Special Chapter 3: Kirk

216 20 11
                                    

Kirk's POV





Ako nalang talaga siguro ang walang love life sa tropa no?





Si Andeng may fafa Jk, si Nicole may fafa Don. Ako wala? Hanggang pantasya ko nalang sila. Oy wag kayong ano ha! Nagkagusto din ako dun kay fafa don, kaso ang imposible na magkagusto sakin yun, alam niyo na, straight siya, baluktot ako. Ang mga fafa, pangarap nalang namin yang mga bakla.






"Ano pang tinutunganga mo diyan?" Sabi ni Andeng, nilagyan pa ako ng Baking powder sa muka, ano bang problema nito?





"Sama mo naman!" Sabi ko at nagpatuloy sa pag mix ng gagawin naming cake, naalala ko 6 years ago nung nag aaway pa kami sa cake. Haha, kung iisipin mo yung childhood mo ngayong natanda ka na, parang ang tanga mo eh no? Sino ba naman ako para ipaglaban na itlog ang nauna? Or pwedeng kahit ano.







"Andeng, itlog muna." Natatawang sabi ko.





"Baking powder." Natatawa narin siya, naalala niya rin siguro yung paggawa namin ng cake noon.






"Mader Nicole diba itlog ang nauna?" Tanong ko.





"Yan na naman kayo eh! Kahit ano!" At bumalik na siya sa pagluluto niya, OMG! Birthday ko ngayon at 20 na ako, next year debut ko na! Kaming girls lang ang nasa bahay ngayon. Oo, GIRLS talaga. Sila fafa don busy ata kakahanap ng gift ko! Omg!








"Mader nicole ang ganda ko no?" Wala akong masabi.





"Oo nalang kirk, oo nalang." Sabi niya, ang bango nung niluluto niya! Huhu, afritada.





"YOW!" Sabay na dating nang dalawang fafa, or should I say na magkasama talaga sila?





"Yow niyo muka niyo! Tumulong nga kayo!" Sabi ni Nicole. Yan na, umaatake na ang pag kasungit niya.





"Kirk bumili kami ng donut for you! Iba pa yan sa gift namin." Sabi ni fafa don.





"May Jco, Krispy kreme, dunkin donut, mister donut at......





"Dowee donut." Natatawang sabi ko. Hay, memories.





Nilagay ko na ang mixed cake sa oven.






"Guys, anong cake ang may ubo?" Tanong ko.





"Ano?" Sila.






"Cough Cake! Hahahahaha!"





"Nays Wan! Upgraded na joke niya." Sabi ni Andeng.






"Sinong senator ang masarap na cake?" Sabi ni fafa don.





"Sino?" Kami.





"Chiz Cake! Hahahaha."





"Geh bro! Suportado kita." Sabi ni fafa Jk at tinapik tapik pa ang balikat ni fafa don.


~~~~~~





After ng kung anong ka echosan ang nangyari, nagstart narin ang party. Yea~ its party!






"Hi Kirk!" Ayan na, nagsidatingan na ang mga friends ko na galing Singapore.





"Ay ang pogi naman! Hello!" Sabi nung isa kong friend kay fafa don, nakita ko naman si Nicole na parang nairita at umirap pa.






Tinamaan Ako! (KN, kyrren) {COMPLETED} EDITING!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon