BREAK 6

24 1 0
                                    

Happy Birthday

Naging normal naman ang mga sumunod na araw. After that day, kabado parin ako. Hindi ko naman kasi hawak ang utak nung mga nasaktan at niloko ni Callous.

Natapos naman yung araw na yung na walang nangyayaring masama kaya nakahinga ako ng maayos. May practice sila kuya ngayon sa basketball pero hindi ako pumunta para manood sakanila. Dumeretcho ako sa art room. Malapit na yung competition na sasalihan ko. At wala pa akong magandang naiisip para sa magiging subject ko.

"Hello"

Nagmimix ako ng color nung biglang tumawag yung kurimaw sakin. Maingay yung background, halatang maraming nanonood kahit practice lang ng team. Bumuntong hininga ako. Ano pa ba iisipin ko? Sa mundong ito, marami talaga ang desperada at malalandi.

"Hindi ka manonood? Asan ka ba?"

Binitawan ko yung paint brush ko. "Practice game lang naman yan."

Sinimulan kong gumawa ng outline. Ngayon, gusto kong magtry ng mukha ng artista.

"Where are you?"

"Art room."

"Pupunta ako diyan-"

"Shut up. 'Wag ka nga diyan."

"Edi ikaw pumunta dito. "

I rolled my eyes. Wala ba siyang girlfriend ngayon at ako yung kinukulit niya. "Magprapractice ako dito, magpractice ka diyan."

"You're not here."

"Then? Hindi ko naman hawak yung basketball ring. Ano ba, 'wag ka na ngang makulit." Pinahalata ko na sakanya ang pagkakairita sa boses ko. "I should be ready, malapit na yung competition... practice lang naman yan."

"Hindi ka rin naman makakapunta sa championship.." humina ang kanyang boses. Rinig ko galing sa kabilang linya na tinatawag na siya ng mga kasama niya. Pero tila ay wala siyang pakielam.

"Ba't ka nagtatampo?" tumawa ako.

Hindi siya sumagot. Napairap ulit ako. Hindi naman nakakakonsensya yung ginagawa niyang pagtatampo, nakakainis nga. Hindi naman niya ako girlfriend at hindi naman ako nagpromise na pupunta ako sa practice na yan.

"Tapos hindi ka sasagot? Ibababa ko na nga yung tawag. Bye."

Kagaya nga ng sinabi ko ay binaba ko na yung tawag. Una sa lahat, ayaw ko sa mga OA na tao.

Pagkatapos ko sa art room, na hindi ko man lang tapos yung ginawa ko, dumaan muna ako sa powder room para makapagbihis ng shirt. Sunod ay naglakad na ako papuntang gate. Tahimik na yung campus. May iilan pa namang tao, siguro yung mga may night class. Madilim na kasi yung langit. Tatapusin ko pa sana yung gawa ko, pero gabi na.

Pauwi na ako galing school nung feeling ko ay may nakalimutan ako. Nakabihis silang lahat pagdating ko sa bahay.

"Ba't ngayon ka lang? Magbihis ka na nga at aalis na tayo."

Sumimangot ako. Nilapag ko sa sofa yung bag ko pati na rin mga libro.

"Anong meron? And where are we going?"

"Kela Callous. Bilis na, magbihis ka na." Tinulak niya pa ako papunta sa hagdan.

Napangiwi ako. Hindi naman niya nagawang sagutin yung tanong ko. Mabilis akong naligo, at blinower yung wavy kong buhok. Nagshort lang ako tapos ay loose floral top. Flat shoes. Konting lip balm at bumaba na ako.

Hanggang sa loob ng kotse, nagtataka parin ako kung anong meron.

"Nagtatampo ata yung si Callous sa'yo kanina." Panimula ni Kuya.

I rolled my eyes. "Ano naman ngayon? Hindi lang naman siya yung may practice kanina."

"Dalawang kagrupo namin yung na-injured dahil sakanya kanina."

Sinandal ko yung ulo ko sa sofa ng kotse. "At kasalanan ko? Kasi hindi ako pumunta?" umirap ulit ako.

Hindi na ulit nagsalita si Kuya. Tanging iling lang ang natanggap kong sagot sakanya.

Pagdating namin sa loob ay kakaunti lang yung tao. Mukhang family and friends lang ata yung invited dito. Family and friends. Anong ginagawa ko dito? Tsk.

"Happy Birthday,bro." Nagman-hug silang dalawa ni kuya.

Nanlaki ang mga mata ko,kasabay ay napaawang ang aking bibig. Anong araw ba ngayon?

Napatingin siya sakin at napailing. Hindi ako dapat makonsensya pero nagawa ko. Umayos ako ng tayo at sumunod sakanila sa loob.

"Chisel!" bigla akong niyakap nung mama ni Callous.

I suddenly feel uneasy. It's been years since the last na nagkita ako ng mama niya.

"Hi po, tita." I smiled.

Para siyang yung second mom ko noon. We're close, hindi ko lang alam ngayon.

"Mas lalo kang gumanda ah." She caressed my cheeks.

Ngumiti lang ako. I'm not expecting this thing to happened. Hindi ako ready, putcha.

"'wag ka ngang ma-awkward sakin." Tumawa siya. Kilalang-kilala niya parin ako.

Huminga ako ng malalim bago nagsalita ulit. "Sorry po." I hugged her again.

Hinago-hagod niya yung likod ko. Hinarap niya akoo sakanya. "Alam ko naman yung mga nangyayari, kapag may time naman kasi nagkwekwento parin sakin si Callous. Kaya don't worry."

Uminit ang gilid ng aking mata. I bit my lip.

"Ma, kakain na."

Pareho kaming napatingin sakanya. Tumango siya sakin bago umalis.

"Happy Birthday." Umupo ako sa tabi niya.

"Salamat." Tinignan niya ako.

Nag-iwas ako ng tingin. "Sorry, nakalimutan ko." I pressed my lips using my index finger.

"Okay lang. Nakabawi ka naman. You made my mom happy."

Nilingon ko siya. Nakangiti siya, but with teary eyed. "Sobra ka niyang namiss, alam mo yun?"

"I miss her too." Ngumiti ako.

"E ako?" humalakhak sya at ginulo yung buhok niya. "joke lang."

Napatingin ako sa paligid. "Wala atang sumasampal sa'yo ngayon?"

"Wala nga e. Kanina meron." Ngumuso siya.

Tinaasan ko siya ng kilay. "May nakipagbreak ulit?"

"Wala. She slapped me, but not literally."

Break Up GoalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon