Chapter 8

4.1K 93 0
                                        


Kinabukasan ay maaga siyang nagising upang tignan si Louise sa kwarto nito. Halos di siya makapaniwalang kahapon pa lang sila nakalabas ng ospital. Tila walang dinaramdam ang bata ngayon dahil panay ang ngiti nito sa kanya.




Kinakausap niya ito nang dumating si Pablita kasama ang asawa nito.



Nagkakilala na sila ng ama ni Aly kagabi pa lang. halos di ito makapaniwalang siya ang gusting pakasalan ng anak nito, sa halip na si Laura. Kung may disgust man ito sa kanya ay di naman ito nagpakita ng ganoong reaksyon. Kundi ang masurpresa lang na siya ang "Ipaglalaban" upang pakasalan ng anak nito.


"Magandang umaga po sa inyo," bati niya pa sa dalawa.

"Gustong makita ni Ruel ang pamangkin mo, Dennise," nakangiting anang Pablita sa kanya.

"Ah, sige po. OK lang po. Gising naman na po siya." Mahinang tugon niya.

Di niya akalaing kakargahin pa ng asawa nito ang kanyang pamangkin. Pero wala siyang magawa.

At sa halip ay di niya maipaliwanag ang kanyang naraaramdamang kaligayahan na tila tanggap nito si Louise. At dahil doon ay pilit niyang iwaksi sa isipan ang mga magagandang bagay paukol ditto.

"Kung may gusto ka pang gagawin, kami na muna ang bahala ditto sa bata," ang saad ni Ruel sa kanya.

"Sige, Dennise. At kung may kelangan ang bata, tatawagin na lang namin ang yaya niya, ha?" nakangiting anang Pablita sa kanya.

Ang ibig sabihin ng mga ito ay gusto ng mga itong makasama nang sarilinan ang pamangkin niya. Kaya umalis na lang siya at nagpunta sa may hardin.

Natutuwa naman siya sa sa magagandang bulaklak doon. Iba't ibang klaseng rosas ang naroroon at pati mga orchids. At saka noon pa niya napansin ang swimming pool. Bigla siyang nakaramdam ng pagnanasang maligo doon.

Napalunok na lamang siya nang makitang umahon mula sa tubig si Aly nang naka-sports bra. Naaalala niya tuloy ang lakad nito kagabi. Ang pakipagkita nito kay Laura. Ano kayang resulta noon?

"Good morning, sexy!" bati pa ni Aly sa kanyang tuwang-tuwa nang makita siya sa may di kalayuan ng hardin.

Tumango lang siya nang bahagya at akmang tatalikod na nang tawagin nito ang pangalan niya. Saka lumapit ito sa kanya na may dalang tuwalya at nagpupunas ng katawan habang nakaharap sa kanya. Lalong napalunok ang dalaga sa taglay nitong kasexyhan. Tila nahihigitan pa yata nito si Maganda ngayon.

Naalala pa niya ang huli nilang pag-uusap. Tila wala na sa isipan nito ang bagay na iyon. Darating kaya ang araw na miintindihan niya talaga ang babaeng ito?

"Kumusta ang tulog natin, ha?" tanong nito sa kanya na titig na titig sa mukha niya.

"Mabuti." Matipid niyang sagot, at iniwas ang mga mata mula ditto. Ayaw niyang malaman nitong di siya masyadong nakatulog dahil sa lubos na pag-iisip niya sa sitwasyon nila ni Aly.

"Maaga lang akong nakauwi kagabi, kung gusto mong malaman. And to tell you about what Laura and I were talking about..." nagsimulang magpaliwanag ni Aly ngunit bigla siyng nag-cut in dahil ayaw niyang marinig ang tungkol doon at baka masaktan lang siya.

"Huwag ka ng mag-abalang sabihin pa sa akin. Naisip kong personal yun para sa yo. Kaya..."

"Yes, it was personal." Tumango si Aly na nakatingin sa dalagang di nakaingin sa kanya. "But I want you to know..."

"Gusto ko ng umuwi sa apartment. H-hindi ako mapalagay ditto sa inyo. Hindi tayo magkaanu-ano. Ipagpaalam ko na mamaya sa mama mo na aalis na kami ni Louise." Pagkasabi ay noon pa niya tinignan sa mukha si Aly.

Napalunok si Aly. Di niya alam ang sasabihin at gagawin sa pasyang iyon ni Dennise.

"Bakit ba? Bakit ba ayaw mo sa bahay namin?" biglang nagalit na anang Aly.

"Dahil kung tutuusin, wala kang obligasyon sa amin ni Louise. At kung tutuusin, dapat ka ng ikasal kay Laura. Di mob a naiintindihan. Mananatili ang kalagayan natin ngayon?" sumbat pa ni Dennise rito.

"No, hindi mo naintindihan. Mananatili ka ditto sa ayaw at gusto mo." tiim-bagang na anang Aly at hinawakan sa braso nang mahigpit si Dennise upang ipakita ditto ang punto niya. "Pipilitin akong muli ni Papa na magpakasal sa babaeng di ko mahal kapag aalis ka rito. Naiintindihan mo ba?"

"Ibig mong sabihin... ginagamit mo pa rin kami ni Louise hanggang ngayon? Akala ko ba... nagkasundo na kayo ni Laura kagabi tungkol sa kasal ninyo?"

"Yan sana ang sasabihin ko sayo kung nakikinig ka pa!"

Napalunok naman siya at napababa ng tingin. Sadyang nalilito siya sa mga pangyayari.

Bakit siya pa ang ginagamit nito gayong pwede naman itong kumuha ng kahit sinong babaeng gusto nito para siyang tumayong fiancée nito? Mayaman ang mga Valdez, kaya pwede siyang maka-afford para lang sa gawaing ito.

"Hindi ko pa rin maintindihan." Nausal niya tuloy.

Bigla siya nitong niyapos at hinalikan sa labi. Napakalakas ni Aly kaya di siya makaiwas mula ditto. Hanggang sa tila nanlalambot ang kanyang mga tuhod at naaanod sa sensasyong dulot ng mga labi ni Aly.

Dahil sa kalapitan ng kanilang katawan ay mas lalong nagpatindi ang sensayong kanyang nadarama. Napatirik ang mga mata niya at lalo nang sinimulan siya nitong hipuan sa kung saan-saan.

"A-Aly..."

At noon ay humahangos siyang binitawan ni Aly.

"Just making my point. Hope you can see now."

****

Bitin! :)

Hanggang jan po muna! hehe

pasasabikin ko muna kayo! haha

Hope you enjoy the chapter!


Vote | Comment | Share


My Sexy Neighbor [ALYDEN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon