CHAPTER 12

13 1 0
                                    

        Nabalikwas ako ng bangon. Tiningnan ko yung orasan sa side table ko. 5:58 nakuuu, malelate ako!! =__= eto minsan yung nakakainis sa pagiging highschool. Yung 7 o'clock na pasok.

        Nagmadali na ako ng pag-aayos. Magtetake out na lang siguro ako sa Mcdo ng burger. Tss.. Ayoko pa namang nalelate. -__-

        Pagbaba ko, si mommy naghahain at sinigang ang ulam. Tsk, Lord! Pagsubok ba to? T_T

        "'Nak kain ka na muna."

        "Late na ako my, dadalin ko yung motor. Alis na ako!", sabi ko tapos kumiss na ako sa pisngi nya. Pinainit ko na agad yung motor tapos nagdrive na papuntang Mcdo. Nagtake out ako ng burger tapos nilagay ko sa bag ko, bibili na lang ako ng Moo sa canteen. Tiningnan ko yung relo ko, 6:43. Tss.. Abot pa ako.

        Nagdrive na ako papuntang school. Pagkapark nagtatakbo na agad ako sa room. May 5 minutes pa ako bago dumating yung teacher. Sa second subject na ako bibili ng Moo. Haayyyy.. :/

        Pagpasok ko ng room nagtinginan lahat ng kaklase ko sakin. And I was like, (O_O)

        Naglakad ako papunta sa upuan ko tapos nakatingin pa din sila lahat sakin. "Bakit ba ganyan kayo makatingin?! Para namang nakapatay ako ng tao!" tapos pagkita ko, may lunchbox sa armchair ko. "Ano yan?" turo ko sa lunchbox.

        "Lunchbox malamang.", sabi ni Thricia.

        "Alam ko." sabi ko tyaka ako naupo. May note sa ilalim nung lunchbox.

        Kainin mo mamayang recess. Walang lason o gayuma yan. :)

        Tiningnan ko yung likod ng note. Wala nang nakasulat.

        "Kanino to galing?" tanong ko kela Michael.

        Nagkibit-balikat lang sila. Inilapag ko sa sahig yung lunchbox, sa gilid, yung di masisipa. "Sino daw ba nagpabigay?" tanong ko ulit.

        "Pagdating namin nandito na yan. Nauna yang lunchbox. Baka bigay nung manong guard, baka nababakla sayo." sabay irap ni Thricia.

        "Ayan na si ma'am!", pasukan naman yung iba kong kaklase. Sino kaya yung nagbigay nito? Ano kaya laman? Ngayon lang may nagpadala sakin ng ganto. Hmm..

        Nag-umpisa ng magdiscuss yung teacher namin at nagugutom na ako. T_T matagal pa ba? T_T di na ako mapakali, gusto ko ng kumain.

        Chineck ko yung cp ko. May text galing kay Audrey.

        FROM: AUDREY H. <3

        "Good morning! Ingat maghapon! :) tinulugan mo ako. Haha"

        Sa pagmamadali ko nakalimutan ko na syang itext, tsk. Nakakahiya, tinulugan ko pa sya kagabi. Hay naku! Nagtype agad ako ng text.

        TO: AUDREY H. <3

        "Good morning! :) sorry nakatulugan kita, haha ganda kasi ng boses mo eh."

        *bzzt-bzzt*

        FROM: AUDREY H. <3

        "Okay lang, alam ko naman na pagod ka kahapon. :)"

        "Pre, si ma'am." sabay siko sakin ni Michael kaya tumingin agad ako sa board. Nilagpasan ng teacher ko yung row namin. Nako, napakaboring na.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 28, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LOVE VANDALiSMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon