“Mommy! Papasok na po ako!” sabay labas ko. Di ko na inantay na magsalita si mommy. Susunduin ko pa kasi si Chrissy sa gate ng subdivision nila. Sasabay daw sya sakin eh.
Pagdating namin sa school. Tahimik pa din kaming dalawa. Mula pa yun kanina nung sinundo ko sya. Walang nagsasalita samin. Di pa kami makamove on sa nangyari kahapon sa Mcdo.
[Kahapon..]
“Wow! Kaya pala parang di ka affected kanina na magkagalit tayo kase may kadate ka ngayon.” sarcastic na pagkakasabi ni Michael.
Tahimik lang si Aya. Di nya siguro expected na makikita nya si Michael dito.
“Gulat ka no?” sabi ulit ni Michael sabay tumayo. “Di mo expect na makikita ka ng boyfriend mo na nakikipagdate ka sa iba?!”
“Pre, di kami nagdedate.” Sabi nung kasama ni Aya, si Angelo.
“Di ikaw kausap ko gago!”
“Michael..”
“Bakit Aya? Kaya ba wala lang sayo na magkaaway tayo?”
“Gumagawa ka na ng eksena.” Tapos tumingin sa akin si Aya. Sign na yun na pigilan ko si Michael.
“Wala akong pake Aya! Di ba mas nakakahiyang eksena yung nahuli ka ng boyfriend mo na nakikipagtext pa sa dating manliligaw nya tapos inaway mo at ngayon nahuli ka na nakikipagdate sa kanya?”
“Tara na pre.” awat ko sa kanya.
Nilingon nya ako. “Di tol, iba na to eh. Masyado na tong babaeng to!”
“Wag mo syang ipahiya dito.” bulong ko sa kanya. “Tara na.”
Tiningnan nya ng masama yung dalawa. Nagpaalam na sina Mia sa akin. Hinatid ko si Michael sa kanila.
“Dapat di mo ko pinigilan kanina.” Sabi ni Michael pagkababa sa motor ko.
“Tol, kahit ganun dapat di mo ipahiya si Aya sa madaming tao. Mas nakakahiya sa kanya yun.”
“Tss.. Buti lang yon sa kanilang dalawa.”
Nailing na lang ako. Kumikitid utak ni Michael dahil sa selos. “Ge, uwi na ako.” Tapos pinaandar ko na yung motor ko at umuwi.
Ngayon, tahimik lang si Michael maghapon. Di ko na lang kinikibo. Nakikipag-usap lang sya pagka may kakausap sa kanya. Ganun lang ng ganun hanggang sa mag-uwian. Di naman sya sumabay sakin umuwi.
Pag-uwi ko. Walang tao sa bahay. -_- boring.. :/ mas gusto ko pang pakinggan mga kadramahan ni Michael kesa mag-isa sa bahay.
Umakyat na lang ako at inopen ang laptop ko. Pagkalog in ko sa fb, nakapagchange na agad ng relationship status si Michael. “It’s complicated.”
Nagcomment ako. “Condolence..”
Nilike lang nya comment ko.
Yan hirap sa may seryosong karelasyon. Limitado ang galaw mo. Bawal ganto, bawal ganyan. Bawal mong pag-isipan ng kung ano yung partner mo kase mag-aaway kayo. Kahit matagal na kayo, magugulat ka kase may side pala sya na di pa nya napapakita sayo.
BINABASA MO ANG
LOVE VANDALiSM
Teen FictionMinsan yung pagiging pasaway sa mga simpleng alituntunin, yun yung nagdudulot satin ng saya. Tapos biglang lungkot dahil sa pagsisisi na dapat di ka na lang naging pasaway, pero in the end, may aral pa din. Pero dahil nga likas tayong pasaway, lubus...