Break 1

187 3 0
                                    

BREAK UP GOALS

"Anong ibig sabihin nito?!"

Napapikit ako sa sigaw ng isang babae dito sa park. Hindi ako yung sinisigawan niya. It's the guy, sharing a table with me which is also sitting in front of me. Not again.

I opened my eyes. Nakatayo na yung lalake at namumula na yung pisngi niya. Pinilig ko yung ulo ko. Another scene I shouldn't miss.

"'Wag ka ngang gumawa ng gulo dito." Mariin niyang sabi.

Nakapostura pa ang babae, puti ang kutis at nakakulot pa ang buhok. Para siyang isang model dahil sa pula niyang labi. He looks like a bitch either.

"Pa'nong hindi?! Anong ibig sabihin ng picture na 'to!" tinapon niya yung isang picture sa mukha niya.

"Hindi ba obvious? I'm kissing her cheek." Umismid pa ito habang nakapamewang.

Napaawang ang bibig ko sa susunod na nangyari. Tinuhod siya nung babae sa pagkalalaki niya. Napaluhod siya sa sakit.

Umalis na yung babae na. Kita ko pa ang pagkalat ng mascara ng kanyang mata dahil sa pag-iyak niya. At ang dating parang model ay naging si anabelle na. Binaling ko yung tingin ko kay Callous.

Tinaasan ko siya ng kilay. Sinimulan ko ng iligpit yung mga gamit ko. Tumayo ako at sinipa siya. "Tumayo ka nga diyan."

He raised his hands in the air, asking for my help.

I rolled my eyes."Oh please, 'wag kang OA. Hindi naman talaga natamaan yang pagkalalake mo e." Tinapon ko yung bag niya sakanya.

"Aray naman,Zy!"

I crossed my arms.

"Sabi ko nga, tatayo na." Sinuot niya yung bag bago tumayo ng maayos.

Mabilis akong umatras nung akmang hahawakan niya ako."Gross, don't touch me."

He frowned. "Ang arte mo ah!"

"Kakahawak mo lang sa ano mo, eww-wmp!"

Halos mamatay ako sa kakasampal sakanya nung pinisil niya yung dalawa kong pisngi. Kadiri! Damn!

"sht naman!" tinulak ko yung mukha niya.

Inakbayan niya ako sabay ginulo yung buhok ko. "Kala mo naman, virgin." Humalakhak siya.

Siniko ko siya. Dinuro ko siya ngunit bago pa ako makasalita ay tinakpan niya na yung bibig ko gamit yung kamay niya. Nanlaki yung mata ko.sinapak ko yung kamay niya.

"Kadiri."

"Patay ka talaga sa tatay nun, gobernador pala tatay nun. Pinatulan mo pa."

Kumakain ako ng fries habanag sinesermonan nila kuya Mart si Callous. Kanina pa nga ngiwi ng ngiwi itong katabi ko.

"Kuya Mart, hayaan niyo na. Tapos na e. Wala na kami nung babae." He stretches his arms. Pero bago pa siya makaakbay sakin ay siniko ko na siya. Sinimangutan lang naman ako ng siraulo.

"Astig nga nun kuya. Kung nakita mo lang yung nangyari kanina? Masasabi mo talagang,, yun ay isang BREAK UP GOALS" I looked at him with a smirk on my face.

"The hell? What do you mean by that?" he reacted, over reacted.

Humalakhak si Kuya Mart.

"Kung magbebreak man lang kayo, treasure the last moment. You can take it sweetly, yet harsh. Slap him with your nail polished, talk to him with your voice raise. And kick -"

"Yeah, yeah. Whatever." He stood up.

I laughed.


Break Up GoalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon