Chapter 8- Partnership

366 27 11
                                    

Nicole's POV

"Class before you go home, may reporting kayo sa Monday, partner partner. Partner kayo ni blah bla blah blah blah, Ms. Castillo and Mr. Buenaventura partner kayo."

WHAT THE?!?!

"Okay class you may go now."

Tumingin ako kay Buenaventura, kumindat siya at nakangiting tagumapay. (:D)

"Anong ngini-ngiti ngiti mo diyan?" Mataray kong tanong sakanya.

"W-wala lang hahahahaha, talagang meant to be tayo eh ahahahah."

Nakakainis talaga pag sinasabi niya Meant To Be kami. Nag iinit ang dugo ko!

"So nics, kailangan nating mag meet para sa project. Pwede ko ba makuha number mo para ma text kita?"

"Ha? No way kala mo ibibigay ko sa iyo?" Nakita ko si Andy na dumaan. "Uy andyyy sab----

"Wag na! Mag uusap pa kami ng partner ko tungkol sa reporting, kayo din mag usap na!" Sabi niya at binigyan ako ng ngiting abot langit na nakakaasar. May meaning yung ngiti na yun eh.

"Ang ganda ng panahon no? Kasing ganada mo, tignan mo mamayang gabi wala ng stars, alam mo kung bakit? Kasi nasa harap ko na yung pinakamalaking star."

Bumanat pa ang loko.

"Wag mo na akong idaan diyan sa mga pambabanat mo, may kailangan ka lang eh."

"Akin na kasi yung number mo nics."

"Ayoko nga eh! Mamaya text ka ng text, nakakabagot kaya yun!"

"HALA!!!! NICOLE NAWAWALA YUNG CELLPHONE KO!"

Kinapa kapa niya yung bulsa niya at naghalungkat sa bag niya. Ako naghanap narin, sumilip siya sa ilalim ng upuan. Pag angat ng ulo niya, lumuluha na siya. Hala! Anyare dito?

"Nicole nawawala, importante kasi yun eh huhuhu."

Nagpapanic ako kasi ngayon lang ako naka kita ng lalaking umiiyak, di ko alam kung paano patahanin.

"Nicole, p-pwede bang mag request?" Tanong niya habang nagpupunas ng luha. Jusko nakakaawa din naman pala itong si Buenaventure.

"A-aahhh, o s-sige ano yun?" Okay lang yan, minsan lang ako maging mabait kasi umiiyak siya eh hahaha, basta maganda parin ako. Char!

"Dial mo naman y-yung phone ko oh, baka sakaling sumagot yung nakakuha nun."

Dahil naawa ako sa tao at mukha ngang importanteng importante sa kanya ang phone niya, no choice ako, binigay ko yung phone ko, buti nga dala ko at may load yun eh haha.

Dinial na niya yung number niya.

*Ring ring*

Ha?

In-end call niya yung tawag at binigay sa akin ang phone ko.

"Yun oh! Hahaha one missed call from 09*********, salamat at nabigay mo yung number mo nics, bye! Hahaahaahahahahaha."
Tumakbo na siya paalabas ng room.

*jaw drop*

Ang galing niyang mang uto ha, pa segway segway lang siyang nawala yung phone niya.

Nalaman niya tuloy number ko, bakit di ko naisip yun!

Hayy nakaka stress, yan tuloy nagugutom na ako.

*bzzt bzzt* (vibration po yan ng phone -_-)

Kinuha ko ang phone ko, baka naman si Buenaventura ang nag text! Magpapalit nalang kaya ako ng sim? Kaso ang daming di maniniwala na akin yung bagong sim kaya wag nalang. Titiisin ko nalang yun.

Tinamaan Ako! (KN, kyrren) {COMPLETED} EDITING!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon