Chapter One

483 4 2
                                    

First Story guys. Hindi pa naman ako ganun kagaling pagdating sa pagsusulat pero itrtry ko yung best ko. Sorry sa mga wrong grammars and spelling. Hindi naman kase ako perpektong tao e, nagkakamali din naman ako. 

So Enjoy! :)))

------------------------------------

Chapter 1.

Nandito kami ni Janine ngayon sa mall. Bibili kase kami ng mga gamit for school, 2 weeks nalang kase pasukan na. Hindi naman sa excited kami. Syempre ayaw naman namin bumili ng mga gamit kapag late na. Masikip at magulo na kase sa mga malls, minsan mahaba na yung pila sa counter kaya mas mabuti na yung maaga diba? Para iwas sikipan narin.

Si Janine bestfriend ko siya since 1st year High School palang ako. Siya yung una kong naging close sa school kase kakauwi ko lang nun galing Singapore. Actually sa Singapore na ako lumaki. Well parehong Pilipino naman ang parents ko. 

"Waaa! Ayah ang cute ng ballpen na ito!"

Sigaw naman saakin ni Janine ng makita niya yung ballpen na pink na may feather pa. Napakakikay kase ni Janine. Walang wala ako sa kanya. 

"Ano ka ba! Pang elementary lang yan no. Haler 4rth year na tayo."

Sabi ko naman kay Janine. Hindi kase ako mahilig sa mga pang kikay. Hindi rin ako nagsusuot ng mga pambabaeng damit, i mean fashion na mga damit na katulad ng mga sinusuot ng mga kikay girls jan. T-shirt jeans and sneakers lang lagi kong suot. 

"Kaloka ka Ayah! Ano ba, lagyan mo naman ng kahit konting fashion ang buhay mo!"

Sigaw naman ni Janine saakin. Haler ito ang fashion ko ang pgiging simple. Wag nga siya jan! Haha.

"Haler! Hindi ko naman yan kailangan e, tsaka may kanya kanyang fashion naman tayo e. Kaso nga lang ang fashion ko ay mas simple. Osya jan kana muna at may bibilhin lang ako sa bandang doon"

Sabay turo ko doon sa area ng mga libro. 

"Haynako Ayah, ayan ka nanaman, tapos pag magkasama tayo e mas malaki pa yung oras mo sa libro e. Nagseselos na nga ako!"

Sigaw naman saakin ni Janine at sumimangot pa siya. Napangiti naman ako sa sinabi ni Janine. Ang sweet sweet niya talaga. Hahaha. 

"Chos! Wag ka ngang mambola jan."

Matapos ko yun sabihin kanya, ngumiti naman ako sa kanya at umalis na. Dumeretso na ako doon sa mga libro. Yumuko naman ako para makita pa yung ibang libro na nasa ibaba. Kinuha ko yung isang libro ang title ay Collide. Nacurious naman ako kung anong meron kaya kinuha ko agad. Tumayo na rin ako para balikan si Janine. Sa pagtayo ko para bumalik kay Janine may nabangga akong isang lalaki dahilan ng mahulog ang hawak hawak kong libro at ang hawak hawak niyang libro. 

"Naku Sorry po."

Hindi ko na siya tinignan at kinuha ko agad ang libro. Shet nakakahiya!  Ng mag aakmang kukunin ko na sana ang librong bibilhin ko natigilan na lang ako sa nakita ko. Parehas kami ng librong bibilhin. Maya maya pa nakita ko nalang yung braso at kamay ng lalaki na kinuha niya ang libro. Kinuha ko na rin naman yung akin at tumayo sa hindi inaasahang pangyayari sa pagtayo laking gulat ko nalang ng makita ko siya. Halos hindi ko alam ang irereact ko hindi ko mahanap yung gusto kong sabihin nararamdaman ko nalang na bumilis ang hearbeat ko tinitignan ko lang siya habang salubong ang kilay niya at pinapagpag niya yung librong binili niya. Halata ang  pagkainis sa mga mukha niya. Wait! Totoo ba to? Totoo ba tong nakikita ko?

"Sa susunod magingat ka naman."

Galit na naman na sabi ng lalaking ito. Bumalik nalang ako sa katinuan ng magsalita siya. Aalis na sana siya ng bigla ko siyang hawakan sa balikat niya, lumingon naman siya saakin, sa paglingon niya hinawakan ko naman agad ang mga braso niya. 

You And I Collide ( O N H O L D)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon