Chapter 12- After 2 months

290 23 3
                                    

Sasha's POV

2 MONTHS ago, ang bilis ng pangyayari no? Malapit narin mag intrams, tapos napapansin ko, simula nung mag stay ako sa bahay nila CA noong panahon na sobrang lakas kung umulan, eh nung nag pasukan naging cold sakin si Jhon, ewan ko nga kung bakit, di naman sinasabi ang dahilan, hanggang ngayon cold parin siya sakin, grabe pa naman mag selos yun, ang OA, di ko nga alam kung bakit nag selos yun. Syempre natatakot akong magkahiwalay kami, si Jhon ang love of my life ko. Sinabi ko narin kay Kyle yung nangyayari sa amin ni Jhon. Hanggang ngayon di parin namin alam yung tunay na dahilan. Hayy..dumukdok nalang ako sa desk habang yung teacher namin sa Math, dakdak ng dakdak sa harapan, wala akong maintindihan. Nagugutom na ako, mag re-recess narin.

"MS. CASTILLO! ARE YOU LISTENING?"

Ayan na, nagalit na siya. Ano sasabihin ko? Sasabihin ko na "Hindi maam, nakakabagot kasi mag solve." Silly me, pero baka pagtawanan ako, remember running for valedecterian ako?

"Y-yes maam." Sana maniwala! Susko ang sama ng tingin sakin ni maaam.

"What do you mean by geometry?" Tanong ni maam, aba ako sinusubukan mo maam? Di ko nga maintindihan!

"G-geometry is.......

*Kriiiiinnnggg kriiiinngg."

"I'm hungry maam, recess na, bukas mo na ako ulit tanungin , bye po maam."

"MS. CASTILLO!"

Detention room....

NANDITO ako sa detintion room, nagugutom na ako, si maam talaga ang duga, recess na nga eh, imbis pakainin ako para maisip ko yung sagot sa tanong niya eh pinaditention pa ako! Tsk tsk, i-rereport ko yan sa principal. De joke lang, di ako makakapagsumbong na ganon no! Di ako powerful sa eskwelahan na ito.

"Ms. Castillo, ayusin mo lahat ng book sa library, in proper place ha." Sabi ni Maam na di ko kilala, pero siya kilala ako, sinasabi na nga ba't famous ako eh, de joke lang, malamang binigay yan ni Mrs. Arenas sa kanya.

"Yes maam."

Library.

O_O

Walang ka tao tao, ang gugulo ng mga libro, ang daming kalat at higit sa lahat mag isa lang ako, susme mukhang sinadya eh, sa tingi niyo ba matatapos ko ng isang araw to? Para sa akin hindi, buti nga nakakain na ako eh, binigyan ako ni Maam di ko kilala ng 10 minutes para kumain.

Nag messy bun na ako at nag simulang mag linis.

Pulot dito, lagay doon, tapon mga kalat, pulot ulit ng mga libro, ilalagay sa tamang shelf.

***
ONE hour na ang nakalipas, di parin ako tapos! Pagod na ako. Hawak hawak ko ang mop at sumadal sa gilid.

*yawn* mukhang dinadalaw na ako ng antok, di ko namalayang nakatulog na pala ako.

CA's POV

NABALITAAN kong na detention si sipilyo, ahhaha wawa naman yun, pero simula nung mag stay sila sa bahay, after nun di ko na sila pinansin. Pumunta ako sa library para sana silipin yung ginagawa niya. Naabutan ko siyang nakatingala habang natutulog tapos nakanganga pa, hawak pa niya yung mop, di niya pa ata tapos linisin ang library, medyo magulo pa eh.

Medyo nakakapagtaka dahil siya lang mag isa ang gumagawa neto? Aba, ang bait naman ata ng mga estudyante ngayon at isa lang ang ma detention. Sinimulan ko na ang paglilinis, di ako nag iingay para di siya magising.

Maya maya pa ay tapos ko na ang paglilinis, siya na bahala mag mop, hawak niya eh, ayaw ko namang agawin pa sakanya dahil baka magising siya, hinalikan ko muna siya sa noo bago siya gulatin para magising at marealize niyang ayos na ang library.

*CLAP*

"KYAAAAAAAAAA!"

Tumakbo na ako papalabas ng library dahil nagising na siya, paglabas ko naman, nakabunggo ko si Santos na nasa tapat ng library.

"Sorry brad." Sabi ko, di niya ako pinansin at nakita kong niyukom niya ang kamao niya.

Anong problema nito? Umalis nalang ako, baka ang hanap niya si sipilyo.

Sasha's POV

Naramdaman kong may lumapat sa noo ko at nakarinig ako ng isang malakas na...

*CLAP*

"KYAAAAAAAAAA!"

Pagmulat ko, ang linis na ng library, di ko rin alam kung san galing yung tunog na iyon, nagkaroon siguro ng milagro dahil sobrang linis na ng library, ang ginawa ko, nag mop nalang.

***

AFTER ko mag mop, lumabas na ako, may klase pa ang iba na dapat nasa klase rin ako ngayon. Pero hinayan ko na, 30 minutes nalang naman mag uuwian na eh. Tumambay nalang ako sa court nitong school, dahil nga mag i-intramurals na, nag dedecorate na sila at nag aayos ng kung anong gagamitin.

Officer rin ako ng student council, secretary actually. Kaya tumulong nalang ako sa mga nag aayos.

"Oh, andyan kana pala Sash." Sabi ni Cassy, ang president ng SC.

"Tulungan mo na kami dito, bakit ngayon ka lang?" Tanong ni Pia, VP ng SC, mag bestfriend yan sila ni Cassy, at mga 4th year narin sila, just like me, actually classmate ko sila eh hahaha.

"Na detention kasi ako. Paepal kasi si Maam Arenas, eh sadyang napakahirap ng math diba?"

"Oo nga, nakakastress, menos beuty, o siya, tara na't gumawa." Sabi ni Cassy.

At nag start na ako maglagay lagay ng mga poster.

=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•

UNEDITED

Sorry maiksi lang, sa next chappy kasi malalaman kung bakit ganon si Jhon kay Sash. At malapit narin mangyari yung pianaka main na mangyayari sa story ko! Haha abangan.

BTW, si Cassy at Pia po, yung pres. at VP ng SC, sila Cassy at Pia talaga yun ng Just A Deal ko, kaya basahin niyo para malaman niyo yung story nila.

VOMMEND PLS.

-Marinel :***

Tinamaan Ako! (KN, kyrren) {COMPLETED} EDITING!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon