CHAPTER 7

24 2 0
                                    

Monday..

**

        Sumilip agad ako sa ilalim ng upuan kung may papel na. At meron! Haha

        Hmm.. Wala, konti lang kasi kilala kong babae na mahilig sa kantang yun kaya I assume. :) So, 4th year ka na? 4th year lang kasi kapalitan namin ng section sa room na to eh. :D - A.H.

        A.H.? O.o aahh.. Audrey Hepburn.. Haha

        Kumuha ako agad ng papel para magpenback. Haha hirap ng sitwasyon namin tae. Kunin ko na kaya number nito. Oo, tama. Haha

        Oo, 4-1 ako. Ikaw? Anong section mo? Di ko alam yung section na kapalitan namin eh. Haha pwede ko bang makuha number mo? Baka kasi mamaya iba makakuha ng papel eh. Alam mo na. :) - J.D.

        J.D. = James Dean :D pakiramdam ko ang corny ko. -_- ni hindi ko nga alam kung ano itsura nito pero sumusugal ako. Haha

        *toot-toot*

        From: CHUM

        "Chum! Mamayang uwian ha? Papuntahin mo si Michael sa may stage ha? Pilitin mo please?"

        Oo nga pala! Muntik ko na makalimutan, anniversary na nila Michael. Tss.. Bakit pakiramdam ko nasa kanila lang yung istorya? -_-

Fast forward>>

        Sa wakas uwian na! :D

        Tumayo agad si Michael tapos lumabas. Di man lang nagpaalam sa tropa. Inayos ko na agad yung gamit ko para habulin sya.

        "Michael!"

        "Oh?", yamot na tanong nya saken.

        "Samahan mo nga ako sa stage, nawawala yung wallet ko eh."

        "Kela Harold na lang. Uwi na ako pre."

        "Umuwi na sila eh. Dali na! Hahatid na lang kita. Dala ko motor ko.", hinila ko na sya kaya wala na syang nagawa kundi sumunod.

       Dinala ko sya sa backstage. Naningin ako sa baba para kunwaring naghahanap talaga ako ng wallet. "Oy pare, tulungan mo kaya ako."

        "Wag mo nga akong ginagago Frank.", sabay hugot ni Michael sa wallet ko na nasa bulsa ng pantalon ko. Hinagis nya yun sa paanan ko tsaka umalis.

        Syempre ako, hahabulin ko sana kaso ayun, nakatulala sa gilid ng stage. May banner kasi na nakalagay "I'M SORRY MICHAEL! :( ILOVEYOU!"

        Maya-maya pa lumabas na si Aya sa kabilang side ng stage. May hawak na white rose. Tapos lumapit yung mga kaklase ni Aya tapos binigyan ng Hani si Michael. Haha naubos siguro budget ni Aya kaya Hani na lang imbes na Flattops man lang. :P

        Lalapitan na dapat ni Michael si Aya pero si Angelo yung lumapit kay Michael. May binulong si Angelo tapos nun tumango lang si Michael tsaka sila nangngitian. Tinapik ni Angelo si Michael sa balikat tapos yumakap na si Aya kay Michael. Ayos na sila. Oras na para umuwi ako. :)

        Naglakad na ako papunta sa pinagpaparkingan ng motor ko ng biglang..

        "FRANK!"

        Nilingon ko. Si Lou. -_- "Ano na naman?!"

        "Ansungit naman neto. Ayain lang sana kitang magMcdo eh. Hmp!"

        "Ewan ko sayo."

        "Bakit ka ba ganyan?!"

        "Inaano ba kita?!"

        "Bakit ansungit mo? Gusto lang naman kitang maging kaibigan!"

        "Ano? Ako? *smirk* Kaibigan?" Lumapit ako sa kanya. Dahan-dahan na di ko alam bakit di sya makakilos. Ang gwapo ko kase. :P inipit ko yung buhok nya sa tenga nya tsaka ako bumulong ng "Hindi kita gustong maging kaibigan."

        Pagkasabi ko nun, binunggo nya ako. Di sya nagsalita, di sya lumingon. Hayaan na nga sya.

        Nagdrive na ako pauwi. Pagdating ko, nandun sina Marvin at Josh sa bahay.

        "Nauna pa kayo sa akin ah? Bakit?"

        "Eh itong si Marvin excited eh."

        "Bakit?" nagtanggal ako ng polo tyaka naupo sa tapat nila.

        "Kain daw tayo mamaya sa Mcdo. Me kameet si Marvin."

        "Sino?"

        "Basta pare!", sagot ni Marvin.

        "Manlilibre ka ba?", tanong ko.

        "Fries lang. Hahaha"

        "Yun lang." kakainis talaga kakuriputan nito. -_- "Magbibihis lang ako. Dyan lang kayo." umakyat na ako sa taas para magbihis. Pagkabihis nagpunta na kami ng Mcdo. At, andun si Lou. -_-

        "CR lang ako." paalam ko.

        "Ge." sabi nilang dalawa habang naghahanap ng upuan.

        Nagpunta ako sa CR. Umihi ako malamang tyaka para tingnan na din ang gwapo kong mukha. Haha paglabas ko hinanap ko na agad sina Marvin at WTF?! Bakit kasama nila sa table si Lou? Andami namang bakanteng upuan ah? -_-

*toot-toot*

        FROM: JOSH

        "Pre san ka na? Dito na kameet ni Marvin."

        "Sh*t. Si Lou kameet nya?" -_-

        Nagtype ako agad ng message.

        TO: JOSH

        "Natatae ako, uwi na ako"

        Nakakahiya yung excuse ko pero tae, bakit naman sa dami ng imimeet eh si Lou pa? -_- badtrip talaga! -_- pwede namang ibang babae eh! Tss..

        Teka nga? Bakit ba ako nagkakaganto? -_-

LOVE VANDALiSMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon