CHAPTER 11

32 2 0
                                    

        *blag!*

        Napatingin kaming lahat sa may pintuan. Sina Gio at Harold. [A/N: Picture of Gio on the side -->>]

        Napatayo ako. "Hoy mga kupal! Uwian na ba?" tiningnan nila ako. Tumango si Harold tapos nanlaki bigla yung mata ni Gio. "Si Lea ka ba?", tanong nya kay Lou.

        "Hindi. Si Lou ako.", sagot ni Lou pagkatapos ay tumayo na din.

        "Aahh.. buti naman. Akala ko si Lea ka. (^_^) teka? Anong ginagawa mo dito kasama si Frank?"

        "Ewan ko. Pinapunta kami dito ng principal eh."

        Nagpalipat-lipat ng tingin si Harold sa akin tyaka kay Lou.

        "Hoy Harold, anong iniisip mo ha? (O.o)"

        "Ha? Haha wala! Alam ko na kung bakit kayo napunta dito. (^_^).v" at nagpeace sign pa talaga? Grabe, greenminded ang putik. -__-

        "T-teka, kayo na ba?", tanong ulit ni Gio.

        "Hindi!" -- "Oo!"

        Nagkatinginan kami paano sabay kaming sumagot.

        "Ano ba talaga?" tanong ni Gio.

        "We're partners. :)" sagot ng makulit na Lou.

        "Ano ba? Ilang beses kong sasabihin sayo na ayoko?", sabi ko.

        Namaywang sya at tinaasan ako ng kilay. "At ilang beses ko ding sasabihin sayo na ikaw ang nagsabi sa tatlong yun *sabay turo sa tatlong nanggugulo kanina* na ako ang girlfriend mo at tinawag mo akong babe!"

        "Yun naman pala pare. Sinundo ka pa namin ni Gio. Ge, uwian na oy. Iuwi mo na yan ha? Una na kami. Ere bag mo!" sabay hagis sakin ng bag ko tapos lumabas na sila.

        "H-hoy! Wag nyo kong iwan dito sa bwisit na to!", inirapan ko si Lou at lumabas na din ako. Pahamak talaga tong babaeng to. -_-

        Hinabol ko yung dalawang kumag na nagtatawanan. "Hoy!" tawag ko sa kanila.

        "Bakit di mo pa hinila dito si Lou?", tanong ni Harold.

        "Bakit pa?" tanong ko habang naglalakad na din kasabay nila.

        "Huu, kunyari ka pa. Alam na namin kung bakit kayo napunta sa detention no!" sabi ni Harold.

        "Hoy ulol, alam ko yang iniisip mo pero hindi ganun no!" sabi ko.

        "Eh bakit naman kayo ipapadetention kung hindi ganon?" sabi naman ni Gio.

        "Sabing hindi ganoon! (=_=) bahala nga kayo dyan!" tsaka ko binilisan lakad ko. Rinig na rinig ko pang tumatawa yung dalawa. Kainis!

        Talagang pinanindigan ng babaeng yun yung pagiging kami. Di man lang nya naisip na kung di ko ginawa yun baka narape na sya nung tatlong butiki kanina. -_- ganun ba sya kadesperada? -_-

        Dumeretso na ako ng uwi. Wala si mommy. Si ate lang.

        "Hello brother bear! May pancake sa ref."

        "Si mommy?" tanong ko habang kinukuha yung pancake sa ref.

        "Nagbingo kasama ng kanyang mga amigas. Bakit?"

        "Wala.", umakyat na ako papunta sa kwarto ko. Bago ako pumasok ng pinto, "ATE! NADETENTION AKO KANINA!" sabay sara ng pinto. Narinig ko pang nag-"ANO?!" si ate. Haha tinikman ko yung pancake. Argh! Tumigas na. -_- kanina pa to siguro sa ref. Sumilip ulit ako sa pinto, "TSAKA ATE! MATIGAS NA YUNG PANCAKE! DI NA MASARAP!" tapos sinara ko na ulit yung pinto.

LOVE VANDALiSMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon