Chapter 15- Tinamaan Ako!

251 28 5
                                    

Sasha's POV

Hihingi ako ng tawad kay Jhon, kailangan ko siyang makausap ng maayos, hindi pwedeng biglaan lang, kahit na nanghihina ako dahil gutom ako, kahit na nanginginig na ako dahil sa lamig, kahit na sobrang sakit na sa ulo ko kakaiyak, pupunta parin ako sakanya. Wala na akong pakealam kung pagtinginan ako o mapahiya ako

Dumaan ako sa gitna ng court kahit na may naglalaro ng basketball, nasa kabila si Jhon, kailangan ko talagang tumawid, at nung patawid na ako...

"TABI!"

Napalingon ako....tinamaan ako.

Naramdaman kong napahiga ako dahil sa tama ng bola, and everything went black.

Third Person's POV

"ATE!/SASH/SASHA!" Yan, yan yung mga sigawan sa loob ng court, naitigil ang laro dahil nakahilatay si Sasha sa sahig, na shock si Jhon, akmang lalapitan na ito ng biglang binuhat si Sash ni CA, ang nakatama sa kanya. Di na lumapit pa si Jhon dahil nandoon na si CA.

Nanginginig si CA habang buhat niya si Sasha, kinakabahan siya, baka kung ano ang mangyari dito. Di siya sanay sa mga ganito baka isipin ng lahat kasalanan niya dahil siya ang nakatama ng bola, at ang tama ng bola, ay sobrang lakas, sakto pa at tumama ito noong lumingon siya, sila Cassy naman nag alala, President ng SC, sinabihan niya na ipagpatuloy ang laro kahit wala ang MVP nila, dahil si Cassy bibisitahin pa si Sash. Nagulat rin sila Nicole, nag aalala dahil ngayon lang nahimatay si Sash.

CA'S POV

Hindi ko alam ang gagawin ko kinakabahan ko, pero di naman siguro malala yun eh no? Tama lang naman ng bola, dapat ng bukol lang yun eh, pero habang buhat buhat ko siya na parang pangkasal, sobrang basa siya. Ang nakakapagtaka, bakit wala yung boyfriend niya to save her? Bakit wala siya dito? Di manlang pumunta sa clinic, tsk pabaya.

"Ahhh sir, hintayin nalang po natin siya gumising, nahimatay po siya dala narin po sa guto at lamig, mukhang di pa po siya kumakain, atsaka po mukha siyang umiyak,mugto po ang mata niya. Pero don't worry po, she'll be okay when she wake up." Sabi ng nurse sakin.

"Ahh, okay salamat." Lumabas ang nurse at ako naman ang pumunta sa tabi ni Sasha, oo ako lang ang nandito, kasi nasa kanya kanyang play sila, pero sumunod sila dito kanina.

Nagulat ako ng bilagla siyang humikbi at nag salita ng "Jhon, sorry I'm sorry." Problema neto? Anong nagyari sakanila ni Santos? Pero di dapat yan ang iniintindi ko, ang iintindihin ko ay yung kalagayan niya.

"Sipilyo...okay kana?" Mahinahon kong tanong sakanya.

"C-CA? CA!!!" Bigla siyang tumayo at niyakap ako saka umiyak ng umiyak, medyo basa pa siya, masyado naman 'tong FC, pero wala munang jokes ngayon, kaialangan niya ng kaibigan ngayon, ng balikat na maiiyakan, kahit pawis ako, umiiyak parin siya sa balkat ko, at isa pa, mabango ako 'no.

"Shhhh, magiging okay din ang lahat." Pagpapakalma ko sakanya, hinimas himas ko din ang likod niya. "Di ka pa daw kumakain ha? Bakit? Tara na kain muna tayo sa labas."

"Nasayang lang ang effort ko sakanya." sabay bumuntong hiniga siya.

"Anong sabi mo?" Tanong ko, pero ang totoo narinig ko naman hahaha.

"Ahhh wala....wala 'to." Sabay punas niya ng luha sa mata niya. "Sabi ko, sa bahay namin tayo dumiretso, magpapalit pa ako, dun narin tayo kumain."

"Okay ka na ba talaga?" Syempre nag a-alala ako 'no, kakagising niya lang eh.

"Oo."

"Sure ka ha?"

"Oo nga, ang kulit, kaya ko 'to." At tumayo siya at medyo natumba.

"Oh oh, sabi ko sa'yo eh, lika nga dito." Hinila ko siya papalapit sa akin, yung saktong lakas lang naman.

"Okay nga lang ako, tara na." Hinawakan ko na lang siya sa braso, baka mag pamewang pa yan mamaya eh.

Nangmakarating na kami sa kotse, tinadtad ko siya ng tanong.

"Bakit mo ginawa yun? Bakit ka umiyak? Bakit ganon kayo ni Jhon? Bakit sa simpleng tama lang ng bola eh nahimatay ka na? Ba------

"Grabe ka naman, pwede mo ng palitan si Ted Failon." Pagjo-joke niya sakin.

"Sagutin na lang mga tanong ko." Interesado talaga akong malaman eh.

"Chismoso ka ba? Kasi siya! Ang babaw niya, nakipag b-break....nakipag break siya sakin." And again, humagulgol na naman siya.

"U-uuyy, tinanong lang naman kita eh, wag kang ganyan. Shhh."

"Eh ikaw nag umpisa eh." Sabi niya sabay punas ulit ng luha niya.

"Bakit ba siya nakipag break sa'yo? Wag kang iiyak ha!"

"K-kasi, nakita niya daw yung picture, tsaka daw hinalikan mo ko sa noo? Ni di ko nga alam yun, ganon talaga si Jhon, seloso, ang babaw ng dahilan."

Ano daw? Hinalikan? Sa noo? Yun ba yung sa library?

"Aahh, diba Sash...na detention ka?"

"Oo sa library,bakit? Ay teka, pano mo nalaman name ko? Haha actually nickname ko lang yan. Di yan yung totoong name ko, kaya alamin mo yun ha, bawal ka tumingin sa attendance or record sa sa school, kundi sasapakin kita hahahahahaha."

Ang bipolar ng babaeng 'to, kanina iyak ng iyak ngayon natatawa.

"Pinuntahan ka 'non ni Jhon?"

"Hindi, alam mo bang nagkamilagro nung araw na yun! Kasi nakatulog ako ng magulo pa yun tapos nagising ako ng sobrang ayos na. Teka, pano mo nalaman na nadetention ako?"

"Classmate kita." Pagpapaalala ko sakanya, natawa nga ako sa sagot niya noon sa geometry.

"Ahh, pero astig talaga nun nung time na yon, may miracle." Buong ningning niyang sinabi sabay ngiti.

"Bakit mo ba tinatanong kung pinuntahan ako ni Jhon?"

"Aahhh...wala ano kase....nakita ko siya na.....na papaakyat sa library, oo tama, kaya akala ko pinuntahan ka niya."

"Okay, uy dun yung daan papunta sa bahay namin." Tinuro turo niya lang ang daan hanggang sa makarating kami sa bahay nila.

***

"Salamat CA ha."

"Welcome, pakabait ka ha." Sabay pi-nat ko yung ulo niya.

"Kala mo naman bata ako na iniwan mo sa ampunan."

"I mean, kumain ka sa tamang oras tsaka wag mo na iyakan yung nga bagay na yun, makaka move on kasi."

"Pan----

"Sige na alis na ako, bye."
Di ko alam kung bakit pero hinakikan ko siya sa noo sabay alis.

=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=

UNEDITED

Ang bilis maka 560 hahaha

Yan, dahil naka 560+ reads na ako, ito na ang update, nangyari narin ang tinamaan ako hahaha.

Spoiler for the next chapter

"Ang bait mo ata ngayon."

"Ginagawa ko ito para sa'yo."

GOAL:620 reads. Pa choosy muna ako ngayon.
Mataas ba? Recommend niyo na, and again mag U-UD lang ako pag narating na yung goal, so guys, help me to achieve it. Mag vote rin kayo, wag kayong snob!!!! Haha

Basahin niyo rin yung JUST A DEAL KO PARANG AWA NIYO NA.

VOMMEND

-Marinel :***

Tinamaan Ako! (KN, kyrren) {COMPLETED} EDITING!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon