Break 5

47 3 0
                                    

Gusto

"Sorry..."

Tinignan ko siya sa gillid ng aking mga mata. Umalis na si Carla. Pinaalis ni Callous. Buti na lang at hindi nagalit. Buti na lang at naintindihan niya na masama talaga ang ugali nitong kasama ko.

'Ingat ka gurl. Bwahahaha :*'

Palihim akong natawa sa text niya. He really knows how to make me laugh. Kahit na kakakilala ko pa lang sakanya.

"Don't be." Nag-angat ako ng tingin sakanya.

Mataas talaga siya. Hanggang chin niya nga lang ata ako, or hanggang leeg lang talaga. Ewan ko. Matangkad,gwapo,mayaman,talented, kaso manloloko. Napailing ako sa iniisip ko. Nobody's perfect.

"Bakit hindi? I should be." He bit his lower lip. "Sinaktan na naman kita..."

"You're sorry won't change anything." Nasaktan na ulit ako.

Kapag nagkapeklat na ang isang relasyon, kahit bawat Segundo ka pa magsorry, hindi na nito kayang ibalik sa dati ang dating anyo. Maliban na lang kung may isa pang paraan para mabura ito. Pero Malabo.

Gumapang ang mga kamay niya sa mga kamay ko. Pinasalikop niya ang aming mga daliri. Gusto kong itaboy ang mga ito, pero hindi ko ginawa.

"Sumama ka sakin." Hinila niya ako papasok ng kotse niya.

Pagkasirado niya ay nanlaki ang mga mata ko nang natanaw ko ang isang babaeng umiiyak. Nakatingin siya sa kotse ni Callous. Kinabahan pa ako, dahil hindi lang ito bastang tingin. Masama, sobrang sama ng tingin niya. Hindi ko maintindihan ang kaba na nararamdaman ko. Bumukas ang pinto sa banda ng driver seat. Ngunit bago pa siya tuluyang makapasok ay may sumapak na sakanya.

"Callous!" natumba siya dahil sa lakas ng pagkakasuntok sakanya.

Nataranta ako. This is the first time. Suntok na yung natanggap niya, hindi sampal. Leche! Babaero kasi!

Nanginginig pa yung mga paa ko nang lumabas ako ng kotse para puntahan siya. Napasapo ako sa noo ko sa nakita ko. Hindi naman kasi babae ang nanakit sakanya ngayon. Napaawang ang bibig ko.

"Stop it!" lumapit samin yung babaeng nakita kong umiiyak kanina.

Tinitigan ko siya. Halata namang may kinalaman siya sa mga nangyayari ngayon. Nagtagpo ang aming mga tingin. Konti ay napaatras ako. Nakakatakot yung mga tingin niya sakin. Nanlilisik ang kanyang mga mata. Maging yung tingin ng lalake sakin ay iba na.

"You'll pay for this, Callous."

Umalis naman sila agad.

"Zy-ouch!"

Nakaupo pa siya sa sahig nang nakaalis yung babae at lalake. Sa inis ko ay sinipa ko siya.

"Bakit mo 'ko sinipa?!"

Tinignan ko siya nang masama 'saka sinipa ulit. Walang hiyang tao 'to! tumayo siya at nagtataka akong tinignan. Putok ang kanyang labi at dumudugo pa. Ngunit ay hindi parin nabawasan ang kanyang kagwapuhan. How can he even manage to do that? I bet if he's god, he will be the god's of heartbreaks. Dun naman siya magaling.

"Sht Callous! Pati ba naman lalake, pinapatulan mo?!"

Napaawang ang kanyang bibig. Ilang sandali lang naman ay umangat ang gilid ng kanyang mga labi pagkatapos ay tumawa. Napahawak pa siya sa tiyan niya.

Sa inis ko naman ay sinuntok ko siya. "Damn! I'm not joking!"

"But you're funny!" humalakhak ulit siya.

"Ugh!" tinalikuran ko siya.

Pumasok ulit ako ng kotse. Ginaya naman niya ako. Nakangiti siya habang nagdadrive. Gustong-gusto ko na siyang sapakin. Sakit sa ulo!

"Boyfriend yun nang babae, yung sumuntok sakin." Bigla siyang nagsalita nung lumitaw ang red light sa traffic light.

Nanatili ang tingin ko sa labas ng bintana. Hindi ko mawala sa isip ko yung tingin ng mga yun sakin kanina.

"Iniwan kasi siya nung babae para sakin. Tapos kanina lang ay nagbreak kami nung si Cheska." Ramdam kong tinignan niya ako. "And, fvck. Hindi ako pumapatol sa lalake noh. Sayang naman yung kagwapuhan ko!" humalakhak siya bago pinaandar yung kotse.

Hininto niya yung sasakyan sa beach resort nila dito sa lugar namin. Tahimik akong pumasok. Sumunod naman siya. Sana naman ay naramdaman niya yung takot ko. I was ever stared that way.

"Zy." Kinalabit niya ako.

He looked in my eyes. Hindi ako naging kumportable sa tingin niya. He knows i'm not okay.

"Asa'n nga ba dito yung clinic niyo? Tara, gagamutin ko 'yang sugat mo." Nag-iwas ako ng tingin at tinalikuran siya.

I let out a deep sigh.

Malamig ang hangin dito sa tabing dagat. Puno ng bituin ang langit, maliwanag ang buwan.

I hugged myself. Isang crop top lang ang suot ko at isang maong pants na hanggang bewang ang taas.

"Nilalamig ka? Gusto mo, hug kita?" tinulak ko ang mukha niya sa biglaang asar niya sakin. Pareho kaming nakaupo sa buhangin. Humalakhak lang naman siya. "Papadating na daw sila kuya Mart."

Hindi ko alam na may plano pala silang dito matulog. Siguro ay dahil ilang araw ko din siyang hindi kinakausap.

Tumango ako at nagsimulang paglaruan ang mga buhangin.

"Anong problema?"

Hindi ko siya tinignan. "Kanina, yung tingin sakin nung lalakeng sumuntok sa'yo at nung babae... it bothers me. nakakatakot."

Akmang hihilahin niya ako patungo sakanya pero pinigilan ko siya. "Baka may makakita na namang girlfriend sakin."

Nagmake-face siya. "I don't care." Lumapit siya sakin at niyakap ako galing sa likod.

I flinched. Nabigla ako sa biglaang pagyakap niya. Pekeng naasar ko siyang tinataboy. "Chansing! Yuck!" nagpumiglas ako para makawala. Ngunit dahil sa ginawa ko, mas lalo niya lang hinigpitan yung yakap niya.

"Leche Callous! Bitawan mo nga ako."

Humalakhak siya sa tenga ko.

"Isa, bibigwasan na talaga kita hayop ka!"

Tumawa siya. "Edi bibitawan." Isang mahigpit na yakap ang ginawa niya bago bumalik sa pwesto niya kanina. Somehow, I was disappointed. Aaminin ko, nagustuhan ko yung ginawa niya.

Agad ko namang binura sa utak ko yung iniisip ko.

Napahawak siya sa pisngi niya. Pinaglaruan niya ito bago tumingin sakin. "Gwapo ba ako?"

I snorted. "Ewan ko sa'yo." I rolled my eyes.

Ngumuso ako para matago ang ngiti sa mga labi ko.


Break Up GoalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon