Chapter 9-Stuck

350 24 4
                                    

Nicole's POV

Jusko po! Paano naman ako makakauwi nito? Ang lakas ng ulan, nga pala, may bagyong Yowyow. Bakit di ko na isip yun. Plus, 20% nalang battery ko. Huhuhu, ang taas na ng baha, 2 oras na ako nag ste-stay sa bulok na bahay na ito, de joke lang, wala pang signal at wala akong load! Ano pa ba? Ano pang bang paghihirap ang mararanasan ko?
Okay, masyado na akong OA.

"Tapos na 'to, iiksian nalang natin 'to, kukunin lang natin yung pinaka idea."

Hala, pano ba ako makakauwi nito? Huhuhu.

"Huy, nics nakikinig ka ba?"

Tapos lowbat pa ako, walang signal, walang load.

"Aray! Ano ba kasi yun?" Kinurot niya po ako.

"Ang sabi ko, nakikinig kaba?"

"A-ahh oo naman."

"Okay, oh gawin mo na ito, i summarize mo na, tapos dito kana rin lang mag dinner, tutal naman di kana makakauwi eh haha."

"Okay."

Nag print na siya ng papel at nag lagay lang ako ng highlight sa mga importanteng impormasyon.

Nag umpisa na akong mag summarize, mag se-seven PM narin. Mukhang di na talaga ako makakauwi! Buti nalang alam ni ate yung addrress.

Ang astig naman nitong si Buenaventura! Ako inaatupag yung report tapos siya nag loloptop lang.

Buti nga nakakapag loptop pa siya kahit sobrang hina ng signal.

"Ata! Anyare?" Gulat na tanong niya.

"B-bakit?" Natatawa ako, parang alam ko na yung mangyayari hahahaha. Kinagat ko nalang yung labi ko para di ako makatawa at mag mukhang seryoso.

"Nakalagay you have 1,312 notification."

Hahahahahhaahahahahaha, woooh! Laptrep, di ako makatawa, kaya natatawa nalang ako sa isip.

"Pfftt." Hahahahahhahahaaha.

"Grabe nics, peymus talaga ako."

"Talaga?"

"Oo naman." Naka ngiting wagi pa siya.

"Bakit ba kasi ang dami mong notif?"

"Ewan." Nagkibit balikat siya. "Alam mo dapat di na yan inaatupag ng mga gwapo."
Nag pogi sign pa siya.

"Oh? Edi wow, bakit ang dami mong notification eh di mo nga alam yung dahilan eh hahaahha."

"Mamaya na."

"Don! Kumain na daw kayo!" Sigaw nung yaya niya.

"Tara na, kain na tayo."

Bumaba na kami at umupo at kumain ng tahimik. Di ako nahihiya kumain no! Siya may kasalanan kung bakit ako na trap dito kasi siya yung nagpapunta sa akin kaya kailangan niya akong pakainin hahaha.

"Donald Duck, asan magulang mo? May kapatid ka ba? Bakit tayong dalawa lang ang kumakain?"

"Anong Donald Duck ka diyan? Sila mama at papa nasa trabaho yun, madaling araw na kung minsan sila uuwi. May kapatid ako, di ko alam kung nasaan yun ngayon. Pero close kami."

"Eh bakit di mo pinapasabay paka inin yung yaya mo?"

Nakatayo lang kasi sa gilid si manang.

"Sus, sanay na sila niyan. Diba manang?"

"Ah oo naman." Sagot ni yaya manang.

"Hindi." Kumuha ako ng plato at sinandukan ng kanin at ulam si manang.

Tinamaan Ako! (KN, kyrren) {COMPLETED} EDITING!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon