Chapter 2

6K 125 4
                                    

Umiiyak ang apat na buwang pamangkin ni Dennise. Agad niyang nilapitan ito kahit nagluluto siya para sa kanyang pananghalian sa araw na iyon ng sabado. Chineck niya kung basing-basa na ang diaper nito kaya pinalitan niya ito ng bago.

"Louise, bago na ang diaper mo. Di ka na iiyak ha? Kase may gagawin pa si tita Dennise." Nakangiting sabi niya habang kausap ang bata.

Ngumiti ang bata sa kanya habang sumisippa ang mga paa nito sa ere. Hinalikan niya ang bata at ipinagpatuloy ang kanyang pagluluto.

Habang nagluuto ay iniisip pa ng dalaga ang kanyang bagong istorya na isa-submit sa masungit niyang editor.

Naririnig na lang niyang may kumakatok sa pintuan at pinahinaan niya ang apoy ng kalan. Sino naman kaya ang bisita niya? Kung si Von kase ang dumating , agad lang itong pumapasok dahil may sarili itong keys sa unit nila.

"Andyan na!" sabi niya saka binuksan ang pintuan.

"Hi. I just brought you something. Naisipan ko lang kase."
Nakangiting bungad pa ng dalaga na may dalang dalawang platong tinatakpan.

Napamaang siya nang saglit at napakurap-kurap sa magandang babaeng nakangiti sa kaniya. Saka napataas ng kilay si Dennise.

"A-ano yan?" naitanong niya rin na may pagtataka sa mukha.

"Chopsuey at saka beef steak lang naman. Ako ang nagluto. Naisipan ko lang na..."

"S-salamat. Pero di ka na sana nag-abala pa. nagluluto kase ako ng pananghalian ko." Sabi niyang umiiling.

"It's OK. Kahit mamaya mo na lang ito kakainin kung gusto mo." Kumibit na sabi ng babae.

Walang nagawa ang dalaga kundi tanggapin ang binibigay nito sa kanya. Grasya pa naman. Mahirap ng karmahin.

"Salamat nito. Sige ," aniya.

"Ibabalik ko na lang sayo ang mga plato pag nahugasan ko na." saka isinara na niya ang pinto.

Napakagat si Aly sa kanyang labi at napangisi sa sarili. Nailing siya nang saglit at muling bumalik sa kanyang unit.

Pambihira, naisip niya. Di man lang siya pinatuloy nito? Gusto pa naman niya sanang Makita ang hitsura ng loob ng unit ng dalaga. At baka makita niya rin ang pamangking inaalagaan nito.

Pero natutuwa siya kapag iba-iba ang ekspresyong gumuguhit sa magandang mukha ni Dennise. Di lang alam ng dalaga kung gaano siya naa-attract dito.

Di niya lang alam kung bakit palaging may urge siyang halikan ang mapupulang labi nito habang nakamaang ito o kaya'y nakamasid.

Bigla niyang naitanong sa sarili kung may boyfriend ito. Kung meron man, hindi niya yata nakikitang dumadalaw. O baka naman man-hater ang dalaga dahil kahit sa kapatid ay napaka-istrikta nito.

Siguro wala nga itong boyfriend, konklusyon pa ng dalaga at natutuwa siya sa isiping iyon.

Napamaang si Dennise na dala-dala ang mga plato at inilapag ang mga ito sa mesa sa munting kusina ng unit niya.

Napaisip-isip siya nang saglit bago niya naalala ang sariling niluluto. Pinatay niya ang kalan at saka inilipat nya sa sariling plato ang laman ng ibingay sa kanya ng kanyang kapitbahay.

Di niya lubos maisip kung baket nag-abala pa ang babaeng bigyan siya ng pagkain. Alam kaya nitong naghihirap siya?

Di siya natutuwa sa isiping iyon. Ayaw niya ring magkaroon pa ng utang na loob sa babaeng di naman niya kilala.

Mabilis niyang hinugasan ang mga plato at bowls upang maisauli na niya kaagad ang mga ito sa may-ari na bagong lipat lang. tinignan niya muna si Louise bago lumbas. Buti na lang at muling nakatulog ang bata.

My Sexy Neighbor [ALYDEN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon