"Nakakatamad!" sigaw ko.
Binagsak ko ang katawan ko sa kama. Sem-break. Nagawa ko na ata lahat. Nakapagdrawing na ako. Kumain ng kumain, manood ng tv, maglinis, kumain ulit, matulog. Ano pa? Umikot ako at isinubsob yung mukha ko sa unan ko. Matutulog na lang siguro ulit ako. "hayyyy."
Nakaramdam ako bigla ng hilo nang biglang gumalaw yung kama ko.
"Ano ba!" nagtago ako sa kumot.
"Magbihis ka na nga! Aalis tayo!"
Nawala yung antok ko sa sigaw ni kuya. "For real?" napaupo ako ng may ngiti sa labi.
Nagmake-face siya. "Oo! Isasama kita sa lakad ng barkada, andun naman si Arisse."
Nagtatatalon ako sa kama. Sa wakas!
"I'm ready!" nakangiti pa ako habang linalapitan si ate Arisse. "Oh, matchy matchy."
Pareho kaming nakaskirt at spaghetti strap top. Iba nga lang yung color and also the style.
"Oh yas, sister." Inayos niya yung buhok nakakulot ang dulo.
"Gusto ko yung sister a." I winked.
Nangangamoy kasalanan na e. Hahaha, sana naman!"Sige,sige. Papunta na kami." Mas lalo akong na-excite nung narinig kong may kausap si kuya sa phone.
"Ansaya mo ata?" asar ni kuya sakin.
"Wag ka ngang basag trip."
I wasted 3 days na wala man lang maayos na ginagawa.
Ngunit ay tila nawala ng parang bula ang saya ko nang nakita ko kung sino ang makakasama ko ngayong araw.
Si kuya Blue,Jace at Casper kasama yung mga girlfriends ata nila AT si Callous. Sino pa ba? Mukha siya naman talaga yung bida sa storyang ito at ako yung sampid na paganda na sana yung araw kaso biglang dumating yung prince charming ng lahat na manloloko naman.
Napaismid ako at napahalukipkip sa gilid.
"Oh, group date pala 'to? I didn't know. Sana pala nagdala ako ng date ko." Puno ng sarcasm kong sabi.
Humalakhak silang lahat. Umirap ako at naunang naglakad. Buti na lang pala at may dala-dala akong pera. Hindi ko talaga maaasahan si kuya pagkasama niya yung barkada niya. napailing ako at pumasok sa isang pastry shop.
Magbabayad na dapat ako nung may nagabot na ng gold card sa cashier.
"Isang vanilla ice cream din." Sabi niya sa cashier.
Tinapunan ko siya ng masamang tingin while he play dumb. nauna akong umupo sa pinakamalayong table which is, nasa pinakalikuran na part ng shop.
"Ba't mo 'ko sinundan?"
Ngumisi lang siya at nagkibitbalikat. "Kasi gusto ko."
"Kasi gusto mo? Huh?" I snorted.
Tumawa lang naman siya. Inalis niya sa tray yung pagkain. "Kasi gusto ko." Ulit niya.
Inirapan ko siya. "Kung sabihin ko naman sa'yo na gusto kong mapag-isa?"
"Pwede rin naman yun."
"Then. Leave me-"
"Pero hindi ngayon. Date muna tayo." Kinindatan niya ako.
"Date? Ha! Kikiligin na ba ako?" inirapan ko siya.
Mas lalong lumaki yung ngisi niya.
"Sa'n tayo?"
"Uuwi na ako. Salamat sa libre." Tinalikuran ko siya kaso bago pa ako makalimang hakbang ay inakbayan niya na ako.
"Ang bilin sakin ni Kuya Mart, pasayahin daw kita. Super bored mo daw-"
"Oo na." Hinila ko siya papuntang arcade ng mall.
"Watch me." muli ay kinindatan niya ako as he was to swipe the card sa isang basketball machine, hindi ko alam yung name.
I snorted at kinuha yung card sa kamay niya. Pinilig ko yung ulo niya habang hinihintay na idrop nung arcade machine yung mga bola. "I'll rather be playing than watching you." umirap ako.
Humalakhak siya. "That's my girl."
"I'm not your girl." I snarled.
"You was, and will be."
Pawis na pawis ako pagkatapos ng laro. Ilang beses ko siyang tinry na i-beat, muntikan na sana yun kanina. Lamang lang naman siya kasi basketball player siya, duh.
"Basang-basa na yung kili-kili mo."
Nanigas ako saglit bago ko siya nabatukan.
Inamoy niya yung kamay niya na nilagay niya kanina sa kili-kili ko. "Mabango pa rin naman."
"Sht ka!" sinabunutan ko siya.
Hinuli niya naman yung kamay ko at pinayakap ito sa bewang niya. "Babe naman." Panunuya niya.
Umuusok na yung pisngi ko. Hindi ko na alam, sobrang init na ng pisngi ko. Ayoko tuloy isipin kung dahil ba ito sa galit o inis o sa ... err, something romantic.
Sinuntok ko yung tiyan niya at napahalukipkip. Nag-iwas ako ng tingin. I left him there. May nangyayari na kasing kababalaghan sa tiyan ko. I shook my head, mentally. Gutom lang ako, yes.
Nilingon ko siya nang napansin kong hindi siya sumunod sakin. I raised one eyebrow. Ngumuso siya, tapos ay ngumisi.
"I'm hungry." I spat.
Nanlaki yung mata niya, in a very sarcastic way. "Ohh, wanna eat me- ow." Sinuntok ko ulit siya. "Gutom na rin ako." He grabbed my hand at hinila ako sa pinakamalapit na resto na nakita.
"Powder room lang ako." Paalam ko. "Uh, just order anything for me."
Tumango siya at binaling yung tingin niya sa menu at sa waiter.
After freshing up, lumabas na ako.
I was running my hands through my hair habang papunta ako sa table. Kaso ay mabilis din naman ay napatigil nang may nakita akong ibang kausap si Callous.Bumagsak ang mga balikat ko. I stared at both of them. Nakaupo yung girl sa upuan na dapat ay ako ang uupo. If this girl is his girlfriend, then I should go out and leave this place. Hindi kakayanin ng konsensya ko kapag harap-harapan kong malalaman na ako yung dahilan ng break-up at paagkakasampal ng babae sa pisngi ni Callous. Kahit na alam kong never pa pa namang nagseryoso si Callous sa kahit sinong babaeng nakakarelasyon niya. kahit na alam kong fling lang ang mga ito... ayoko siyang masaktan ng dahil sakin. Kahit napakiramdam ko na ako ang dahilan ng mga sampal na nakukuha niya sa bawat babae. Hindi kasi e, hindi naman talaga yun yung break-up goals.
BINABASA MO ANG
Break Up Goals
RandomRelationship Goals? Squad Goals? Hmm. Is there such thing as Break Up Goals? Sa rami ba naman ng nawawalan ng forever daw kuno, halatang marami na.