A/N:
Wow! Thank you sa lahat ng nagbabasa nito! Haha Sana di kayo naiinip sa tagal kong hindi naga-update busy lang talaga! I hope you support this story of mine! :)Here's another update hope you enjoy it!
*****
Iniwanan na siya ni Aly na walang lingon-likod. Samantalang siya ay tila manlupaypay sa magkahalong sensasyong nararamdaman niya ngayon.
Bakit ba palaging ganito na lang ang kanyang nararamdaman sa tuwing hinahalikan siya ni Aly? Tama nga kaya si Ella? Na may gusto silang dalawa sa isa’t isa?
Lingid sa kanila ay nasaksihan ng ama ni Aly ang eksena nilang iyon.
Nagmamadali si Dennise na bumalik sa kanyang kwarto. Dapat siyang maligo upang makalimutan ang halik na iyon ni Aly. Ngunit nakasabay niya sa pasilyo si Aly na papasok na rin pala sa kwarto nito. Ngayon ay nakabalot na ito ng tuwalya.
Nagkatinginan sila nang saglit. Pagkatapos ay binawi na ng dalaga ang kanyang paningin at sabay silang pumasok sa kani-kaniyang kwarto na tanging kwarto pala ni Louise ang naghihiwalay.
Mabilis siyang nag-shower at ilang beses niya pang hinuhugasan ang bibig pero tila tattoo nang naka-printa na doon ang labi ni Aly at di na makukuha pa sa tubig kahit ilang beses pa siyang magmumog o maghugas.
****
Binisita ni Von ang anak isang araw. Natutuwa siyang nakamasid sa yayang nagpapakain ditto. Pagkatapos ay inagaw na niya ang kutsarita para siya ng magpapakain sa anak na tuwang-tuwang kumakain at nakatingin sa kanya. Samantalang nakapanood lang nang masaya si Dennise sa mag-ama.
“Buti at napadalaw ka ngayon.” Anang dalaga sa kakambal.
“Oo. Kase day-off ko. Siyanga pala, nandon pa rin naman ang ibang mga gamit natin sa apartment. Sigurado ka bang huwag ng dalhin ang mga yun dito? ”
Napatingin siya sa kapatid saka binawi naman pagkatapos.
“Oo naman. Hindi ito habambuhay, Von. Tandaan mo yan. Isa pa, alam mon a ang sitwasyon.”
“Pero malay mob a kung totohanin ni Aly ito? Dahil sa tingin ko naman, gustong-gusto ka niya.”
Napaismid ang dalaga.
“Ginagamit niya lang kami ni Louise para makatakas sa problema niya, Von. Kaya huwag kang magsalita sa akin ng ganyan.”
Napabuntong-hininga ang binate. Saka napasulyap sa yaya ng kanyang anak.
“Kung ganon, ikaw ang bahala.”
“Hi! Nabalitaan kong nandito ka,” napabaling ang kambal at ang yaya sa kararating na babae.
“Laura?” napamang si Dennise sa babae.
Hanggang ditto ba naman? Naisip pa niya. At nandito ba naman ito para kay Aly?
“Yes? Nabalitaan ko lang kaseng nandito ang kakambal mo kaya nagmamadali na akong magpunta rito.” Pa-sweet ang ngiting anito na bumaling kay Von.
Napataas ng kilay si Dennise sa kakambal na kumibit lang naman ng balikat. Nagtatanong ang mga mata ng dalaga sa lalake.
“Kelan pa ba tayo lalabas, Von? Sabi ni Aly, pwede naman kitang imbitahan kumain sa labas.” Anang Laura na maliwanag na may pagkakagusto sa kakambal ni Dennise. At di niya ito maintindihan.
“Laura, dinadalaw ko ang anak ko ngayon.”
“Von, halika nga dito,” aniya sa kakambal na hinihila ito palayo kay Laura.
At saka pabulong siyang nagsasalita rito.
“Kelan lang ba kayo nagkakilala ng mapapangasawa ni Aly, ha? Tsaka, tila sinsabi pa niyang palagi na kayong nagkikita?”
“Eh, paano yan? May gusto daw siya sa akin. Kahit anong sasabihin ko, di nakikinig eh. Dahil di rin naman daw sila magpapakasal ni Aly.” Turan pa ni Von.
“Ano?! At… ibig mo bang sabihing… gusto mo rin ang babaeng yan?” napamaang na tanongniya sa kapatid na mahina pa rin ang boses.
Hindi nakasagot si Von. Nagkatitigan lang ang magkakambal. Saka napalunok si Dennise sa ibig ipahiwatig noon.
At paano si Aly ngayon? Malaya na ito mula kay Laura?
Napatango na lang siya ngmarahan dito. Pagkatapos ay sinundan na lang niya ng tngin ang mga ito nang lumabas nang sabay pagkatapos magpaalam ng mga ito.
Mukha namang tama si Von, naisip pa niya. Nakikita niyang napakasaya ni Laura na makasama ngayon si Von. Iba ang ekspresyon nito kaysa kasama nito si Aly.
At si Aly, ano na nga pala ang plano nito ngayong ibinaling na ni Laura sa iba ang pansin nito? At sa kapatid pa niya!
****
Votes | Comment | Share