Worst
Papalabas na ako nang room nang nakita kong nakatayo si Callous sa may pinto ng room. Probably waiting for me. Mabilis akong napaatras at lumiko para dumaan sa kabilang pinto.
"Chisel!"
Nagkunwari akong walang narinig at pinagpatuloy ang paglalakad ko.
Sa paglabas ko ay sinalubong ako ni Rafael,kapartner ko sa thesis.
"Oh,Rafael?" Naiilang akong ngumit sakanya.
Napatingin ako sa likod ko. Nanlaki ang mga mata ko nang nakita kong papunta na si Callous sa direksyon ko.
Nag-iwas ako ng tingin at tinignan si Rafael. "Tara,dun sa cafeteria na lang natin gawin ang thesis."
Nauna akong naglakad at sumunod naman si Rafael sa akin.
"Okay."
Nilapag ko ang mga gamit ko sa table. Free time ko lang dapat ngayon. Kaso kung uuwi ako, matatagalan ako sa paghahanap ng taxi, baka mamaya maabutan pa ako ni Callous.
"Anong gusto mong kainin?" Biglang tanong ni Rafael.
Ngumiti siya sa akin, "treat ko,bilis. Nagugutom na ako."
Natawa ako sa reaksyon niya. "Cheesecake lang,"
Tumango siya at umalis na.
Nilabas ko yung laptop ko pati narin ang memo pad ko. Hinihintay ko na lang mag-on ang laptop ko nang bigla kong nakita si Callous mula sa gilid ng aking mga mata. Papalapit siya sa table, pero nagkunwari akong hindi siya nakita.
"Chisel, mag-usap nga tayo." Malamig ang kanyang boses,nagpapahiwatig na galit siya.
Hindi ko siya tinapunan ng tingin. Sinimulan ko ang pagtatype sa laptop para magkaroon ng dahilan para hindi siya kausapin.
"I'm busy,Callous. Kita mo naman diba?"
"Iniiwasan mo ba ako?"
Tinignan ko siya. Hindi ko napigilan ang pag-irap. "Ba't naman kita iiwasan?" I chuckled to cover my lies.
"Bakit nga ba?" Humina ang kanyang boses. "Mag-iisang linggo nang ganito ang set up natin,Zy."
"Isang linggo pa lang naman pala, ba't hindi natin patagalin pa?"
He flinched. Hindi siya nakasagot. Ngunit ay nanatili siyang nakatitig sa akin. Napailing siya as he snorted.
"Hindi rin naman kasi kailangang parati tayong magkasama. May sarili din akong buhay, at ikaw rin."
"Parte ka naman ng buhay ko. Ganun rin naman ako noon sayo diba?"
Kinagat ko ang labi ko. "Noon yun,Callous. Iba na ngayon." Mariin kong sabi.
Bumagsak ang kanyang mga balikat. He sighed "Your words like knife won't stop me, kahit na sobrang nasasaktan na ako," may kinuha siya sa loob nang bag niya at nilapag ito sa mesa bago umalis.
Napabuga ako nang hininga habang tinitignan yung isang pulang rosas na kanyang nilapag at iniwan.
May nakadikit na papel dito. Ngunit kahit hindi ko hawakan ay nababasa ko ang nakasulat. Sulat kamay niya ito.
"I miss you;("
Nilagay ko ito sa gilid ng laptop at pinagpatuloy ang ginagawa ko.
"Wooh, ang haba ng pila."
Nilapag niya yung tray ng pagkain.
"Eto na yung cake mo,"
"Thank you,"
Hindi ko sinasadyang mapatingin sa ibang direksyon. Sa direksyon kung saan nandun si Callous.
Malayo-layo ang table na kanyang inuupuan kasama sila Kuya.
Nakatitig siya sakin. Galit,ngunit ay napailing na lamang siya. Nauna akong nag-iwas ng tingin.
"Sinimulan mo na pala,"
Nakaupo si Rafael sa tabi ko habang kumakain. Nakatingin siya sa screen ng laptop ko.
"Ah, oo." Wala sa sarili kong sagot.
Tinaasan niya ako ng kilay. Sinundan niya yung tinitignan ko kanina. Pinagpatuloy ko yung ginagawa ko ha ang kumakain.
"Hindi mo rin nakaya ang ugali niya noh? Ang sama talaga ng ugali niyang taong 'yan."
Napatingin ako sakanya dahil sa biglaang pagsalita. Kumunot ang noo ko.
"Sino?"
"Si Callous," ngumiwi siya at pinagpatuloy ang pagkain.
"Ba't mo naman nasabi 'yan?"
Nagkibitbalikat siya,"marahil ay dahil niloko niya ang Ate ko at sinulot niya yung girlfriend mo? At ngayon,tignan mo. Pati ikaw iniiwasan mo rin siya."
Naningkit ang mga mata ko,still frowning. Hindi ako sumagot,yet I clenched and unclenched my jaw.
"Totoo naman diba?" Napairap siya.
Nag-iwas ako ng tingin at nagkibitbalikat. "Ewan ko,"
Manloloko siya, oo aamin ko. Pero yung sinulot niya yung girlfriend ni Rafael? Hindi ko ata alam yun. I don't he's worst than I think. Mas lalo lang nangingibabaw ang pagkamuhi ko sakanya. Mas lalo lang akong naiinis sakanya.
Hindi narin muling nagsalita tungkol sakanya si Rafael matapos nun. Maaga kaming natapos dahil may pasok pa siya, ako naman ay napagdesisyonan kong umuwi na lang.
Kanina ay tinext ako ni Carla. Ilang araw na yung wala kasi nag-OOJT sa ibang bansa. Taray naman kasi nung baklang yun,nakakamiss tuloy.
Papunta na ako sa gate nang napadaan ako sa lobby. Napatigil ako when I heard a familiar line.
"Manloloko!"
Napapikit ako nang narinig ko ang isang malutong na sampal. Sa isang poste ay nagtago ako para tignan ang nangyayari.
Right. It was familiar, kasi si Callous ulit. He was slapped again. Another break up happened.
Walang emosyon ang mukha ni Callous habang tinitignan ang babae.
Kinagat ko yung labi ko. I stayed there for a minute.
Hindi ko talaga siya maintindihan.
Nasasaktan daw siya,pero bakit parang hindi ko makita ang sakit sa kanyang mga mata.
Nanlaki ang kanyang mga mata nang nakita ako. Ngumiwi ako at napailing...
He just hurt another girl again. And as I said,he was slapped again. Sinaktan siya physically, but he's not hurt. Hindi niya nakuha ang dapat sakanya.
Hindi break up goals.
BINABASA MO ANG
Break Up Goals
RandomRelationship Goals? Squad Goals? Hmm. Is there such thing as Break Up Goals? Sa rami ba naman ng nawawalan ng forever daw kuno, halatang marami na.