A/N:
Here's another update! Hope you enjoy it!
---------------------------------------------
"Is that her baby? Wow, ang cute naman niya!" di napigilan ni Rachel na bumulalas nang makita ang magandang sanggol.
Napataas ng tingin si Dennise at bahagyang pinamulahan ng pisngi. Nakatingin sa kanilang mag-tiya ang magandang babaeng bisita ng kanyang kapitbahay. Siguro ... gf nito, naisp pa ng dalaga.
Nakangiti ito sa kaniya.
"That's Dennise, my sexy neighbor. Dennise, si Rachel. Pasensiya ka na. parang gusto na kase niyang magka-baby na rin ea." Nakangiting sabi ni Aly.
Napamaang ng sandali si Rachel sa kanyang pinsan pero tinignan lang ito ni Aly na walang sinabi.
"Hi. I do have a baby of my own. Pero di pa kase sinuswerte ea. Pwede ko ba siyang kargahin kahit sandali?" anitong pumasok sa gate at lumapit sa kanya kahit di pa umu-oo si Dennise.
Napangiting sumunod na lang si Aly sa pinsan. At nagkaroon din siya ng excuse na makabalik sa unit ng kanyang kapitbahay kahit sa bakuran man lang nito.
"S-sige," sabi nalang ni Dennise at nasurpresa pa dahil marunogn namang kumarga ang magandang babaeng bisita ni Aly.
"Hello, baby. What's your name?" nakangiting anang Rachel sa bata. Ngunit nakatingin lang sa kanya ang bata nang di kumukurap.
"Louise." Sabi pa ni Dennise sa kanya.
"How old is she?" baling sa kanya ni Rachel.
"Four months."
Napatingin sa kanya ng babae mula ulo hanggang paa.
"buti at madali ka palng nakabalik sa figure mo." Medyo biro pa ni Rachel.
Ngunit di kumibo ang dalaga. Sa halip ay pinamumulahan lang siya ng mukha at di niya talaga tinitignan si Aly ng sadya.
"It's because the baby is not hers, Rachel. Kundi sa kapatid niya. That's what Aling Menggay said. I'm sorry." Dagdag pa ni Aly kay Dennise bumaling.Di pa rin kumikibo si Dennise dahil kilala naman niya si Aling Menggay. Wala namang masamang intension ang may ari ng Apartment sa sinabing iyon na impormasyon sa babae.
"Oh, I see. I'm sorry." Seryosong paumanhin ng pinsan ni Aly. "Pwede ko ba siyang dalawing dito paminsan-minsan?"
Di maiwasan ni Dennise na wag sulyapan si Aly sa pagkakataong ito. Ngunit nakangiti lang ito sa kaniya.
"O-OK lang." nasabi na lang niya.
Ewan ba niya pero parang ayaw niyang ipahiya ang magandang babae. Kaya pinagbigyan niya ito. Wala namang masama kung gusto nilang dalawin ang pamangkin niya.
"Thank you! Wala kasi akong pamangkin kagaya mo, ea. Kaya sabik ako sa baby. Sige, Louise. Aalis na muna ako. Babalik nalang ako when I have free time, ok? I promise to see you again soon!"
Noon pa ngumiti ang bata kay Rachel. At lalong nako-cutan si Rachel sa bata.
Humalik pa si Rachel sa pisngi ni Aly bago umalis. Nang makapagpaalam na ang babaeay nagtataka pa siya kung bakit di pa rin umaalis ang kanyang kapitbahay.
"I'm sorry nung sinabi ko noon na pipi ka," biglang nagsalita si Aly.
Hindi kimikibo si Dennise.
"ah, I think I saw your brother left the house a while ago. Saan ba siya nagtatrabaho? Di ko kasi sya nakikita ditto araw-araw."
"ang sabi niya sa akin, nagde-deliver siya sa isang grocery store. Sige, ipapasok ko na si Louise." Tugon pa ni Dennise na tumayo na mula sa silya.
"Sige. Ako na ang magpapasok nitong silya sa loob." Prisinta pa ni Aly na tumulong.
"Huwag na. babalikan ko nalang yan mamaya."
"No. namimilit ako. Alam ko. Kaya wag mo ng gawing isyu itong pagtulong ko sayo."
Napakagat nalang ng labi si Dennise at wala siyang nagawa nang sumunod sa kanya ang babae na dala ang plastic chair.
Napatingin si Aly sa kanyang paligid. May dalawang lumang paintings sa kanang bahagi ng dingding. Sa kaliwa naman ay dalawang kwarto na may ternong kurtina ang pasukan. Sa dulo ay ang kusina at isang maliit na mesa at dalawang silyang magkatapat. Nakasandal sa dingding doon ang kalan at ang maliit na palikuran ay nasa extension ng apartment sa kanang bahagi. Katulad ng kanyang unit, ngunit nasa kaliwa naman ang extension nito.
"Salamat sa tulong mo. Pero ok lang talagang wag mo ng abalahin ang sarili mo." Medyo may bahid ng inis ang boses ni Dennise.
"Pasensiya ka na kung nakaabala ako. Sige, uwi na lang ako." Anitong nasulyapan ang naka-on pa ring computer ni Dennise sa isang sulok ng maliit na tanggapan ng dalaga.
Hindi kumibo si Dennise. Sinundan niya lang ng tingin si aly bago niya innilapag ang bata sa kama sa loob ng kwarto nila.
Nang makatulog na naman ang bata ay naisipan niyang bumili ng gatas sa malapit na maliit na grocery store sa lugar nila, sa isang kanto.
![](https://img.wattpad.com/cover/52577361-288-k337089.jpg)
BINABASA MO ANG
My Sexy Neighbor [ALYDEN]
Fiksi PenggemarJust pure fan fiction! ALYDEN short story! 😊💙