Chapter 11- Closeness

296 26 5
                                    

Nicole's POV

*Riiiinnnggg riiinnnggg*

Alam niyo ba kung sino ang pinaka epal tuwing umaga? Edi si Alarm Clock! Jusko, Monday na naman, hell life kapag Monday. Reporting na namin mamaya ni Duck, kinakabahan ako, mamaya baka magkamali kami tapos pagtatawanan kami. Kasi naman eh! Nung gumagawa kami ng report halos ako lang ang gumagawa, nakakainis kaya yun.

Tumayo na ako at naligo, nagbihis, kumain, nag toothbrush, nag ayos at lahat ng ginagawa bago pumasok, nagawa ko na.

Lyndon's POV

*Riiiinnnnggg riiiinnggg*

Arghh! 5 more minutes please. Napuyat ako eh.

******

Tumingin ako sa alarm clock ko, O_O, hala! Nakatulog pa ako ng 30 minutes.

Dali dali na akong pumunta sa CR at naligo tapos nagbihis kumain, nag toothbrush, nag ayos basta lahat.

5 minutes nalang! Mag sta-start na ang klase!

School....

Nicoles POV

Kita mo! Kita mo! Talaga naman! Ako nalang siguro mag isa mag rereport dahil kanina pa nag ring ang bell wala padin si Duck! Talaga namang nang aasar yun eh! Pero di nakakatuwa. Buti nalang wala pa yung teacher namin.

"Uy bess ano yan?" Bigla nalang sumulpot si Andy.

"Anong ano yan?"

"Yang mukha mo! Kanina kapa nakabusangot, di lang pumasok si Don eh, sus baka naman kasi nalate lang. Smile ka din."

Ngumiti ako ng pilit at tinawan siya ng pilit sabay irap.

"Eh paanong di mabubusangot kung hanggang ngayon wala padin siya! Yung report! Yung report ang inaalala ko!" Pag e-explaine ko sakanya. Itong si Andy lahat ng napapansin, binibigyan ng meaning eh.

"Wag ka nang ma beast mode diyan bestie. Oh para di ka mainip diyan, may knock knock ako."

"Ano?"

"Hiphop."

"Hiphop who?"

"Hiphopatawad mo, nagkamali ako~

Napangiti ako sa ka maisan ng bestfriend ko.

"Kita mo, napangiti kita! Use Divisoria in a sentence."

"Use it."

"Naglalakad ako sa palengke at nabangga ko si Divi, sabi ko, DIVI SORRY AH! Hahahahha pag binilisan mo, divisoria! Jahaahahahahah.

"Hehe, ang galing." Pumalakpak pa ako at nag mukhang amazed na amazed.

"Goodmorning class!" Energetic na pagbati sa amin ni Maam. Nakakagulat nga eh, bigla biglang na pasok, walang paalam! Char! Hahahaaah

"Goodmorning maam!" Ang sisigla nilang bumati, eh ako? Wala! Wala kasi akong mairereport mamaya. Ang hirap talaga umasa! Lalo na sa mga taong paasa!

*booggshhh*

Nagulat kami ng biglang may kumalabog sa may pintuan.

"S-sorry *hingal* maam *hingal* I'm *hingal* I'm late wooh!" Umupo na si Buenaventura sa upuuan niya. Malamang sa malamang uupo sa upuan hahaah baliw lang?

"It's okay Mr. Buenaventura, late ka lang naman ng one minute and 28.6 seconds. So okay, let's start na sa reporting, is everyone ready?"

"Yes maam!" Heheheh yes na yes! Dumating na siya eh.

Tinamaan Ako! (KN, kyrren) {COMPLETED} EDITING!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon