Chapter 26- Preparing

275 20 2
                                    

Third Person's POV

Linggo ngayon at naisipan nilang mag simba. Si Sasha, CA, Andy, Jk, Kirk, Nicole and Don.

"Aba! Kala ko mag d-dress ka kirk eh!"

"Kung pwede lang sana mother nicole kaso baka pagkamalan akong baliw no!"

Panlalaking panlalaki kasi ang bihis ngayon ni Kirk, naka pantalon at blue na polo.

Ngayon kompleto na sila at nag-misa na.

Nang mag Ama Namin na, nag umpisa na silang mag hawak kamay. Nagkatinginan si Sasha at CA, ngumiti si Sasha at ganon rin si CA.

Si Kirk naman, tuwang tuwa dahil napapaligiran siya ng mga fafabelles niya.

CA-Sasha-Nicole-Lyndon-Kirk-Jk-Andy.

Ngayon hawak ni Kirk ang kamay ni Jk sa kanan at sa kaliwa naman si Lyndon. Sobrang saya ni Kirk sa isip niya dahil sa wakas, nahawakan na niya ang kamay ng dalawang fafa at tinuturing niya itong Holding Hands, pwede naman daw mag assume diba?

Nicole's POV

After ng misa, nag sama sama na kami ng barkada, di na namin kasama sila kuya CA dahil may kanya kanya rin naman silang dalawang gagawin. You know, love birds.

Nandito na kami sa Jollibee lahat lahat ay nakatingala parin si Kirk at nakangiti.

"Kirk anong natama mo?"

"Wala! Ganda ko kasi eh!" And sHe flip his/her imaginary long hair.

"Kasuka kirk! Nakakasuka!" Kaming dalawa lang ni kirk ang naiwan sa table na ito dahil nag CR si andeng at ang 2 lalaki na ang nag order.

"Kasi naman mother Nicole! Nakaholding hands ko si fafa Don at fafa Jk!" Buong ningning niyang sinabi.

"Tss. Chansing." Sabi ko. "Plinano mo naman na talaga na dun pumwesto diba?"

Tumango nalang siya at ngumiti. Tsk tsk. Malala na tama ni Kirk.

After namin kumain, sinulit narin namin ang time na ito dahil bukas monday na naman. Kaya ito kami, gala gala. Bili bili ng kung anong gusto namin.

Dumaan muna kami sa NBS at nag hanap ng magandang libro.

Buti nalang may mga libro na bukas dito at pwede naming basahin. Naka upo na kami sa lapag ni Andeng at nag umpisa mag basa.

Nandon naman yung mga boys, may mga sariling mundo. Kasama nila si kirk. Alam niyo naman si Kirk chuma-chansing tsk tsk.

Di ko namalayan ang oras! Hala mag iisang oras na kami ni Andeng.

"Hoy andy! Tara na baka nakalayo na yung mga yun!"

"Wait lang! Ma co-contact rin naman natin yung mga yun eh!" Sabi niya pero di siya tumitingin sa akin, dun sa librong binabasa niya.

"Tara na!"

"Tatapusin ko pa ito!"

"Lika na!" Hinila ko siya pati narin ang mga libro na hawak niya, binayaran ko narin yun sa counter.

Nag lalakad lakad kami at hila hila ko si andeng, para naman may gabay siya sa paglalakad, baka matisod pa ito, dahil hanggang ngayon, binabasa niya parin yung libro niya.

San na kaya yung mga yun?

At maya maya pa ay nakita ko silang nandon sa Ice Cream Parlor. Ganon? Sila sila lang kumakain?

"Andeng tara!" Tapos hinila ko siya ng patakbo.

Pumunta na kami sa loob, libre ko na si Andeng, pinili ko yung pinaka mukang enggrande na ice cream.

Tinamaan Ako! (KN, kyrren) {COMPLETED} EDITING!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon