"Ano ngayon kung sila na? Tss.."
"Ano ba yang binubulong-bulong mo bano?"
Si Michael. Tae, masaya na ulit tong isang to. -_- ayos na sila ni Aya eh. "Wala. Anong nangyari kahapon?"
"Ha! Hahahaha ayun! Ampogi ko pare. Pinagluto ako ni Aya tapos dun kami kumain sa stage. Nagset sina Chrissy ng table para mukhang social ang fine dine. Haha bigla ka kasing nawalang kumag ka eh!"
"Nakumag pa ako. Di ka ganyan kasaya kung di kita dinala dun ulol!"
"Haha oo na. Salamat pare." sabay pogi sign.
Ako? -_____- <<-- ganyan ang mukha ko.
"Ang asim ng mukha mo tae. Ano bang problema?"
"Dapat ilibre mo ko!"
"Sampalin kaya kita? Uhmp!" sabay amba ng sampal. Haha tae, pasalamat to at tropa ko to kung hindi wala ng buhay pag-ibig to.
Maya-maya lang dumating na si Gio at Marvin.. Yung mukha ni Gio, (^__^) tapos yung ke Marvin, (g_g). Mamugto-mugto ang mata. Haha tae, iniyakan agad yung kahapon? Haha ang hina.
"Bat ganyan mata mo? Nakagat ka ba ng ipis?", usisa agad ni Michael.
"Hindi pare."
"Ano?"
"Basted yan pre. Hahahaha" sagot ni Gio.
"Tae naman pare, di ko pa naman nililigawan. Di lang ako pinayagan pumorma. Badtrip yun.", namumula na mata ni Marvin. Papaiyak na ang kupal. Haha
"Minadali mo naman yata kasi!" sabi ni Michael. "Kelan mo ba nakilala?"
"Last week."
"Kelan ka nakipagmeet?", tanong naman ni Gio.
"Kahapon."
"Panong di ka papayagan? Isang linggo pa lang pala tas gusto mo ng pormahan!"
"Mahal ko na pare."
"Ulol! Isang linggong pag-ibig ganun?", sabay nagtawanan kaming tatlo. Haha ewan ko ba bakit saming magbabarkada ito ang pinakakulelat.
"Ikaw ba Gio, sino yung pinopormahan mo?", tanong ko.
"Di mo ba kilala si Lea?"
Umiling ako.
"Kakambal yun nung nakipag-agawan sayo ng Moo. Di ko pa nililigawan, nagpapaalam pa lang. Parang ganun na din. Haha sinusuyo ko sya para payagan nya ako na ligawan ko sya."
"Aahh.. Pasado ka daw ba?"
"Sana pare, sana. Haha wag mo kong aagawan ha?"
Natawa lang ako.
"Go back to your proper seats.", dumating na pala yung teacher namin. Speaking of seats, nagkapa ako agad sa ilalim ng desk kung may papel. Meron. :D
Hmm.. Sige. Itext mo na lang ako ha? 09212345678. - A.H.
Haha yes! :D sinave ko agad yung number nya. AUDREY H. <3 yung nilagay kong pangalan nya. :) nagtype ako ng message.
BINABASA MO ANG
LOVE VANDALiSM
Teen FictionMinsan yung pagiging pasaway sa mga simpleng alituntunin, yun yung nagdudulot satin ng saya. Tapos biglang lungkot dahil sa pagsisisi na dapat di ka na lang naging pasaway, pero in the end, may aral pa din. Pero dahil nga likas tayong pasaway, lubus...