[Jann's POV]
It is finally confirmed that the school's hottest basketball player Jann Louis Villatema and school owner slash cheerleader Tania Gonzales is officially over. It has been told that Jenny Geneta, Tania's bestfriend is involved in their relationship which was said to be the third party. Meanwhile, a sweet stolen picture of Tania and the campus new hearthrob Justine Roid Vergara was taken along the subdivision. Now, people are wondering, "Is there something between Tania and Roid?"
Pushang headline!! Talagang detalyado pa ha! Lagot sakin nagsulat neto! Bakit ba kasi kelangang may showbiz sa schoolpaper?! Like WTH?! School to tapos ganto ang mga nakapost sa SCHOOL PAPER?!
Yung picture nila Iya at Roid, naka akbay si Roid kay Iya habang nakatingin silang dalawa sa isa't isa. Yung isang kamay ni Roid, nakahawak sa pisngi ni Iya na para bang pinupunasan yung luha ni Iya.
Ito yung araw na nakita kami ni Iya, nung si Roid ang nagcomfort sa kanya. Di maikakaila, sa picture palang bagay sila. At talagang mas deserve ni Iya si Roid.
Pero ampucha lang eh. Nasama pa dito si Jenny. Nakastate pa na siya ang third party. Peste!
Hindi ko namalayang nacrumple ko na tong lecheng schoolpaper na to. Ito ang mahirap sa sikat eh! Pinagpapantasyahan pati personal na buhay mo!
Ilang araw na akong hindi pinapansin ni Jenny, pinupuntahan ko siya lagi sa kanila, pero lagi daw siyang wala. Hinihintay ko siya sa labas ng gate nila pero walang Jenny na dumarating. Hindi ko siya macontact, laging unattended. Sobra na pag aalala ko sakanya, hindi ko na alam kung anong nangyyari sakanya.
Tokwa naman eh!Bat ba kailangang maging ganto kahirap magmahal?
[Reine's POV]
"Pchang schoolpaper kaaaaaa!" krinumple ko yung schoolpaper at binato kay Silverboy.
"Aray! Anoba, nadudungisan ang pogi kong mukha!"
"Pcha. Isa kpa eh! Kita mo ng badtrip ako oh. Dadagdag ka pa!"
"Sorry na, pinapangiti lang kita."
"Sa tingin mo naman, napapangiti ako ng kahanginan mo?!"
"Siguro lang naman, malay mo diba, may lihim ka ng pagnanasa sa akin?" sabay kindat pa ang loko!
"Peste ka! Kahit kelan hinding hindi kita pagnanasaan noh! Hindi ikaw ang type ko, pwede ba!"
"Haha. Ang cute mo talaga pag nagagalit, lumalaki yang butas ng ilong mo :-P"
"Grrrrr. Walang hiya kaaaa!" pinulot ko yung schoolpaper saka ko pinagpapalo sa kanya.
"Ayieeee. Nasabihan ko lang siya na cute siya pag nagagalit, pinagpapatuloy na niyang magalit para mas maging cute siya. Hahahah--Aww! *poink*
Aray! *pak* Tama na.. *toink* Oww!"
"Pcha ka. *hampas* HINDI *hampas* AKO. *hampas*NADADAAN. *hampas* SA. *hampas* MGA. *hampas* GANYAN. *hampas*
Alam kong maganda ako! *hampas*
"Tama na!" nakuha niya sakin yung schoolpaper
"Alam mo, ang sarap mong ilublob sa toilet bowl." -ako
"Talaga? ^_^"
"Pcha. Nsabihan ka na ngang ang sarap mong ilublob sa toilet bowl, ngiting ngiti ka pa jan?"
"Aba siyempre naman, para mahawaan ng kagwapuhan yung bowl."
"Hayop ka! =_="
"I love you too."