Special Chapter 1: Gerald, Kyle and Jeffry

277 20 7
                                    

Jeffry's POV

"Huy! Masusunog na yang niluluto mo nakatulala ka pa rin!?" Suway sakin nung manager ng royal resto.




"Ay sorry naman, kasalanan mo to eh. Ganda mo kasi kaya nadi-distract ako." At tinuon ko ang pansin ko sa niluluto ko.






"Nek nek mo!" Sabi ni Kyline at nag libot na naman dito sa resto. Oo siya ang manager at ako ang chef dito. Ako yung pinakamataas na chef. Syempre, malakas ako kay sasha eh hahaha. This is what do you call 'connections'. Orayt!





"Oh, kamusta na? Bakit ganon yung muka nung si Kyline?" Biglang dumating ang boss ko at ang tropa kong boypren niya.







"Nasobrahan PO kasi yung kagwapuhan ko. Nagalit siya sakin dahil daw PO baka habulin ako ng iba, kanya lang daw PO ako." Natatawa kong sabi sa BOSS ko.

"Hanep brad! Ang formal mo sa harap ni Sash ah!" Pang asar sakin ni CA.


"Kasi nga pagnandito ako sa resto na ito, siya ang BOSS ko." Chineck ko muna yung niluluto ko bago patayin ang apoy.

"Anong kaganapan dito ah?" Biglang sulpot ni manager.

"Ah, wala naman babe. Nag kakaroon lang ng reunion, maliban kay gerald na wala dito." Natatawang sabi ko kay kyline.

"Back to work na nga! Kayo na ulit bahala dito ah?" Sabi ni Boss.


"Gagala lang kayo eh." Pang asar ko.

Inirapan niya lang ako at umalis na sila ni CA, so ganon lang yun? Aalis agad?





"Ikaw? Anong tinutunganga mo diyan? Back to work na!" Suway ni kyline.




"Yes ma'am!" Nagsalute pa ako sakanya.




Nakita ko naman siya na back to work na rin, umupo siya sa may table at inasikaso ang mga papeles.




Ang ganda niya pagmasdan kahit nakakunot ang noo niya na halatang naguguluhan sa nakasulat sa papel.





Naalala ko tuloy nung nililigawan ko pa siya..

----2 years ago----

Jeffry's POV


Mga 2 months ko nang nililigawan si Kyline, alam kong matagal ko na siyang kilala pero ngayong collage ko lang lumalim ang pagtingin ko sakanya.





Ngayon may hawak akong mga chocolates, ibibigay ko sakanya, wala pa naman kasi kaming klase ngayon, free cut.





"Kyline, for you." Umupo ako sa bench na kinauupuan niya. Tumingala siya sakin dahil nagbabasa siya.




"T-thanks." Ngumiti siya. Alam kong nahihiya pa siya dahil first time niya daw maligawan.




Naging close kami ni kyline simula nung inaasar ko siya. Kung si Sasha tinamaan ng bola ni CA, si kyline binato ko ng espasol sa muka. Puting puting yung muka niya non, pano ba naman kasi sobra makaasar. Yan tuloy, nabato ko ng kinakain ko, masama na kung masama pero astig parin yun! Baka magka part 2 na ang tinamaan ako. Tinamaan Ako part two (espasol edition). Joke lang haha.




Mas naging close pa kami nung niyaya ko siyang lumabas. Nag mall kami at kumain sa isang resto. Kami naman ang lumalablayp ngayon since si Sasha walang partner, pano kasi, nagsawa na ata sa atmosphere ng pilipinas yung mokong na si CA at pumuntang greece. Tsk tsk.




Tinamaan Ako! (KN, kyrren) {COMPLETED} EDITING!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon