Dedma lang si Dennise habang may ilang kagamitang ipinapasok sa kabilang apartment na kanyang tinitirhan. Nagsasampay siya ng kanyang mga nilabhan sa may likuran ng apartment, sa umagang iyon.
Sinabi na sa kanya ng may-ari ng apartment na may bagong lipat sa kabila, noong isang araw pa. pero wala naming sinabi si Aling Menggay kung sino. Gayunpaman, medyo curious siya ay di na siya nagtatanong pa. aniya sa sarili, di naman sa kanya ang apartment kaya wag na siyang makialam.
Samantalang kararating lang ni Aly sa apartment, na nilipatan niya. Kahit ngayon niya pa lang nakita ito ay napasang-ayon siya sa katahimikan ng lugar dahil medyo may eksaktong distansya ang bawat apartment sa lugar na iyon. Di rin maituturing na pabahay tignan. Tamang-tama na rin lang sa gusto niya na simpleng matitirhan.
Ipinarada niya ang kanyang big bike sa harap ng kanyang unit, pagpasok ng gate habang inaareglo ng mga tagalipat ang kanyang mga gamit. Nanaog siya sa kanyang big bike at saka pumasok na upang tiganan ang pagkakaayos ng mga gamit sa loob.
Napangiti siya at tinignan ang likod na bahagi ng apartment. Medyo maaliwalas naman sa labas at paglingon pa niya sa kanan ay anakita niya ang isang babaeng naka-shorts at sleeveless na busy sa pagsaasampay ng mga nilabhan nito.
"Hi, sexy neighbor!" charming ang pagkakangiti ni Aly sa babae.
Napalingon si Dennise sa boses na yaon. Napakurap siya sa magandang babaeng nakangiting bumabati sa kanya. Saka nakasimangot naman siya.
Ang suot lang nitong maong ay faded at may punit sa tuhod, naka-t-shirt ng puti na may jacket na maong.
Kahit naka-dark glasses ito ay batid niyang nakatitig ito sa kanya ng maige. Matangos ang ilong nito at maganda ang pisngi. At sa tingin niya, ang kulay nitong morena ay mas lalong nagpapadagdag ng kanyang sex appeal.
'Huhh, bakit ko ba siya kinikilatis ng ganito?' tanong pa niya sa sarili at inisnab na ang babae upang ipagpatuloy ang kanyang ginagawa.
Isa pa itong kapatid niya! Tila senyorito pa dahil siya ang naglalaba ng mga damit nito. At buti kung trabaho ang inaatupag, babae pa naman. Baka dahil pa sa kapatid niya ay magiging matandang dalaga siya. Ito ang madalas na sinasabi ng bestfriend niyang si Ella.
"Ako nga pala'ng bago mong kapitbahay." Ang dagdag pa ng babae nalumalapit sa interlink fence na siyang humihiwalay sa kanila.
"Ako nga pala si Aly. Anong pangalan mo?" pagpapatuloy pa nito.
Ngunit di pa rin niya ito pinapansin. Wala siya sa mood ngayong magpakilala. Maraming mga bagay ang nasa kanyang isipan at ayaw niya ng iba pang makapag-complicate dito.
"Ah, baka pipi ka, ano? Itatanong ko nalang kay Aling Menggay."
Inis na sinulyapan ito ni Dennise pero di siya nagsasalita."Sige, ha. Nice meeting you, sexy neighbor. May aayusin pako sa loob." Pagpaalam ng babae sa wakas.
Sinundan na lang niya ito ng inis na tingin habang papasok itong muli sa unit nito, bago siya nagpapatuloy na naman sa kanyang ginagawa.
"Dennise, saan ka ba?" narinig na lang niyang boses ng kanyang kapatid. Pero di siya tuminag o sumagot man lang. "Oh, andito ka lang pala. Di ka pa sumasagot. Narinig mo naman siguro ako, di ba? "
"tumahimik ka nga diyan. Baka magising mo pa ang bata. Buti't umuwi ka pa ano?" inis na aniya sa kanyang kapatid na si Von.
"Oo naman! Hihingi lang sana ako ng pera."
Natigilan ang dalaga.
"Hihingi? Bakit? May ibinigay k aba sa akin? Hoy, ako nan gang nag-aalaga sa anak mo, ako pa ngayon ang hihingan mo ng pera? Manigas ka nga diyan!" padabog pang anang dalaga na kinuha ang huling isasampay na pantalon.