CHAPTER 5

26 2 0
                                    

        Pinindot ko muna yung profile nya para maview.

        Kaso nakaprivate ang info and friends. Pati photos?

        “Ang lihim namang tao nito. Eh ang ingay ingay nya.”

        Pinindot ko yung NOT NOW. Di ko pa sya type maging friend. Di ko pa? Dafuq? O.o di ko sya type maging friend! Yan! Yun talaga ang tama.

Kinabukasan..

        *toot*

        From: CHUM

                Chum? Papasok ka na? Sabay sana ako hehe ^^

        To: CHUM

                Ge sunduin kita sa gate nyo, punta na ako

        From: CHUM

                Ingat chum!!! :*

        Di na ako nagreply tapos nagmotor na ako papunta sa gate ng subdivision nila. Sabay kaming pumasok sa school. Pagpark ko ng motor, nakita ko si Lou na papunta sa building nila.

        “Chum! Kita mo yung transferee girl na yun? Ang cute nya no? Nakakatomboy! Haha”

        “Sus.”

        “Di mo sya type Chum?”

        “Hinde.”

        “Pero cute sya diba?”

        “Okay lang.”

        “Ikaw talaga! Walang taste!” sabay irap pa nya at lumakad ng nauna papunta sa room.

        Nailing na lang ako at sinundan na lang sya kaso nakapasok na yata sya sa room. Pag talaga di ko nasang-ayunan yun antulin mainis pero saglit lang naman. J

        Pumasok na din ako sa room at tiningnan yung upuan ko kung me vandal na.

They say that love is forever

Your forever is all that I need.

 

If I’m James Dean, You’d Be Audrey Hepburn :)

 

I wonder kung ikaw din yung nagvavandal sa isang room sa 1st floor

        Mukhang sya din yung nakakasagutan ko sa vandal sa room namin sa English! At mukhang babae to. Sana.. haha

        Nagsulat ako.

They say that love is forever

Your forever is all that I need.

 

If I’m James Dean, You’d Be Audrey Hepburn :)

LOVE VANDALiSMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon