BREAK 13

15 3 0
                                    

That's my girl

"Chisel, mag-usap nga tayo."

Tinaasan ko ng kilay si kuya. His jaw clenched. Matalim ang kanyang tingin sakin.

"Anong problema mo?"

"Sinagot  mo na ba si Callous?"

"What? Sa'n mo naman nakuha yan?" Napasinghap ako.

"Hindi na importante. Alam mo na ang ugali ni Callous,Chisel."

Napairap ako. "Alam ko, kaya nga hindi ako pumayag na magpaligaw."

Ang lakas mang-asar tapos kapag may issue na sinagot ko, susugod na parang mali yung nagawa ko daw na hindi ko naman ginawa.

"Ba't hindi ka pumayag? Ang ganda mo a," ginulo niya yung buhok ko.

Tinignan ko siya ng masama. "Ang lakas din ng topak mo e no? Magpacheck up ka na kaya," tinulak ko siya at inayos yung buhok ko.

"Pero gusto mo siya diba?"

Inikot ko ang mga mata ko, "wala akong sinabi,"

Hindi ko siya pwedeng magustuhan. Alam ko naman na hindi siya marunong magseryoso pagdating sa isang sa isang relasyon. Alam ko rin na darating ang araw na magkakagusto siya sa isang babae, at yung babaeng yun ang makakapagbago sa kanya.

Alam ko naman na hindi ako yung babaeng yun. Sino naman ako? Antagal na naming magkakilala pero hindi parin siya nagbabago. At yung sinabi niyang gusto ako? Tsk, halata namang trip niya lang yun.

"Okay sana siya, kaso..."

“Hindi magiging okay, hanggang may kaso..” pabalang kong sabi sakanya.

“May game kayo ngayon?”
Nakajersey kasi siya ngayon at  parang  aalis.

Tumango siya. “Oo, gusto mong sumama? Andun si Callous.” Ngumisi sya.

Ngumiwi ako, “hintayin mo ‘ko. Magbibihis lang ako.”

Mas lalo siyang napangisi sa Sinabi ko. I snorted at tinapunan siya ng unan. “Sasama ako kasi nababagot na ako dito sa bahay, hindi para Makita siya.” I rolled my eyes.

Humalakhak siya. “Oh, defensive ata kapatid ko ngayon”

Nagmake-face ako at inirapan siya. Alam kong wala akong mapapala sakanya kaya tinalikuran ko siya at pumanik na papunta sa kwarto ko.

Nakashorts  lang ako na hindi naman masyadong maikli at v-neck shirt. Hindi ko naman alam kung saan ang laro nila kuya ngayon kaya nagsneakers na rin ako.

“Sino  kalaban niyo ngayon?” tanong ko habang nagdradrive siya.

“Sila Jasper.”

Nanlaki ang mga mata  ko. “Si Jasper?”

Si  Jasper,  siyang yung  parating nakakaaway ni Kuya. Sa totoo  lang ay alam kong damay lang si Kuya. Si Callous kasi talaga ang kaaway ni  Jasper. Kaklase ko siya sa isa sa mga subject ko noon. Mabait naman yung tao sa akin, pero nakakatakot kapag nakikita kong nagkakasama sa isang lugar ang dalawa.

Bigla akong nakaramdam ng lamig sa sistema ko. Hindi ko  alam kung tama ba na  sumama ako kay kuya.

The last time na nakita ko silang naglalaro ay  nauwi sa suntukan ang dapat ay isang basketball game. Hindi man totally na sa mismong laro sila nagsuntukan. Kahit na nangyari ito pagkatapos ng game, grabe pa rin yung nangyari noon. Ilang beses  ko nang nakitang nasampal si Callous, sanay na ako. Pero hindi ako sanay na may nakikitang dugo na dumadaloy sa kanya.

Break Up GoalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon