Chapter 4

5.6K 116 14
                                        


"Hi. Pwede bang tignan ko ang bata?" nakangiting bungad ni Rachel sa dalagang may-ari ng bahay.

"S-sige," nasabi na lang ni Dennise at napansing di kasama nito si Aly..

Nakita na lang niyang nasa loob ito ng kotse at may kasamang ibang babae.
Nilingon ni Rachel ang direksyong tinitignan  ni Dennise at ngumiti ng matipid habang pumapasok sa loob.

"It's Laura. Aly's supposed-to-be-fiancee."

Tumango lang si Dennise.

"Alam mo bang matagal na siyang pinagtataguan ng pinsan ko? Because Aly doesn't want to marry her."

Natigilan si Dennise pagkasara ng pinto.

"Pinsan mo si Aly?"

"Ahuh... at di ko alam kung bakit ko ito sinasabi sa iyo. I hope di ako nakakaabala sa yo."

"H-hindi. Ok lang. Nasa kwarto ang bata." Mabilis na aniya.

"S-salamat."

Sabay silang nagtungo sa kwarto. Tinitignan ni Rachel ang natutulog na bata.

"Pwede ko ba siyang kargahin?" tanong nito sa kaniya.

Kumibit na lang ng balikat si Dennise at natutuwang kinakarga ng isang babae ang natutulog na bata.

"Sa susunod, dadalhan ko na siya ng pasalubong. Di ko kase nadala yung mga pinamili ko kase sumama si Laura sa akin." Biglang ninerbyos ang boses ni Rachel.

Napansin ito ni Dennise. Kaya nagtataka ito.

Napalunok si Rachel. Saka nakatingin sa maamong mukha ng batang kinakarga sa mga bisig.

"I wish I could have a baby like her." Mahinang anito.

"Alam mo, maswerte ka. Dahil kahit di mo siya anak, may oportunidad ka ng mag-alaga ng isang bata." Bumaling rin ito sa kanya pagkasalita.

"M-may problema ka ba, Rachel?" tanong niyang lumalapit ditto.
Humahagulgol si Rachel kaya agad na binawi ni Dennise ang bata mula ditto. Saka mabilis itong naglalakad ng paroo't parito habang nakasunod siya ng tingin ditto.

"That woman blackmailed me! I hate her! Kung di ko siya isasama sa kinaroroonan ni Aly, she's going to... kill my husband. And... I begin to care for him. Alam mo yun? Alam mo yung kahit ipinagkasundo lang kaming dalawa na ipakasal? Di ko siya mahal, Dennise. But I realized lately that I'm falling for my husband dahil sa kabaitan niya at pagkaunawain." Saka biglang napatawa ang babae na parang histerikal. "We never made love even after our wedding!"

Napalunok  naman si Dennise sa kanyang narinig at napakurap-kurap. Di nya akalaing makakarinig siya ng ganitong storya.

Naiimagin nya tuloy ang lovemaking. Saka bigla syang napatigil sa kanyang imahinasyon. At mariin niyang ipinikit ang mga mata nang ilang saglit.

"A-at... ibig din bang sabihin na... ipinagkasundo rin sina... Aly at ang... ang Laurang yun? Kaya ba nagtatago ang pinsan mo... d-dahil ayaw niyang pakasalan ito?"

"Yes! That's right!" tumigil si Rachel sa kakalakad at humarap sa kanya. "And how I hate that woman!"

Napalunok muli si Dennise. Ayaw niyang madamay sa problema ng pamilya nito. Napahigpit niya ang paghawak sa bata at bigla itong umiyak. Pinatahan niya ito.

Nailing si Rachel. At kahit papaano ay naaawa si Dennise sa babaeng di naman niya lubos na kilala. Ang alam niya lang ay gusto nito si Louise. Kaya medyo sumisimpatya siya dito.

My Sexy Neighbor [ALYDEN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon