Chapter 28-Christmas Ball

230 23 3
                                    

Nicole's POV

Ang saya saya ko ngayon~

Kasi ngayon na yung christmas ball!!!!!!!!!!!

Nakaupo ako, nakatingin sa salamin, ang ganda ng nilalang na nakikita ko sa salamin!

"Nicole, bebe okay na ba make up mo? Gusto mo pang dagdagan?" Tanong sakin ni Mader Leyla, bakla kong make up artist, make up artist talaga?

"Okay na yan mader, yung sa hair style ko, gusto ko yung la AG style tapos kulot ang dulo." Sabay nginitin ko siya.

After niya akong ayusan ngumiti ako ng wagas habang nakatitig sa salamin.

"Wow, ganda naman ng salamin oh. Sabay hinahawak hawakan ko pa yung buhok ko.

"Ganda ng nag ayos eh." Sabi ni mader

Nagselfie lang ako at nagbihis na, di naman nagulo yung hair ko. Paglabas ko, paalis na si mother, home service kasi eh. Close sila ni mama.

"Una na ako bebe ha?" Tapos nakipag beso siya. Yung isa niyang kasama, yun yung nag ayos kay ate. Tapos na si ate ayusan kaya nauna na yung kasama ni Mother Leyla.

"Sige, ingat po mader." At lumabas na siya sa room ko. Ako naman picture lang ng picture, feel ko yung white walls ko eh.

"Mama!!!" Sigaw ko mula sa dito sa taas.

"Oh yes baby?" Parang nag worried pa si mama.

"Picturan mo ko ma, hehe whole body." At sumandal ako sa pader at tinaas ang paa ko sabay tumingin sa kanan na side.

"Isa pa ma hehe." This time, humarap na ako sa camera at nakanguso.

"Isa pa po ma." Sabay nag peace sign ako.

"Okay na po. Thanks ma hehe, sorry sa abala." Baka kasi naurat si mama haha.

Tapos bigla nalang bumukas ang pinto at pumasok si papa.

"Aba, ganda ng baby namin ah. Picture naman." Sabi ni papa sabay lapit samin.

"Kayo lang?" Biglang sulpot ni ate.

"Oh, andito rin pala ang pinakamagandang prinsesa namin ah." Sabi ni papa sabay nag hug si ate sakanya. Si ate ang prinsesa, ako baby. Wahaha, 2 years old lang ang peg? Sakana daw ako magiging prinsesa kapag reyna na si ate. In short, pag may family na siya.

"Picture!" Sabi ni ate. Kinuha ko naman ang monopad ko para kita kaming lahat.

After naming mag family picture, nagprisinta na si papa na maghatid sa amin, napatingin ako sa relo ko, 2:15 palang, eh 3:00 pa start, pero okay narin yung maaga nandun kana, para may magawa pa kayong kalokohan ng barkada. Olrayt! Ang tanong, maaga din ba sila?

Mga ten minutes lang ay nakarating narin kami sa venue. Wow, ang ganda dito pag nag gabi na, ang gaganda ng mga christmas lights eh.

"Ate, di ka pa bababa?"

"A-aay, nandito na pala tayo." At lumabas narin siya. Nagpaalam narin kami kay papa. Napapansin ko kay ate sash this fast few days, parang may iniisip siya, mukhang malalim. Pag pumupunta si kuya CA sa bahay, napaka clingy niya. Yung totoo?

"Ate, may problema ka ba?" Curious lang ako.

"H-ha? Ano bang tanong yan? L-lika na nga." Tapos nauna na siyang maglakad. Ganyan naman siya lagi pagtinatanong ko, sakin bumabalik ang tanong.

Napabuntong hininga nalang ako sabay kibit balikat at pumasok na sa loob.

Pagpasok ko, wala pa ang barkada, ako palang. Kaya heto ako, makikihalubilo sa mga classmates kong friend ko rin naman, eh no choice ako eh, baka pagkamalan pa akong loner or weird.

Tinamaan Ako! (KN, kyrren) {COMPLETED} EDITING!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon