Chapter 7

4.8K 100 3
                                    

Hello guys!
Heres another update!

Hope you enjoy it!

P.S: Short story lang po ito.. sabi ko nga po Don't expect too much because it will kill you! haha joke lang po! :)

*********

Hindi ako sasama kung gusto mong lumabas. Babantayan ko pa si Louise dito,” aniyang di nakatiingin kay Aly.

Pupunta na dito ang nurse niya. Kinausap ko na siya. At alam mong ipinagpaalam ko na siya sa Head Nurse nila ang duty niya.

Pakialam ko ba sa yo? Di mo ba naiintindihan ang nararamdaman ko ngayon?” sumbat pa niya kay Aly.

Napalunok si Aly at talunan itong napababa ng tingin. Saka ibinaling na ang tingin sa papasok na nurse.

Nabubuwisit na siya talaga. Kung di lang dahil kay Laura! Umalis si Aly nang walang paalam.

Masama namang tinignan ni Dennise ang pintuang kinalabasan nito. Saka hinayaan na niya ang nurse na painumin ng gamot ang bata.

Kelan ba kami makakalabas dito?” naitanong niya sa nurse.

Itatanong ko nalang po kay Dr. Zamora, ma’am.

Pagkalabas ng nurse ay bumukas na naman ang pinto. Akalain pa niyang si Aly ang bumalik para mangulit pero si Rachel ang pumasok at may kasamang lalake.

Hi. Nabalitaan ko kay Aly ang nangyari. Siyanga pala, si Jerome. Ang asawa ko. Jerome, siya yung ikinukwento ko sayo. Si Dennise.

Nag-shake hands silang dalawa at nagkangitian.

Hi.” Anang Jerome sa kanya.

Napangiti lang siya ng matipid sa lalake.

Kumusta na ba si Louise?” tanong ni Rachel habang lumalapit sa batang tulog na ngayon, upang matignan ito ng maige.

OK na siya. Pangatlong araw na namin dito. Nakakahiya na nga sa family doctor nyo, eh. Kase parang VIP pa kamiing ituring dito.” Napatawang kwento ni Dennise.

Ah, wag mong alalahanin yan. Siyanga pala, baka pupunta dito si Tita Pablita. Nabalitaan niya rin kasi at nag-alala siya.

H-ha?” bigla siyang kinakabahan nang marinig ang pangalan ng ina ni Aly.

Oo. Kase naikwento ko sa kaniya ang lahat tungkol kay Louise. At alam mo bang sabik siya sa apo? Well, sabi niya. Sana di na magtatagal ay magkakaroon na siya ng sariling apo.

Sariling apo?

Oo. Kase nang maikwento ko sa kanyang… magha-honeymoon kami ni Jerome , alam na niyang di magtatagal ay magkakaanak na kami ni Jerome. Kaya naiinggit siyang magkakaapo man siya ay sa pamangkin naman niya, at di sa sariling anak. Kay Aly. ” natutuwang kwento naman ni Rachel na nakatingin sa asawa.

Hindi naman siguro malayong mangyari yon. Ikakasal na siya kay Laura, di ba?

Ano? Di ko alam ‘to, ah.” Anang Jerome sa asawa.

No. Hindi totoo yan. Di siya ikakasal kay Laura.” Deny naman ni Rachel kapwa sa asawa at kay Dennise. “At bakit mo nasabi yun, Dennise? Sinabi ba sayo ni Aly na pakakasalan na niya si Laura?”

Hinidi nakasagot si Dennise na napaiwas na lang ng tingin.

Dahil sa pagkakaalam ko, iba ang gusto ni Aly. At di si Laura yon. Mind you. Hinding-hindi niya magugustuhan ang babaeng yon.” Ang dagdag pa ni Rachel.

My Sexy Neighbor [ALYDEN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon