Special Chapter 2: KarDy

208 18 0
                                    

Andy's POV


Im already 20 years old na! 6 years ago simula nung umalis si Don, na shock ako syempre kasi ganon ganon nalan yun? Biglaang alis? Hindi manlang nagpaalam? At ang nakakainis ay si Jk lang ang nakakaalam. Medyo naiinis non si Nicole pero past is past nga. Leave the past alone. Bumalik parin naman sila dito eh, kaso ang tagal nga lang naming naghintay. 6 years na walang communication? Grabe.


Pero nung pauwi na sila kuya CA, kami agad ang nakaalam, isu-surpresa niya kasi si ate sasha, at sinakto pa niya ang uwi niya kung kailan nag opening ang resto ni ate sash. Natutuwa ako dahil tumulong din ako dun!

"ANDENG! BRUHA!" Dumating na si Kirk at sinabunutan ako. Oo, ganyan kami mag lambingan, sweet no?

Nandito kami sa airport nila Jk, Nicole at Lyndon. Galing kasi siyang singapore, nag bakasyon for 6 months, you know naman, dun talaga lungga non.

"FAFA DON!" Si lyndon naman ang napansin ni kirk. Lumapit siya dito at niyakap. Hala siya! Tuwang tuwa ang bakla!

Halatang medyo naiirita si lyndon sa kanya. Nang maka get-over na si Kirk kay Lyndon, pinansin na niya si Nicole at Jk.

"Fafa Jk! Mader Nicole!" Yumakap na siya sa kanilang dalawa. Napairap ako, kala mo naman ilang taon nawala. Hello! 6 months lang yun ganyan na siya agad, si Lyndon nga 6 years, di naman ganyan ka-OA.

"Tara gala na tayo!" Tuwang tuwang sabi ni Kirk. Yung mga gamit niya binigay na niya dun sa driver nila na kanina pa namin kasama. Siya lang kasi mag-isang umuwi.

"Wala ka bang jetlag?" Tanong ni Don.

"Aww, concern si fafa don tss, feeling naman to wala! Wala akong jetlag hehe!" Sabi ni kirk na halatang energetic na energetic pa.

"Tara na!" Sabi ni Nicole.

•••

"Thank you." Sabi ko kay Jk, pinunasan niya kasi yung bibig ko, ang dungis ko daw, para daw akong baby. Kumakain kami ngayon dito sa royal.

"OMG! Fafa Don, mag kwento ka naman nung nasa greece ka! Im sure na miss mo ako! Hihihi~

Napaka ano talaga nitong Kirk na ito.

"Syempre, mahirap ang buhay don, oo naman, namiss ko kayong lahat, ang hirap kaya umalis ng walang paalam." Sabi ni Don.

"Bakit di ka nagpaalam?" Ayan na, natanong na ni Nicole ang matagal na niyang katanungan, dati pa niya kasi gusto malaman yan eh. Bakit nga ba di nagpaalam si Lyndon?

"Mahirap kasi." Yun lang ang sabi ni Don. Bumuntong hininga nalang si Nicole at kumain na ulit. Nag katinginan kami ni Jk. Si Kirk naman, tumahimik na. May mali, mukang naiinis na ewan si Nicole kay Lyndon.

"Ah, solohin ko muna si andy ko ah." Sabi ni Jk. Tumango naman silang lahat.

Naglibot-libot lang kami dito ni Jk sa mall. Nagtitingin din ako ng mga damit. Alam mo na, nangangarap. Haha! De joke lang, may clothing line naman ang tita ko, bakit bibili pa ako sa iba? Sakana kapag nagsawa na ako sa designs ng damit nila.

Nagulat ako ng biglang nawala si Jk sa tabi ko. Nasaan na yun?


Lumingon ako sa gilid ko at nakita ko siyang may hawak ng flowers.


"Flowers for you." Ngumiti siya at binigay yung flowers. Ngiting wagas ako eh. Sino ba namang hindi kikiligin diba? 14 palang ako pangarap ko na yun!


Nga pala! Nililigawan na ako ni Jk! Yie~ kilig kilig! Kela Don at Nicole, di ko alam status nila. Lalo na si Kirk, napaka hopeless romantic non!


"Book shopping tayo!" Sabi ko sakanya. Napakamot nalabg siya sa ulo niya. Eh kasi naman, hilig ko ng magbasa ng mga popfiction books! Nangongolekta ako! Mga 50 books na ata ang meron ako sa bahay, at ang goal ko ay maka 100, para magkaroon ako ng mini library, cute diba?


Pagkarating namin sa NBS naghanap na agad ako ng libro.


Avah maldita
Stuck In The Moment
The Bet
The Wrong Mr. Right
Alphabet to death
A damn good kisser
Im his tutor
A hundred days with you
Must date the playboy
Ms. Sungit meets Mr. Sungit

Yan ang mga napili ko! Ang saya saya~

"965 pesos ma'am." Binigay ko na ang 1000 ko at hinintay nalang na ibigay ang sukli bago lumabas. Si Jk ang tagabit-bit ko haha!


60 na books ko! OMG! Ganito kami mag bonding ni Jk, kung anong gusto ko, push lang! Bale 3 months na siyang nanliligaw sakin, malapit ko na siyang sagutin!

*****

Kinabukasan

Tinignan ko ang kalendaryo ko. Ngayon ko na sasagutin si Jk, oo may date talaga.

"Bess, tulungan mo na ako." Tinawagan ko kasi si Nicole.

"Bakit kasi ganyan bess, magarbo masyado." Reklamo ni Nicole na halatang kakagising lang.

"Yaan mo na! Para effort!" Sabi ko sa kanya.

Nag oo nalang siya at binaba na ang tawag. Kinuha ko na yung kartolina kong may YES, ganito talaga, kapag sasagutin ko na siya gusto ko, effort.


Pumunta na ako sa bahay nila Jk, alam kong tulog pa siya sa mga oras na ito. Kakuntsaba ko nanay niya.


"Akyat na hija." Sabi nung mama niya. Gusto ko kasing sagutin siya sa rooftop nila.


Inayos ko na lahat, may table dito~ hahaha, this is a breakfast date.

Bigla naman ng sumulpot sina Nicole dito, paghahawak ko lang sila ng cartolina. Tapos si Kirk na ang kikidnap kunwari kay Jk.

Jk's POV

Nagulat ako ng biglang may nagtakip ng mata ko at hinila ako, di ko kilala kung sino, nararamdaman kong i aakyat niya ako sa rooftop.



Bumitaw na ang nagtakip sakin ng mata, nagulat ako ng may kartolina dito na may nakasulat na YES tapos lumabas si Andy sa likod na nakangiti.


"Ano ibig sabihin nito?" Naguguluhang tanong ko.

"Yes na nga ayaw mo pa." Sabi niya.

"Yes? As in...tayo na?" Nakangiti kong tanong. Tumango naman siya.



Nginitian at nilapitan ko siya sabay yakap.

I think ito na ang pinakamasayang araw sa buhay ko.

"Congrats brad." Nandito pala si Don?

"Nays wan Jk." Sabi ni Nicole

"HUHUHU! MAY GIRLFRIEND NA SI FAFA JK!"

_____________________________________________________________________________

NOTE:

I changed the prologue guys, check it. Napansin ko kasing puro meet the characters lang yun. Baliw ko talaga, kung kailan patapos na saka ko binago, lmao.

Yung mga nagtatanong kung ano nang nangyari kila andeng? Yan na yun! Haha.

Wawa naman si Kirk :(

Next special chapter -----> (just wait)

Tinamaan Ako! (KN, kyrren) {COMPLETED} EDITING!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon