“Hello!” sabay hagis ng Moo. Sinalo ko syempre, Moo eh. xP
“Anong ginagawa mo dito Boy Moo?”
“Paki mo?”
“Masungit ka pala!” naupo sya sa harapan ko at kumain ng Piattos.
Di ko sya pinansin. Pumikit uli ako. Kaso dumilat ulit ako at nakita ko syang tinititigan ako.
“Bakit ba?” tanong ko.
“Wala. Bat ang sungit mo?”
“Wala kang pake.”
“Anong pangalan mo?”
Di ako sumagot.
“Hoy, anong pangalan mo?”
Di pa din ako sumasagot.
“Ang sungit. Para pangalan lang eh.”
Kinuha ko yung iPod ko at nilakasan para di ko sya marinig.
Nakita kong umalis sya kaya hininaan ko na ulit. Tinitingnan ko sya habang naglalakad. Cute nga sya. Kakaibang mata. Di ko mawari kung singkit o bilugan. Singkit na bilugan? Bilugan na singkit? Basta. Pink lips na walang kahit anong lipstick. Wala nga syang make up eh! Matataba ang pisngi. Bagay naman sa kanya yung pagkakataba ng katawan nya. Wavy hair dahil sa gupit nya. Maputi. Tantya ko nasa 5’2 o 5’3 ang height nya. Makulit. Madaldal.
Haayyy.. ideal girl to nila Gio at Harold. Si Michael? Stick to his only girl yun. Si Aya. Di naman yata mapaghihiwalay yung dalawang yun kahit na magkaiba kami ng section. Section 2 kase si Aya.
Ako, walang seryosong relasyon. Meron akong naging karelasyon kaso parang lokohan lang kaya di ko kinokonsiderang girlfriend ko nga sila. May niligawan ako dati kaso ayaw nya. Ayaw daw nya na yung magbarkada eh nagiging magsyota. Meron din akong dapat liligawan, kaso nililigawan naman ni Marvin yun. Tsaka bestfriend ko yung nililigawan nya. Tss. Simula nun, ayokong napapalapit ng masyado sa mga babae. Mapalapit man, yung ayos lang.
[cellphone rings] Gio calling..
“Oh?” sagot ko.
“Pre, balik ka na dito. Maglilipat na ng room. Tapos na recess.” Sagot ni Gio.
“Ge.” Tapos bumalik na ako sa room at lumipat na kami sa room na nakaassign para samin.
Syempre tabi ulit ako ng bintana. “Anong subject ba tayo ngayon?” tanong ko kay Michael.
“English.”
“Boring.”
“Sinabi mo pa.”
Kinuha ko yung ballpen ko sa bag at nagsulat ako sa papel. Ganto ako pagka nasa loob ng classroom at nabobored. Si Michael kase natutulog. -_-
Nagsusulat lang ako ng kung ano-ano. Drawing. Doodle. Lyrics.
Eh naubos na yung papel kong sinusulatan, kaya kahit ayaw ko man, sinulatan ko na yung bagong pintura na upuan.
Nobody’s gonna feel your pain,
When all is done
And it’s time for you to walk away.
Lyrics ng kanta. Haha wala akong magawa eh. Sana magtime na. -_-“
After ng English subject namin, naglipat ulit ng room para sa Filipino subject namin. Napakaboring. -_- kwento lang ng kwento yung teacher namin sa mga experience nya sa pagiging teacher.
“Ikaw lalaking nakadungaw sa bintana.”
“Huy Frank!” sabay siko ni Michael.
Paglingon ko, lahat nakalingon sa akin. Tumayo ako. “Bakit po sir?”
“Bakit ka nakadungaw sa bintana? Ayaw mong makinig sa akin.”
“Wala lang po.” Tapos naupo na ulit ako.
“HAHAHAHAHAHAHAHAHA” tawanan ang buong klase.
“Bakit ba?” bulong ko kay Michael.
“Hahaha kasi kanina ka pa nya sinasama sa mga kwento nya tas di ka nakikinig.”
“Sus.”
[Krrriiiiiiiinnnnngggg!]
“Yon! Uwian na din! Una na ako mga pre!” sabay tayo ni Harold.
“Sabay na ko pre.” sabi ni Marvin. “Ikaw ba Gio?”
“Ge, una na kayo.”
“Sige.” tas nauna ng lumabas ng room yung dalawa.
“Tol, samahan nyo nga ako sa 3rd floor. Dun yung room nina Aya ngayon eh.” yaya ni Michael sa amin.
“Una na ako. Kay Gio ka na lang pasama.” sabi ko.
“Gara oh.”
“Kay Gio na.” tapos lumabas na ako ng room.
Habang naglalakad na ako palabas ng gate, nakita ko si Transferee girl sa gilid ng stage. Nagbabasa habang may nakapasak na earphones sa tenga.
“Ambait naman nya ata ngayon?”
Nagdere-deretso na ako sa gate tapos sumakay na sa jeep pauwi. Pagsakay ko nakita ko pa sina Harold at Marvin, may kasamang babae. “Kaya pala nagmadali yung dalawa. --___--”
***
“Kumusta ang school ‘nak?”
“Okay lang.”
“May meryenda dun sa lamesa. Meryenda ka muna.”
“Anong meryenda?”
“Banana cue. Tapos yung coke nandun sa ref.”
“Badtrip kanina mommy.”
“Bakit?”
“Me nang-agaw ng Moo sakin kanina.”
“Hahaha sus naman Frank. Para Moo eh.”
“Isa ka pa eh.. -_-“
“Gusto mo papabaunan kita ng Moo araw-araw?”
“Sige! Mga isang galon!”
After ko magmeryenda, umakyat na ako sa kwarto ko. Nag-open ng fb at youtube. Ganto lang gawain ko palagi. Boring ba? Haha minsan naman tumatambay ako kase may mga tropa din ako sa subdivision namin. Si Marvin at Michael kasubdivision ko, meron pang iba. Tsaka ko na lang ikekwento pag may sasabihin na sila dito sa istorya. :D
BINABASA MO ANG
LOVE VANDALiSM
Teen FictionMinsan yung pagiging pasaway sa mga simpleng alituntunin, yun yung nagdudulot satin ng saya. Tapos biglang lungkot dahil sa pagsisisi na dapat di ka na lang naging pasaway, pero in the end, may aral pa din. Pero dahil nga likas tayong pasaway, lubus...