“Mommy, dadalin ko yung motor ko ha?”
“Sige, maghelmet ka ha?”
“Alis na ako!”
“Okay ‘nak! Ingat ka!”
Pinaandar ko na yung motor at nagpunta ng school. Masipag naman akong pumasok, ayaw ko ngang umaabsent eh. Wala lang talaga akong sipag mag-aral. Haha
After 5 minutes..
“Ang aga mo naman yata ngayon?” tanong ko kay Gio pagkatanggal ko ng helmet ko. Kakapark lang nya din siguro, hawak pa nya ing helmet nya habang nag-aayos ng buhok eh.
“Haha may didiskartehan ako eh.”
“Sino na naman yang biktima mo?”
“Tol, seryoso ko ngayon.”
“Sinabi mo din yan dati eh!”
“Hoy! Hindi ah! Ngayon lang pre. Love at first sight!”
“Ulol!” tsaka ko sya binatukan.
Tumawa lang sya at nagpunta sa gate. Tinanaw ko kung padating na ba yung didiskartehan nya. Kaso mukang hindi pa. Tumitingin pa si Gio sa relo nya eh. Kaya nagdere-deretso na ako ng lakad sa room.
Bago ko pumasok sa room, may nakita ko sa dulo ng hallway, dun kase room namin after recess. Nakaupo habang nagbabasa. Tinatanaw ko kung sino kaso nakaside view kase eh.
“Sipag naman nun. 2nd day pa lang nagbabasa na.” tapos biglang lumingon yung babae. (O_O) kaya bigla akong pumasok sa room namin. “Nakakahiya yon.”
“Hoy Frank!”
“Oh?”
“Bat ang aga mong nagbububulong dyan?”
“Kumakanta ako!”
“Huuuu! Nababaliw ka lang!”
“Tantanan mo nga ako Thricia.”
“Panget mo! Hmp! Sungit!”
“Thanks.” sarcastic kong sagot tsaka ako naupo sa upuan ko. Pagtingin ko may vandal sa armchair ko.
They say that love is forever
Your forever is all that I need.
Uyy.. haha parang makakasundo ko yung umuupo sa upuan ko ah? Nagsulat din ako.
If I’m James Dean, You’d Be Audrey Hepburn :)
Maya-maya nagdatingan na mga kaklase ko at nagstart na yung class.
“Pre, dalawa pala yung transferee hano?” sabi ni Michael.
“Ikaw basta chismis nababalitaan agad!” sabat ni Harold.
“Ikaw din naman ah?” sabat ni Marvin.
“Nagsalita ang hindi!” sabay na sabi ni Michael at Harold.
“BOYS!” sigaw ng teacher namin.
“Sorry po.” sabay-sabay na sabi ng tatlo.
“First warning.” irap pa ng teacher namin.
BINABASA MO ANG
LOVE VANDALiSM
Teen FictionMinsan yung pagiging pasaway sa mga simpleng alituntunin, yun yung nagdudulot satin ng saya. Tapos biglang lungkot dahil sa pagsisisi na dapat di ka na lang naging pasaway, pero in the end, may aral pa din. Pero dahil nga likas tayong pasaway, lubus...