“Okay classmates, gaya ng dati, bawal magsulat sa desk or armchairs dahil madaming year level ang gagamit ng room natin.”
Sabi ng President ng klase naming last school year. Pilot section kami kaya ayan, responsable dapat. Taon-taon naman yun! Hinigpitan na lang ngayon kasi nga madami na populasyon ng school kaya dapat magpalit-palit ng room. Parang college eh.
At dahil 4th year na kami, dapat mas disiplinado kami.
Ngayon, 1st day namin sa pagiging 4th year. Tutal, kami-kami lang din naman ang magkaklase simula 1st year, nagbotohan na kami ng bagong set ng class officers. Kahit alang adviser. Haha sa dami ng populasyon, di kami naasikaso agad.
Gaya ng dati, escort ako na naman. -_-
Di na sila nagsawa sa mukha ko.
“Huy Frank! Dun ka daw sa kabilang upuan. Dyan ako.”
Tumayo ako at lumipat ako sa kabilang upuan. Katabi ko tuloy ang bintana. >_< ayaw ko sa pwesto ko kasi lagi akong nagdedaydream pag nandito ako. Hayy! >.<
Maya-maya lang, dumating na yung adviser namin para ibigay ang mga designated room na lilipatan namin. 3rd year daw ang lagi naming kapalitan ng room. Binigay ang schedules.
Orientation ngayon, wala pa namang klase. Napakaboring!
“Dre, me transferee daw?” sabi ng kabarkada kong si Michael.
“Chix?” tanong ko.
“Oo yata? Di ko sigurado.”
“Pag babae, de mainam! Haha”
“Wala ka namang shinoshota eh! Nilalandi mo lang!”
Natawa lang ako. Haha oo, hindi ako nanliligaw. Pag me gusto akong babae, sasabihin ko lang, kakaibiganin ko. Pag ramdam kong gusto na nyang maging kami, iniiwasan ko na. Masama ba ako? Haha ganun lang din naman gusto ng babae eh! Karamihan. Hehe :P
[Recess time]
Gaya ng dati, nakatambay kami ng tropa ko sa may canteen. Sa mga tables para kita namin yung mga chix na bumibili. :P tsaka ngayon kase, hinahanap namin yung transferee.
At dahil gutom na ako, bibili muna ako. Hehe ^^
“Oy, jan lang kayo. Bibili ako.”
“Ge.” sagot nila.
Lumapit ako sa counter at kumuha ng isang Piattos na green. Lumapit ako sa ref at sakto! *sparkling eyes* Nag-iisa na lang yung Moo! :P
May babaeng naunang nagbukas ng ref at tumabi ako sa kanya para kunin yung Moo pero pareho pala kami ng kailangan. Bale, nakahawak kaming pareho sa Moo.
“Hoy miss! Akin tong Moo!” sabay agaw ko pero hindi pa din sya bumibitaw sa Moo.
“Akin to hoy! Nakita mong ako nagbukas ng ref!” agaw din nya pero di ko binibitawan!
“Ako ang may hawak!” agaw ko uli. Ala akong pake kahit cute sya. Tsk.
Natawa sya, “Kamay ko ang nasa ilalim, kaya ibig sabihin akin to!” sabay hila nya.
Napatingin ako sa Moo at oo nga, kamay nya ang nasa ilalim. Pahiya ako. -.-“
“Hoy kuya, bitawan mo na. Nawawala yung lamig eh. Namamawis pa kamay mo. Kadiri.”
Pero hindi ko binitawan, “Mag-Chuckie ka na lang! Akin na tong Moo!”
“Ayoko nga! Bitaw na!”, yamot na sya. Haha
“Ayo—
“Dude, bigay mo na sa kanya. Be gentleman kay ateng cute.” singit ni Gio. Isa sa tropa ko.
“K.” sabay bitaw sa Moo.
Inirapan kami nung babae sabay talikod para bayaran yung binili nya.
Natawa si Gio. Kumuha kami ng ibang inumin at binayaran namin. Masama loob ko. >_< paborito ko kasi ang Moo.
Tinapik ako ni Gio, “Wag ka na mabadtrip tol! Moo lang yun!”
Di ako kumibo at naupo na ulit sa table na tinatambayan namin.
“Tol, kumusta ang pakikipagmeet sa transferee? Chix diba?”, sabi ni Harold.
Napatingin ako bigla sa kanila.
“HAHAHAHAHAHAHA” tawanan nilang lahat. >,< aminado akong cute yung kanina. Di ko naman alam na sya yung transferee. Tss.
Inubos ko kagad yung pagkain ko tas umalis. Badtrip eh. -_-
“HAHAHAHAHAHAHA napikon na naman!” narinig ko pang sabi nila.
Alam na nila kung san ako pupunta. Syempre sa likod ng school. Mahangin dito. Gusto ko dito tahimik.
Pagdating ko sa likod ng school, naupo ako sa ilalim nung punong di ko alam ang pangalan. Haha kinabit ko ang headphone ko at sakin na ang mundo. Wala namang nagpupunta dito kaya okay lang. Pumikit ako. Susunduin na lang ako ng tropa ko dito o kaya iuuwi ang bag ko. Haha
Maya-maya may narinig akong kaluskos, dumilat ako. Si transferee girl.
BINABASA MO ANG
LOVE VANDALiSM
Teen FictionMinsan yung pagiging pasaway sa mga simpleng alituntunin, yun yung nagdudulot satin ng saya. Tapos biglang lungkot dahil sa pagsisisi na dapat di ka na lang naging pasaway, pero in the end, may aral pa din. Pero dahil nga likas tayong pasaway, lubus...