"S-sorry Frank."
Di ako kumikibo. Nasa likuran ko sya.
"Frank, wag ka nang magalit."
Wag mo syang pansinin Frank. Binuksan ko yung pinto sa detention room, ayun, may ilang tao. Puro lalaki. Si Lou lang ang babae. Tae, sana naman wag syang pagtripan.
Naupo ako sa dulong upuan sa likod. Andilim dito, matutulog na lang ako sa limang oras na ipapamalagi namin dito. Kinuha ko yung iPod ko at nagsounds. Chineck ko kung may nagtext sakin.
FROM: AUDREY H. <3
"Ayan tuloy, ikaw kasi. Sa susunod makikinig ka na ha?"
"Di ka na nagreply. Vacant nyo na diba?"
"Kain po. :)"
Tae, ang sweet pala neto. Baka hindi ito ang mafall sakin kundi ako. -_- nagtype agad ako.
TO: AUDREY H. <3
"Opo next time makikinig na ako. :)"
"May nangyari kasi kaya di ako nakapagreply eh. :/"
Chineck ko pa yung ibang text. Mga gm lang yung iba.
FROM: MARVIN
"San ka na daw?"
TO: MARVIN
"Detention. -_-"
*bzzt-bzzt*
FROM: MARVIN
"Anong ginagawa mo dyan? Gio to"
TO: MARVIN
"Mahabang kwento.. Maya na lang sa uwian."
"ANO BA?!"
Napatingin ako sa harap. Si Lou pinapalibutan nung mga lalaki. -_- kainis naman oh!
"Ibigay mo na kasi number mo. Number lang naman." sabi nung lalaking nakataas lahat ng buhok tsaka may hikaw na malaki.
Di kumibo si Lou. Nakatingin sya sa ibang direksyon.
"Dali na miss, ano nga kase ulit yung pangalan mo?" sabay poke sa balikat nya nung isa pang lalaki na angat din yung buhok tas nakabaston na pants.
Iniwas ni Loi yung balikat nya.
"Pakipot pa to oh! Ano nga kasi?" sabi nung isa pang lalaki na may hikaw naman sa may baba tyaka ilong.
Maya-maya hinablot nung unang lalaki yung ID ni Lou. "HOY ANO BA?!" hila naman pabalik ni Lou.
"Teka, L-looouuu A-ang--"
"ANO BA?! BITIWAN MO NGA!", agaw ulit ni Lou.
"Pare, pwede pakibitiwan na?", sabi ko.
[A/N: Picture of Frank on the side --->>]
BInitiwan naman. Maangas pang humarap sakin. "Eh sino ka ba?"
Di ko sya pinansin. Nilapitan ko si Lou tsaka ko hinablot yung kamay nya. "Ikaw naman, nag-away lang tayo sandali nag-e-entertain ka na ng ibang lalaki." Tyaka ko sya hinila palapit sakin at niyakap ko. "Pare, suplada talaga to sa iba. Pogi ko ba namang to eh." tyaka ko sya tinalikuran.
BINABASA MO ANG
LOVE VANDALiSM
Teen FictionMinsan yung pagiging pasaway sa mga simpleng alituntunin, yun yung nagdudulot satin ng saya. Tapos biglang lungkot dahil sa pagsisisi na dapat di ka na lang naging pasaway, pero in the end, may aral pa din. Pero dahil nga likas tayong pasaway, lubus...