Walang pakialam si Dennise sa bagong lipat sa kabilang unit ng apartment na kanyang kinatitirhan. Wala rin siyang pakialam kung ano ang impresyon nito sa kanya - pipi siya na may anak at walang kwentang asawa.
Ngunit ang di niya lang alam ay kung bakit tila panay ang papansin nito sa kanya gayong may mayaman namang babaeng halos araw-araw itong dinadalaw. Di naman maintindihan ni Dennise ay lumalala ang inis niya rito sa bawat araw na lumilipas...