Chapter 5

5.3K 103 1
                                    

Here's another update! Sorry kung matagal pong di nakapag udapate!
Busy po kasi sa studies! Hehe
At dahil walang pasok at nakakasenti ang ulan!
Enjoy readers! Kung may nagbabasa man! Haha
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Hindi makatulog si Dennise sa gabing iyon. Di dahil sa laging umiiyak ang kanyang pamangkin kundi binabagabag siya ng kanyang isipan sa halik na iyon ni Aly.

Itinulak niya si Aly at pinagsabihang umuwi na bago niya ibinalibag ang pinto sa mukha nito. At pagkalipas ng ilang saglit ay narinig na niyang pumasok ito sa kabilang unit.

Napabuntong-hininga siya. Bakit ba di niya talaga makalimutan ang halik at yapos ni Aly sa kanya? Bakit ba siya naaapektuhan ng ganito?

Ah, siguro ay dahil ito ang first kiss niya!

Pinapaypayan niya ang sarili sa pamamagitan ng kanyang palad. Bigla siyang naiinitan. Napabuntong-hininga siyang muli. Gusto niyang sumigaw - ng ano, di nya alam. Di niya maiintindihan ang kanyang nararamdaman ngayon.

At saka pagkalipas ng ilang oras na di makatulog ay narinig na lang niya na umiiyak ang bata. Pinatahan niya ito hanggangmadaling-araw. Kaya di na talaga siya masyadong nakatulog. Para pa siyang nahihilo pagbangon niya alas-siyete para makapaghanda ng sariling pagkain.

Nabitiwan pa niya ang frying pan nang isalang niya sana ito sa kalan. Nalililo ang kanyang pakiramdam at umiiyak ang bata dahil sa ingay na iyon. Nabigla na lang siya nang may sumikad sa kanyang pintuan at nagmamadaling pumasok si Aly doon.

Nakita sa nitong halos nakahandusay sa sahig sa half-conscious lang at tinatawag ang pangalan ni Louise.

"Dennise! Anong nangyari?" tanogn pa ni Aly na untidy pa dahil sa di ito nakapagbihis ng suot nito kagabi.
Alalang-alala ito sa kanya.

"Umiiyak si Louise..." bulong pa niyang nanghihina.

Kinarga siya ni Aly patungo sa kwarto. Saka pinahiga siya nito sa kanyang kama at pinatahan ni Aly ang bata sa pamamagitan ng tinimplang gatas.

Ilang saglit pa'y nakabalik na ito sa pagtulog. Ginawan pa ni Aly na macaroni soup si Dennise.

"Sa tingin ko, kelangan mo ng katulong dito," saad pa ni Aly habang kumakain siya.

"Katulong kamo?" gustong sumigaw ng dalaga rito. "Ikaw ba ang nahihilo rito o ako?" aniya.

Sumimangot naman si Aly.

"Ilang buwan mo ng inaalagaan ang bata? May trabaho ka pang ginagawa sa bahay. Tapos nagsusulat ka pa. I think it's just all too much for you. You're stressed. I think anyone could see that."

"Ano? Nagagawa ng iba ang ginagawa ko. Walang deprensya."
Madaling sabi niyang di tinitignan si Aly. Feeling awkward pa naman siya pagkatapos sa nangyari kagabi. Di niya malimut-limutan ang pangyayaring iyon kahit kelan.

"Obviously with you, meron. Ikaw ang deprensya." Matigas na sabi ni Aly kaya napasulyap siya dito.
"Salamat sa tulong mo. Di ko kailangan ito."

"Huh, is it pride or... is it about last night, Dennise?" napangisi nang mapakla si Aly na nakatitig pa rin sa kanya.

Di nakasagot kaagad ang dalagang umiwas sa pagtingin ditto. Feeling niyang nagba-blush siya sa sinabing iyon ni Aly.

"Pakiayos na lang ang pintuang sinira mo kanina. At salamat ulit sa lahat." Mahinang aniya.
"I'll make sure of that. Don't worry. But you can't order me to get away. At least kung sigurado na akong maayos na ang lahat ditto." Pagkasabi'y tumayo nasi Aly bago pa man may maisagot si Dennise rito.

My Sexy Neighbor [ALYDEN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon