Chapter 17- Closer

280 24 4
                                    

Sasha's POV

"Haha, tama na CA, busog na ako, ayokong tumaba." Sabi ko kay CA, hanggang ngayon sinusubuan niya parin ako, anong nakain neto?

"O sige na nga, baka di ka makakain ng handa nila Don eh." And with that tumayo na siya, tumayo narin ako, inalalayan niya ako.

Para akong lola na inaalalayan ni CA pababa, seryoso, ano ba nakain nito at ang bait bait talaga ngayon.

"Hi te Sash!" Bati nilang lahat.

Nginitian ko lang sila sabay upo sa sofa.

"Ate, pagaling ka na para naman makapag parte parte tayo!!" Sabi ni Kirk.

"Oo nga ate, get well soon ha." Sabi ni Andeng.

"Anong get well soon? Pag soon matagal pa yun! Gusto mo bang magkasakit si ate Sash ng matagal, pero sana wag naman." Tapos lumapit siya sa table at kumatok ng tatlong beses. "Knock on the wood, pero seryoso ateng, get well later haha." Sabi ni Kirk.

"Hay nako, Kirk pag sinabing soon, pwedeng mamaya o bukas!" Sabi ni Andeng.

"Maganda na yung specified yung sagot." Sabi ni Kirk.

"Pe----- di na natuloy ni Andeng yung sasabihin niya.

"Ano ba? Mag uumpisa na naman ba kayo ng away? Kanina sa basketball, tapos kung ano ba ang mauuna, baking powder ba o itlog, sunod sa picture, pati ba naman kung kailan gagaling yung tao pag aawayan niyo parin?" Sabi ni Nicole.

"Di na po mauulit nay." Sabi ni Kirk. "Oy! Patikman niyo si ate ng cake."

"Wag na, inuubo ako." Pagpipigil ko kay Kirk.

"Ice cream nalang." Sabi ulit ni Kirk.

"Nang aasar ka ba? Inuubo nga daw diba?" Sabi ni Andeng.

"Andeng alam mo ba yung salitang JOKE? Joke lang yun okay? Biro...biro sa tagalog, malinaw? Masama ba mag joke?" Sabi ni Kirk.

"Jokes are halfments Kirk, halfments! Kalahating totoo kalahating joke."

"Oh, kaya nga pero yung akin full joke! Walang halfments don."

"Lahat ng jo-----

"Jusko! Jusdido! Kailan ba kayo titigil ha?" Sabi ni Nicole sabay sapo sa ulo niya.

"Lagi ka kasing may sabat eh." Sabi ni Kirk kay Andeng.

"Hindi, sinasabi ko lang naman yung totoo." Depensa ni Andeng.

"So sa tingin mo di ko alam yung totoo? Ang akin lang kasi, lahat ng gagawin ko kokontrahin mo." Sabi ni Kirk.

"Di naman sa kinokontra, sinsabihan lang okay? SINASABIHAN!" Andeng

"Pero di naman ako bata para pag sabihan." Kirk

"Hindi ko naman kasi sinabi na bata ka." Andeng

"Pero kasi para sakin ganon yung pahiwatig mo." Kirk

"Manigurado ka muna kasi bago ka sumabat." Andeng.

"So ako pa yung pala sabat? Ikaw nga 'tong palaging may sagot." Kirk.

"Kasi--------

Napansin ni Andeng na pikon na pikon na yung mukha ni Nicole, kaya napatigil siya.

"Spaghetti nalang kainin mo ate." Sabi ni Andeng, pumunta siya sa table at sinandukan ako ng spaghetti. Si CA naman, naririnig kong tawa ng tawa.

Tinamaan Ako! (KN, kyrren) {COMPLETED} EDITING!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon