Pagkauwi ko, inopen ko kaagad yung fb ko. Sinearch ko si Lou. Lou Angela Montevirgen
Ngayon ko lang napansin, ang cute nga pala nya talaga. Wait, ano? Tss.. Cute yung profile picture nya dito sa fb nya. (A/N: picture sa right side ---->>)
Nagscroll down pa ako para tingnan yung mga status nya.
"I just wanted to be friends with HIM."
May mga nagcomment na "Girl sino yang HIM na yan?", meron naman na "Inlababo ang lola mo!", meron naman na "Swerte naman ng guy na yan."
"Ako kaya to?" nagscrolldown ako ulit.
"That suplado type of guy. I hate it but hey, he's a turn on!"
"Tae, ako nga ata to." -___- pagscroll down ko ulit may nakita akong nakatag na picture. Wait. Edit ba to? Magaling sa photoshop to ah. Napagdalawa nya si Lou at magkaibang damit pa! Haha husay!
"Lea Angela Montevirgen. Teka, kambal?", clinick ko yung pangalan para lumabas yung profile. At, ayun. Kambal nga. Magkamukhang magkamukha pero iba aura nito. Angelic face kahit na kambal sila ni Lou. "I-add ko nga."
Inadd ko. Mukhang mas type ko to. :D ha? Mas type? Hindi, mali! Type ko to. :D kaso, kung type ko to, parang type ko na din si Lou. Tss..
"Frank! Kakain na!", sigaw ni mommy mula sa baba. Nilapat ko na yung laptop para bumaba.
"Ano ulam?", tanong ko.
"Ewan ko ba sa ate mo kung anong tawag dito."
"Masarap ba to?"
"Malamang! Ako ang nagluto eh!", sabi ni ate habang may dalang uhuan ng kanin. "Maupo ka na dyang brother bear."
"Pag to di masarap!"
"Masarap yan! Ang kulit! Mommy oh!"
"Osya sya, maupo na!"
Habang kumakain..
"Anong nangyari kina Aya ba ha Frank?"
"Ewan ko. Bakit?"
"Bakit? Ano ba nangyari?", sabat ni mommy.
"Eh kasi mommy kahapon eh me banner effect si Aya para kay Michael. Nakalagay 'I'm sorry Michael. Iloveyou.'"
"Anniversary kasi nila.", sabi ko.
"Eh bakit may I'm sorry pa?"
"Eh nag-away sila bago sila mag-anniversary eh."
"Bakit nag-away?"
"Malay ko. Di naman ako ang girlfriend ni Michael.", nakakayamot. -____-
"Speaking of girlfriend, bakit wala ka pa?"
"Pogi kasi ako."
Natawa si mommy. "Bakit nga ba wala? Oo nga't pogi ka. Bakla ka ba anak?"
"Ay nako mommy di pwedeng maging bakla yan no!"
"Pogi din gusto ko mommy!" pabiro kong sabi na may bakla accent.
"Oy! Hindi pwede!", sabi ni ate sabay duro ng kutsara sakin. Haha malamang di ako bakla. Paranoid ng ate ko. Haha
**
Pagkatapos magtoothbrush. Inopen ko uli laptop ko. May 1 notification.
Inaccept na ako ni Lea. Yun! :) Nagtype ako ng message. "Thanks po sa accept!" tapos nagreply sya ng ":)" tae, yun lang? -__- katamad. Makatulog na nga. -__-
Pero, di pa ako inaantok eh. -__- ano kaya nangyari sa pakikipagmeet nina Marvin? Tss.. bakit ko ba pinoproblema yun? -_-
Kinuha ko yung cp ko. Tinext ko si Josh.
TO: JOSH
"Balita?"
Bakit ba ako nag-aabala? Tss.. wala naman ako dapat pake sa kanila. Pero kase pag nagkatuluyan yung dalawang yun, ibig sabihin magiging barkada na din namin yun. Tsk.
*toot-toot*
FROM: JOSH
"Tagilid pare haha"
"Tagilid? O.o nagmadali na naman siguro tong kumag na to."
TO: JOSH
"Diniskartehan ba agad ng kumag?"
Buti nga. Haha
Teka.. bat parang masaya ako? -__- "Kasi di ko sya magiging barkada. Oo, tama."
*toot-toot*
FROM: JOSH
"Oo. Alam mo naman to. Atat matali. Haha"
Nangiti na lang ako. Haha parang timang talaga. Makatulog na nga!
**
Umaga na naman. Hayy.. -_- nag-ayos na ako para pumasok. Pagdating ko ng school, andun si Gio sa guard house malapit sa gate.
"Oy, pare. Aga mo naman? Guard ka na ngayon?", bati ko.
"Haha di pre. Me inaabangan lang ako."
"Chix?"
"Anghel."
"Nag-almusal ka ba?"
"Oo naman! Haha mauna ka na sa room. Ayan na sya."
NIlingon ko kung sino yung lalapitan ni Gio.
(O_O)
Si Lou ba to o Lea? Lea? Maamo aura ng itsura nya eh.
"Oy pare, una na kami." tapos tinapik ako ni Gio sa balikat.
Kumurap-kurap ako uli. NIlingon ko uli sina Gio. Bitbit ni Gio yung bag ni Lea o Lou. Tae. Bakit naman gustong-gusto ng barkada ko tong kambal? -_- badtrip!
Nagpunta na ako sa room. Nakaharang si Thricia sa pinto. "TABE!!"
Nagulat si Thricia. Nagtinginan mga kaklase ko tsaka ibang nagdadaan. Oo na, badtrip na ako. -_- hinagis ko yung bag ko sa katabing upuan. Naupo ako at nangalumbaba. Nakatingin lang ako sa bintana. Oo nakakainis.
"Ano bang problema mo ha Frank?", si Thricia nasa harap ng bintana.
"Wag mo kong kausapin. Umalis ka dyan, hinaharangan mo yung tinitingnan ko."
"Napaka! TUMANDA KA SANG BINATA!", sabay alis.
Ganun ba ako kasungit? Di naman ah? Tss.. -_- nakakasira ng ulo.
Yumuko ako sa desk ko. Wala ako sa mood. Nakakainis. Bakit ganun? Bakit ganto?
Naalala ko na magkasama si Gio at isa sa kambal. *dugdug-dugdug* tae, kulang na ako sa exercise. Nagpapalpitate na ako. Tss.. sila na kaya?
BINABASA MO ANG
LOVE VANDALiSM
Teen FictionMinsan yung pagiging pasaway sa mga simpleng alituntunin, yun yung nagdudulot satin ng saya. Tapos biglang lungkot dahil sa pagsisisi na dapat di ka na lang naging pasaway, pero in the end, may aral pa din. Pero dahil nga likas tayong pasaway, lubus...