Natapos rin ni Dennise ang kanyang nobela. I-email na lang niya ito sa kanyang editor at ito na ang magpi-print pagka-edit nito. Tapos ay ihuhulog na lang nito sa bank account niya ang perang nararapat ay sa kanya. Tila alam na kase ng editor niya na magiging “hot cake” ang nobela pagkalabas nito.
“Nabalitaan kong nagpunta dito si Laura last week. Ba’t di mo sinabi sa akin na pati ikaw ay ginugulo niya?” sumbat pa ni Aly pagkakatok nito ng pintuan niya’t binuksan niya ito.
Pumasok ito nang di man lang inimbita. Ito ang ugali nitong katulad ng kay Laura. Arogante.
“Hindi na importante yon. Di naman siya bumalik dito mula noon. ” kumibit na aniya. “At gabi na. Umalis ka na.”
Biglang sumilay ang ngiti sa labi ni Aly at sinikaran nito ang pintuan upang isara ito. Napamaang ang dalaga sa ginawa nito.
“Bakit? Wala naman tayong masamang ginagawa, di ba? O… nag-aalala ka na many masama akong gagawin sayo?” delikado na ang mahinang boses nito.
Kinakabahan tuloy si Dennise. Lalo na’t hinahaplos nito angpisngi niya na tila bay gusto na naman siyanitong halikan. Tulad noong lasing ito. Pero iba sa pagkakataong ito. Hindi ito lasing na basta na lang niyang maitutulak kung sakali.
“A-Aly…”
“Sexy neighbor, di mo parin ba makuha?”
“A-ang alin? A-at wag mo nga akong tawagin nang ganyan.” Aniyang ibinaba ang tingin sa dibdib nito.
Bahagyang napatawa ang babaeng titig na titig sa magandang mukha ng dalaga. At patuloy na hinahaplos ang makinis nyang pisngi.
“But I want to call you that. Because it’s true. Gusto mo bang patunayan ko sa yo yan?”
Napasulyap siya sa mukha ni Aly. Di na ito nakangiti ngayon.
“Aly, please…”
“Please what?”
“Huwag mo kong halikan.” Parang naipit ang boses niya.“Your eyes tell me otherwise,” bulong pa nito.
Napalunok ang dalaga nang inilapit nito ang mukha sa kanya. Saka kusang pumikit ang kanyang mga mata upang tanggapin ang halik ni Aly.Maingat siya nitong hinahalikan na tila ba inaamo upang tumugon din dito.
Kalong ng dalawang kamay nito ang kanyang magkabilang pisngi upang di siya makaiwas sa halik nito. Gusto niya itong itulak pero sa halip ay napakapit siya sa balikat nito.
“Dennise, may…” natigilan si Von nang makitang may kahalikan ang kanyang kakambal.
Tila binuhusan ng malamig na tubig si Dennise pero nag-iinit naman sa hiya ang kanyang pisngi. Samantalang tila naaaliw pa ang ekspresyon sa mukha ni Aly nang sulyapan niya ito. Kapwa sila ngayon napatingin sa lalaking kararating lang.
“… dala akong gatas para kay Louise. Teka, sino ba siya?” tanong agad no Von nang makabawi in, pero si Aly ang tinitignan.
“Siya ang umuupa sa kabilang unit ng apartment.”
“Tawagin mo nalang akong Aly.” Anang Aly na lumalapit kay Von upang makipagkamay.“Von, kapatid ni Dennise.” Tumangong ani Von na tinanggap ang kamay ng babaeng estranghero.
“Kakambal niya. Alam ko.” Ngmiting anang Aly.“Sige, titignan ko lang ang anak ko. Dennise, may makakain pa ba?” baling nito sa kapatid.
“Ipaghahanda na kita.” Kahit labag sa loob niya, para lang makalayo kay Aly sa oras na iyon.
