales?" dahil sa curiosity bigla kong naitanong

"Oh, you know me?"

"Ah, yes ma'am, sa Constellation Academy po ako nag aaral :)"

"Really? Come here, join us." sabay tap sa vacant seat

"Ay sorry po ma'am may gagawin pa po kasi ako."

"Ay sige. Nice meeting you--"

"Silver po. Nice meeting you din po miss Ta--" ooopss!! hindi ko napansin yung tao sa gilid ko.

"ANO BA NAMAN! ALAM MO BANG ANG MAHAL MAHAL NG NAGASTOS KO PARA SA COSTUME NA TO? GRRR. AYAN, SIRA NAA! AISH!"

nagtinginan lahat ng tao sa amin, ang lakas kaya ng sigaw niya,

"Ma'am, pasensya na op. hindi ko po sinasadya. sorry po."

"SORRY?! LIKE WHAT THE HELL CAN THAT STUPID WORD DO? MAAAYOS BA TO, HA?! ASAN BA MANAGER MO? BINAYARAN NAMIN KAYO NG TAMA TAPOS GANYAN KAYO MAGTRABAHO?!"

"Reine, your voice." -nagulat ako nang biglang sumingit si Miss Tania

"Psh. Tae naman kasi ang mahal kaya ng nagastos ko dito. 1 month allowance ko na katumbas nito eh! Tas sisirain lang ng bwiset na to!"

medjo nag-calm down naman na siya.

"Wag mo ngang ganyanin si Silver. Magpagawa ka na lang ulit, mayaman ka naman eh"

"Tss. shut up Iya!" she rolled her eyes at umalis na.

Si Miss Tania naman, ngumisi lang.

"Ganun lang talaga yun kasungit, wag mo nalang pansinin." -Miss Tania

"Okay lang po ma'am, kasalanan ko naman po kasi eh. Sige po may gagawin pa po ako." pagkasabi ko nun, dumeretcho na ako sa server's area.

Fool's WingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon